Strings 4: Lose

Beginne am Anfang
                                        

Alam kong mali ako. Alam ko nga, so can they shut up and not rub it on my face? Alam kong irresponsible ako, oo na.

Humarap nalang ako kay Madame Kristine, patalikod sa kanila. She's still my greatest idol, and I can't help but be disappointed and ashamed of myself because she wants me gone.

"Alam kong kasalanan ko po ang nangyari and I should be held responsible." 

Habang sinasabi ko 'to ay napalingon ako kay Ipis, nang mapansin niya iyon ay hindi siya bumawi ng tingin. I was the first one who looked away and stared at my boss. 

"Thank you po sa lahat and I apologize Madame. Ilang linggo lang po ako rito but I learned a lot."

Yumuko ako dahil tumulo na ng tuluyan ang aking luha, at pasimple ko tong pinahid habang nakangiti kay Madame. 

She grimaced, "I'm... glad."

"Thank you for everything po." Tumalikod na ako at naglakad palayo. 

Bago ko pa lagpasan ang Ipis, sinamaan ko siya ng tingin and we had a long staring contest before he caught a glimpse of my teary eyes kaya umiwas siya ng tingin at sinuot niya ang kanyang shades.

"Scarlet!" Rinig kong tawag sakin ni Talia nang nasa hallway na ako. 

Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang naglalakad papunta sa'kin, malakas na tumutunog ang kanyang takong sa bawat tapak habang nasa likod niya ang Ipis na naka shades at nakapamulsa. 

"I told you I would get back at you. You know, kung girls nga ang tipo ko you would never be my type kasi hinding hindi ka rin papasa sa standards ko."

She smirked and I couldn't help but raise my eyebrows and snort from disbelief, "Ang boring ba ng buhay mo at ako ang pinagdidiskitahan mo? Nakakalungkot ka naman, ilang oras mong pinag isipan 'yang line mo?"

Tiningnan niya ako ng masama. Tinapik ko ang balikat niya na ikinabigla niya at nagkibit balikat ako. 

Nahagip ko ang mukha ng Ipis sa likod niya na nakatitig sa'kin. Napailing nalang ako at tinuloy ang paglalakad.

"Bakit kasi sinagot sagot mo pa ang apo ni Madame. Tingin ko 'yun ang dahilan kung bakit ka niya gustong gusto itanggal, eh sobrang protective ng matandang 'yon sa mga apo niya." Parangal sa'kin ni Thea habang pinapasok ko ang mga gamit ko sa maliit na box.

Sa totoo lang, wala na akong pakealam kaya tumatango tango nalang ako sa mga sinasabi niya. Umupo ako sa upuan at nag check ng mga drawer kung may naiwan pa ako at napatigil sa pag-aayos ng mga gamit ko nang may naisip, "Thea."

"Hmm?" Ngumuso siya at kinuha ang ibang gamit sa box.

Hinuli ko ang kamay niya at binalik ang mga inaalis niya. Doing that wouldn't stop me from going, "Kilala mo ba yung kapatid ni Talia? Yung isang apo ni Madame?"

"Kapatid? Wala namang... Ah si James?" Napalakas ang palo niya sa'kin and I winced dahil na rin halatang kilig na kilig siya. "Hindi sila magkapatid, mag second cousin sila dahil magpinsan 'yung kanilang mga mommy. Bakit mo natanong? Ang gwapo niya no? A living Greek God!"

Ohh so they're cousins? I scoffed. Galit ako sa lalakeng 'yon. Galit ako sa kanilang lahat. "Akala ko mabait siya. I even promised na hindi ko ipagkakalat na may ginawa sila ng jowa niya sa restroom."

"Ano?" Hininto niya ako sa pag rrant at hinarap ang upuan ko sa kanya.

Inis akong lumingon, "Alam mo ba nung unang araw ko rito, may nakita akong may kasama siya sa loob ng restroom ng mga babae. Nakikipag boom boom pow siya in pub—"

"Ano?!" Napatayo siya, nanlalaki ang mata at hininto ang pagsasalita ko. "Sino 'yung babae?"

I shook my head no, "Babae? Lalake nga."

"Totoo ba?" Bulong-sigaw niya habang nakakapit na sa'kin. Napatayo ulit si Thea habang hawak ang kanyang bibig at nagpapadyak pa ng paa sa gulat. "Oh my God. Kaya pala wala pa akong naririnig na nagkaroon siya ng official girlfriend!"

Napahinto ako at napakagat ng labi nang mapagtanto ang pinagsasabi ko. 

Oh shit. What was I thinking, blurting it out like this?

I trust Thea, pero hindi ko pa siya gaanong kilala. Hindi ko alam kung ikakalat niya ba 'to sa iba. I'm angry at them but I promised to not tell anyone.

Kaya ako kina-karma eh, this would surely bite back at me. 

Tumingin ako sa gilid, inaabangan kung may makikinig. Ginalaw ko ang aking hintuturo para kalabitin siya. "Uy wag mong sabihin sa iba ah."

Tumawa siya at pinaghahampas ako sa saya habang nilalagay ko na ang ibang gamit ko sa tote bag, "Syempre, hindi naman ako madaldal."

Huminga ako ng malalim. Please lang.

Nang mapansing wala na akong gamit, napatayo ako. Wala pala akong masyadong dinala rito, pero mabuti na 'yun dahil mahirap magdala pauwi. 

Napakunot ang noo ko nang mapagtantong hindi ko mahanap ang cellphone ko sa bag. Nilabas ko uli lahat ng gamit ko pero wala talaga. Dahil ba 'yun sa pagtakbo ko kanina? or... sa paghulog ng bag ko sa lobby? 

"Thea, nakita mo ba cellphone ko?"

Napahinto siya sa pag daydream at hinarap ako, "Hindi eh."

Putangina cellphone ko pa nawala.

I sighed loudly at tumango sa kanya bago tumayo, "Sige, babalikan ko nalang dinaanan ko. Anyway, kailangan ko nang umalis baka maabutan pa ako rito. Bye Thea, chat chat nalang." 

Sumimangot siya at niyakap ako. Na-awkwardan pa ako nung una pero niyakap ko rin siya pabalik. Hindi ako sanay sa physical touch kapag hindi galing sa mga kaibigan ko. 

"Bye beh," Hinawakan ko siya sa balikat at tuluyang umalis, ayaw ko nang makasalubong ang mga tao kanina. "Chat nalang kita pag nakita ko ah." 

Tumango ako sa sinabi niya at nagpasalamat. Dumaan ako sa lobby para magtanong pero wala naman silang napansin. Pinapatanong ko rin kung nakita sa CCTV pero hindi nila ako binibigyan ng access, so with a defeated heart, dumiretso nalang ako pauwi.

"Dito na po ako." Nang makarating sa bahay, naabutan kong nakaupo si Nana sa loob ng tindahan kaya dumaan ako sa kanya para magmano habang si Ate Beauty ay nasa labas at nag iihaw ng barbecue. 

Sumandal lang ako sa hamba ng pintuan habang tinitingnan siyang nakikipagbiruan sa mga bumibili.

"Anong nangyari sayo, beh?" Pagkaalis ng mga binentahan niya ay lumingon siya sa'kin at napaupo nalang ako sa upuan na nasa likod niya. 

Paano na ang pambili ng gamot ni Nana? Pano na ang pambayad sa tubig at kuryente?

Meron pa naman akong ipon sa pag trabaho kay madame pero hindi yun sapat, mauubos din 'yun. Napabuntong hininga ako. Naghahanap ng mapapasukang trabaho si Lorraine ngayon, sasama nalang ako sa kanya, "Kumusta araw mo?"

Napahimas ako sa sariling ulo, ang bobo mo Scarlet.

Umiling ako kay ate dahil hindi ko sila gustong istorbohin tungkol sa isang balitang 'yun, "Nawala ko cellphone ko te."

"Jusmiyo, saan? Nanakaw na siguro 'yon. Eto oh, tawagan mo at baka sakaling nahulog lang at may nakapulot." Ngumuso ako at inabot ang cellphone niya.

"Wala na atang chance na mababalik 'yun sa'kin." Bumuntong hininga ako. Mas inuna kong mag log in sa socmed accounts ko para mag rant sa mga kaibigan ko.

The phone was immediately bombarded with notifications. 

Nabigla at kinabahan ako sa mga pinaguusapan nila, nag p-panic sila dahil hindi na macontact si Rian pagkatapos niyang tawagan si Lorraine habang umiiyak. Marami akong private message na natanggap at isa doon ay kay Lorraine.

UlanWhere r u?? We're going to riri's. I'm picking you up!!








༼ つ ಥ_ಥ ༽つ

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt