"Bakit ka umiiyak?" Kumalas na ako kay Rian nang tumawa siya sa umiiyak na Rossana. Marianne laughed habang pinupunasan ang luha ng kaibigan namin.
I pursed my lips from remembering she got cheated on too.
Humikbi muna siya at tumawa bago sumagot, "Namaga na kasi ang mata mo, ang pangit pangit mo na." I wanted to frown because she was trying to divert our attention.
"Wag nga kayo." Tinulak ni Marianne ang mukha ni Rossana gamit ang buong kamay. Napahalakhak ako, nang malakas siyang bumagsak sa sahig at nanlalaki ang mata nang mapagtantong wala siyang makakapitan.
She rolled her eyes nang hindi kami tumayo para tumulong sa kanya. "Okay, nice to be your source of entertainment."
Pinunasan muna ni Marianne ang natuyo niyang luha bago tumayo. "Gusto ko pa ng alak."
"Me too. Had a rough day." Nagsalita si Lorraine at nagkatinginan kami. Riri looked like she wanted to ask about it, but Lorraine shook her head, "Not now."
Same girl, same.
Tumango si Marianne and didn't ask for more details.
Biglang nagsalita si Ellena, she probably couldn't stop herself from worrying nang tumayo si Rian para kumuha ng inumin. "Uy tama na, kanina ka pa umiinom, hindi ka pa ba nahihilo?"
"I'm slightly tipsy but kaya pa." Nag thumbs up siya.
Sabagay, her alcohol tolerance is much higher than mine. Hindi na nagpatalo si Ellena at bumuntong hininga nalang, pinagbigyan ang brokenhearted.
"Kasama ko naman kayo at nandito ako sa loob. So anong masamang mangyayari? Worst case is susuka ako buong gabi at kayo ang maglilinis ng kalat ko."
"Gusto ko kumanta." Biglang sigaw ni Rossana habang nakahiga padin sa sahig, sinipa siya ni Rian and I laughed, brutal naman nito. "Hey! hindi ako ang nanloko sayo kaya wag mo akong sipasipain."
Inirapan naman siya ni Rian at umiling. "Ikaw mag-setup at maglilinis non."
"Woohoo!" tumayo na si Rossana para ayusin ang karaoke sa smart TV, gumigiling giling pa siya habang papunta sa harap at dumiretso si Rian at Lorraine sa kusina para kumuha ng alak.
Sumigaw ako kay Marianne na nasa kusina. "Dito kami matutulog!"
"Okay!" Sigaw niya pabalik at napangiti ako.
Alam ko namang lahat kami ay tamad nang umuwi at gusto nang matulog dito para samahan si Rian. Ngumisi ako kay El na nasa harap ko ngayon at nabasa niya agad ang pinaparating ko. Sabay kaming tumayo, pinagilid ang center table dito sa sala, at dumiretso sa kwarto ni Rian kung san nandoon ang sofa bed.
Bigla kong narinig ang malakas na feedback sa labas at napangiwi kami ni Ellena, "Mamaya na 'yan Rossana, tulungan mo muna kami dito!" I shouted.
Wala pang ilang segundo ay dumating na si Rossana habang nakapamewang, "Why do you need my beauty?"
"Shut up and help." Irap ko at umirap siya pabalik pero tumulong naman. Dinala namin ang sofa bed kung san unang naka pwesto ang center table, kaharap ng TV. Habang bumalik sa pag set up si Rossana, umupo sa tabi ko si Ellena, at dumating ang dalawa galing sa kusina bitbit ang mga alak. "Isa lang sa'kin."
Rian pouted. "Just one?"
"Wala akong balak mag lasing okay." I chuckled.
Hindi ko talaga balak maglasing, kailangan ko mag job hunting bukas.
Because shit, I just got fired at hindi pa nag s-sink in sa utak ko. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila, pati kina Nana, na wala na akong trabaho. Napahinga ako ng malalim. Bukas, bukas ko nalang sasabihin lahat.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 5: Girlfriends for life
Start from the beginning
