Kumunot ang noo kong nang makilala ang lalakeng tinitingnan ko. Si Kuya Gwapo.
Tinanggal niya ang kanyang shades at nakita ko nanaman ang mata niyang kumikinang, he has these golden brown orbs na nakaka hypnotize kapag tiningnan ng matagalan.
I groaned. Ano ba 'yang pinagiisip mo sa kalagayan mo Scarlet?
"Lola, the car's ready. Let's go?" He told her that without any change of emotion, mukhang bored.
Pero sandali lang—Lola?! Magkapatid ba si Kuya Gwapo at si Talia? And all this time, akala ko may love triangle between sa kanya, kay Evan, at kay Talia. Sabi ko pa ngang gumagawa lang ako ng kwento sa utak ko eh.
"Sorry sweetie something came up, can you wait a little bit?" Bigla akong nanibago sa boses ni Madame Merina, biglang naging malumanay. Nangilabot ako. I can't imagine my Nana being like that.
Tumango lang siya sa Lola niya at ngumiti. Nang nahagip niyang nakatingin ako ay binigyan ko siya ng maliit na ngiti, hindi ko lang inasahan na mawawala ang kanya tapos pinagsalubong niya pa yung kilay niya, napakuyom ang panga, at pinandilatan ako.
Anyare? Bakit ba highblood ang pamilyang to sa'kin?
"Kristine who is she?" Bumalik ang tingin ko kay Madame Merina nang magtanong siya.
"She's my assistant." Madame Kristine answered.
Napailing siya, "Someone has to take up responsibility. The event is in weeks, and look at this mess! I invited important people, Kristine, and it's not easy getting their time."
"I know." Madame Kristine sighed, looking so defeated I felt my stomach clench.
"Then fire her." Napanganga ako sa biglaang pagsalita ni Kuya Gwa—I mean ni Ipis. Ipis na siya kasi ang sarap niyang hampasin ng tsinelas ngayon.
"You think so?" Bumalik nanaman sa pagiging malumanay ang boses ni Madame Merina.
"Yeah. She's the one at fault, right? She should be held accountable."
Napatulala ako. Ano ba ang ginawa ko sa kanya?! I take back all the good things I thought about him!
"Why were you even out? Is it your break? Bakit ka umalis sa pwesto mo?"
"I think that's too much. Yes, she's at fault but it doesn't have to go to the extent that we'll fire her. This experience may serve as her lesson to be responsible, at ang totoong may kasalanan ay ang gumawa ng 'to and I think ang taong yun ang dapat hanapin."
Parang mas maiiyak ako sa sinabi ni Madame Kristine kasi akala ko pati siya galit sa'kin at gusto na akong paalisin.
"But... James is right."
Sa bigla, napabaling ang tingin ko kay Madame. I thought she was on my side.
Pagtingin ko ay nakatitig siya ng mariin kay James, but James is staring at me.
James
Narinig ko na siyang tinawag ni Talia dati pero 'di ko naalala. James nga pala pangalan niya. Pero di na magbabago isip ko, Ipis na siya magmula ngayon.
"She should be held responsible for her actions, and I don't want ignorant and unaccountable people in my team and inside my building." Nakita kong nakangisi si Talia sa gilid ng mata ko nang magsalita ang lola niya, pero 'di ko siya pinansin.
Bigla kong naramdaman ang paginit ng mata ko habang pabalik balik ang tingin ko sa kanilang lahat, alam kong namumula 'to sa nagbabadyang luha at alam kong nakadilat ng malaki ang mga mata ko para lang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 4: Lose
Start from the beginning
