"I'm so sorry Madame. H-hindi ko talaga inakalang mangyayari 'to, sumagot lang po ako ng tawag at lumabas ng sandali." ...at ginasgasan ang isang kotse.
"Then you should have called someone to exchange places with you!" Napakagat nalang ako ng labi. Hindi ako makasagot, alam ko namang may kasalaan ako.
"Kristine! What happened?" Napalingon ako sa sumigaw, hindi lang ako kundi lahat ng mga staff, pero dahil sa takot na mapagalitan, nagsibalikan na sila lahat sa ginagawa at iniwasan ang tingin niya.
Naglakad papunta sa pwesto namin si Madame Merina. Nasa likod niya ang atribidang si Talia na naka halukipkip. Ba't nandito 'yan? at ka ano-ano niya si Madame?
Sinalubong siya ng boss ko na napailing, "I came back at ito ang sumalubong sa'kin."
Madame Merina furrowed her brows, scanning the area at tinawag ang babaeng itinatayo ang isang mannequin, ito yung babaeng nagbabantay sa kwarto kanina. "You."
Napatayo siya ng tuwid. "P-po?"
"You were in charge here?" Mabilisan siyang umiling, halatang takot na makausap si Madame.
"H-hindi po! M-may gagawin po kasi ako kaya pinapalitan ako ni Madame sa kanya." Nanlaki ang mata ko nang itinuro ako ng babae at naramdaman ang bigat ng mga matang nakatingin sakin.
"You." My skin crawled at her voice. She said it with so much hatred that I wanted to crawl under the floor and die. "I've only seen you twice, but both include you not doing anything right."
Ouch, that was a tough blow.
"Sorry ho." Nainis ako sa sarili ko, wala na ba akong masabi kundi sorry?
Napayuko ako, nahihiya ako kay Madam Kristine. Magbantay lang naman ako at hindi ko pa nagawa ng maayos. "Ikaw may kagagawan nito no? Kaya ka umalis? Kasi natatakot kang malaman na ikaw may kasalanan."
Napaangat ako ng tingin nang nagsalita si Talia at tiningnan siya na parang tinubuan siya ng dalawang ulo, "Kasama ako sa mga staff na nagpuyat para tulungan si Madam bago sisirain ko 'to? Para saan?"
Napahalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. "We don't know, maybe you've slipped or something."
"Baka ikaw ang may kasalanan kasi alam na alam mo ang buong storya noh?" Humalukipkip din ako at tinaasan siya ng kilay habang ginagaya ang tono ng kanyang pananalita.
Akala niya hindi ko siya sasagutin dahil dito ang dalawang boss ko? Hell no.
"You're not a very nice lady." sabi ni Madame Merina, nakakunot ang kanyang noo sa'kin.
The girl beside you is not that nice either.
Gusto ko 'yun sagutin kay Madame pero pinili kong manahimik, baka masisante pa ako... pero pagkatapos ng lahat ng 'to hindi ako aasang mananatili pa ako rito.
"Lola... most of the time pag nakakasalubong niya ako, she's always picking a fight with me!" Napatingin ako sakanya, my eyebrows arched. Ako pa ang naghahamon ng away?
Hindi niya pinansin ang tingin ko at nanatili siyang nakakapit sa braso ni Madame. Patay.
She's her grandmother?
Napailing ako, wala na talaga akong chance na hindi matatanggal dito.
Tumaas ang kilay ni Madame sa'kin at pinaalis ang ibang staff na nasa loob ng kwarto na nakikinig lang. Dumaan si Thea and she gave me a sympathizing glance, pero yung iba? not that nice.
I pursed my lips, seeing them judge and look at me with hatred.
Habang lumalabas ang ibang staff, bigla silang humawi sa gitna nang dumaan ang lalakeng naka black button down shirt at may suot na shades.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 4: Lose
Start from the beginning
