Strings 5: Girlfriends for life

Start from the beginning
                                        

"Okay na!" Napatingin kaming lahat kay Rossana na hawak ang microphone at pinipindot pindot ang remote, nag hahanap ng kanta. "Pwede na!"  

Nagbubukas ako ng isang bote ng alak habang tinitingnan ang pagtanggap ni Ellena sa binigay nilang coke. Tumatawa si Lorraine at Rian sa di kinalamang dahilan.

I eyed them both. Lasing na ba agad ang dalawang 'to? 

Napasigaw kaming lahat at mabilis akong lumayo pagkabukas ni El ng coke dahil biglang umapaw ang bula. 

So that's the reason why they were laughing their ass off. Napailing ako. Marianne shrieked while laughing, and Lorraine didn't stop from clapping her hands.

"Oy!" Ellena threw an empty can at them at tumakbo naman ang dalawa habang tumatawa. 

Tumayo si Rossana habang nakangisi at pumunta sa kwarto ni Rian para kumuha ng extra shirt and shorts para sa ate niyang nabasa, habang napadekwatro nalang ako at pinanood silang tatlong naghahabulan.

8:59 p.m.

"Someday someone's gonna love! Someday someone's gonna take youuur place uh uh uh." Natawa ako kay Marianne na halos kainin na ang mike. 

Yan pa yung ayaw kumanta kanina ha, eh halos lahat nang naka reserve ay kanya. Andami na nilang naubos—silang dalawa ni Lorraine—at malakas na ang tama. Nandon pa siya sa harap ng TV, akala mo hindi niya mababasa ang lyrics pag malayo layo ng konti. Parang ako tuloy ang naduduling para sa kanya.

Sumasali din naman si Lorraine pero eto siya ngayon nakahiga sa sofa bed na nilagay namin sa gitna, nakabukaka ang mga braso at paa na parang starfish. Katabi niya si Rossana na naka indian sit, naghahanap ng maikakanta sa cellphone niya. Tinitingnan ko palang sila, napapagod na ako.

9:15 p.m.

Napahagalpak na ako ng tawa at pumalakpak para kay Rossana nang gumiling giling siya habang kumakanta. But then, I immediately stopped when she cried.

"Oh anong nangyari?" Napalabas sa kusina si El hawak ang tasa ng kape niya. 

Kumibit balikat ako habang nakatinigin parin kay Rossana na ngayon ay nasa sahig na.

"Anong nangyari sayo!" Sigaw ni Lorraine na nagising sa ingay ng kaibigan namin. 

Si Rian naman ay walang pakealam at focused sa paghahanap ng kanta niya.

Napapangiwi ako nang lumakas ang hagulgol niya at nasa bibig pa niya yung mic. Imagine the noise. Tumayo ako para kunin ang microphone at tinapik tapik siya sa kanyang balikat habang tumatawa.

9:22 p.m.

"So I'm sorry if I'm kinda mad. It's maybe cuz I cared. I thought it wouldn't hurt me bad. But maybe I was scared." Napabukas ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Rossana. It's different from her previous ones. She's more emotional. "Not gonna lie, I know that I messed it all up. I should have tried, but I find it so hard to trust."

Humikbi siya, and it was really different from earlier, "El, nag rrelapse ata kapatid mo." Tumingin ako sa kanya and she was also staring at Rose.

"So many lies, I guess I've gotten sorta numb. Wish I could explain why my heart's been acting dumb." Tuluyan na siyang umiyak kaya na alarma ako, it was like Rian's cry.

Lumapit sa kanya si Rian habang humihikbi at parehas silang nakaupo sa sahig, magkaakbay pero patuloy parin si Rossana sa pagkanta. "Ohh noo, nasasaktan ka din ba Rosey?"

9:30 p.m.

"Umiiyak ang puso ko't sumisigaaaaw!" aaand Marianne's back! Pagkatapos ng kanina, humiga si Rossana sa sofa bed at ginawa niyang unan ang tiyan ni Lorraine, nakatutok ang camera sa pagkanta ni Rian.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now