Ilang minuto kaming nanatili sa pwestong iyon hanggang sa humina na ang paghikbi ni Rian at tinanong siya ni Lorraine, nakakunot ang noo. "What happened?"
"That asshole!" Ilang sandali lang ay nagsimula nanamang lumuha ang kanyang mata, "That lying son of a bitch! That—" hikbi "—he—" hikbi ulit, "That jerk!"
For minutes, hinahayaan namin si Rian na ilabas ang lahat and listened to her who kept uttering incoherent words habang hinihimas himas ni Rossana ang kanyang tuhod. Sa mga salitang sinasabi niya na jerk, ahas, manloloko, gago, I think madali naman nang maipagtagpi tagpi ang mga pangyayari. Besides, this is not the first time this happened.
"Akala ko magbabago na siya..."
Lahat kami tahimik pero alam kong lahat kami nakikinig kay Rian na nakasandal sa balikat ko, kahit si Ellena na naglalagay ng mga kalat sa isang malaking trash bag ay napansin kong napatigil nang magsalita ng normal si Rian.
"Akala ko seryoso na siya. Akala ko ik-keep niya ang promise niyang kami na hanggang huli. Tangina akala ko lang pala."
Hindi ko mapigilang punasan ang pisngi niya nang maramdaman kong may tumulong luha sa balikat kong hinihigaan niya.
"Nagkakaroon ako ng kutob. I knew it, but I was in denial. When it sank in... Masakit pala... at napapatanong nalang ako sa sarili ko."
For about half an hour, Riri told us the whole story of finding Danny's phone and his texts to another woman while he was in the shower. Ang laking gago.
"Masyado akong nagpabulag, thinking and telling myself na it's normal that he's staring at other girls while we're in a relationship."
"Girl, I think yun na nga ata ang sign na nawawala na ang relationship niyo." Sabi ni Rossana habang nakasimangot.
"Hmm, I think it's normal na tumingin lang sa ibang babae, but not in the reason you guys think ha." Mabilis kong dagdag nang tiningnan ako ni Lorrain ng masama, "I just think that being in a relationship doesn't mean hindi mawawala ang attraction niyo sa ibang tao, but it's rather a choice of staying and being faithful to your partner? Charot, what do I know? Wala pa naman ako naging jowa. Ang point ko dito is malaking gago si Danny kasi he made that choice."
"Red." Tumawa si Marianne then I felt Ellena's eyes kahit nakatalikod ako sa kanya and I just laughed.
She sighed, "Kasalanan ko rin kasi, masyado akong nagtiwala."
"Huh Ri, wala kang kasalanan! and it's not wrong trusting someone you love. Siya ang may kasalanan kasi hindi niya binigyang halaga ang pagtitiwala mo sa kanya." Sumulyap ako sa likod and I could see anger evident on Ellena's face when she said that. Nakapamewang pa siya habang nakatayo at mariing tinititigan si Rian hawak ang trash bag sa kaliwa niyang kamay.
"Maybe he doesn't even love me anymore, baka iniisip niya lang na mahal niya ako kasi matagal na kaming magkasama." She wasn't looking at us, sinasabi niya 'to sa sarili niya.
"Maybe he does love you, but he doesn't love you enough to be faithful." Sumipol si Rossana sinabi niya at hinawakan ang sarili niyang puso, siya rin ata nasaktan. "Wow. Sakit non ah."
Napailing ako, "Kapag manloloko, isang manloloko. Marianne has nothing to do with his decisions."
"Forget that douche Ri, he is seriously not worth it." Sabi ni Lorraine habang pinupunasan ang basang mukha ni Rian, na tumango naman at pinahid din ang sariling luha, "Ano? Aabangan na ba natin ang lalakeng 'yon?"
"Thank you guys for being here." Tumawa siya at hindi ko mapigilang yakapin si Rian sa sinabi niya.
"Of course, babe, we'll always be here," Lorraine told her while clutching Riri's arm.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 5: Girlfriends for life
Start from the beginning
