DAHYUN'S POV :
Noong mga oras na pinabalik ko na sila Momo sa kanilang mundo , Hindi ako sumama . Hinang-hina na ko . Pakiramdam ko mamamatay na ko . Naisip ko nung oras na yun na kung mamatay man ako , At least namatay akong lumalaban .
Masaya ko dahil nailigtas ko sila Momo at napagtagumpayan ko na ang aking misyon . Sa wakas , Magagawa ko nang maging masaya at malaya .
"Kamahalan , Lumaban ka" Sabi ni Somi sakin.
"Mamamatay na ko , Somi" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ! Hindi ka mamamatay dahil ililigtas kita . Kailangan ka naming lahat" Nag-aalalang sabi ni Somi sabay buhat sakin .
"Hi---Hindi ko na kakayanin" Sabi ko.
"Kakayanin mo para sa aming mga nagmamahal sayo !" Sagot niya .
Bigla kong naalala si Momo , Nangako ako sa kanyang hindi ko siya iiwanan . Nangako akong magbabalik ako . Kailangan kong lumaban . Kailangan kong manatiling buhay .
Kaso habang buhat ako ni Somi paalis , Bigla na kong nawalan ng malay dahil sa mga sugat na natamo ko .
"Mo---Momo" Mahina kong sabi bago ko tuluyan na nawalan ng malay .
Ito na yata ang katapusan ko ~
Pero nagkamali ako , Akala ko katapusan ko na 'yun pala hindi pa .
Nang imulat ko ang mata ko , Nakahiga ako sa higaan . Nagulat ako dahil nasa loob ako ng aking kwarto sa palasyo . Bakit nandito ko ?!
Tatayo na sana ko kaso sumakit bigla ang sugat ko .
"Mahal na Prinsesa , Wag po muna kayong bumangon" Sabi ni Somi sakin.
"Bakit nandito ko ?! Anong nangyari ?!" Tanong ko.
"Wag ka mag-alala , Prinsesa . Nabawi niyo na ang Palasyo . Malaya na ang lahat nang dahil sa inyo" Sagot niya.
"Ta---Talaga ? Si Eunwoo ?" Tanong ko.
"Patay na siya , Prinsesa . Wala nang dapat pang ipag-alala" Sagot niya.
"Buhay pa ko" Gulat kong sabi.
"Oo naman , Kamahalan . Noong buhatin ko kayo , Dumating agad yung pinakamagaling na manggagamot para iligtas kayo . Ilang araw na kayong walang malay" Sagot niya
Nabuhay ako . Hindi ako namatay ? Akala ko mawawala na ko . Napangiti na lang ako nang tuluyan .
"Magpahinga muna kayo , Kamahalan . Natutuwa ang lahat ng mamamayan dahil sa mga nagawa niyo" Sagot niya.
"Dahil 'yun sa tulong niyo" Sagot ko.
"Nagsisiya ang lahat ngayon , Kapag magaling na talaga kayo --- Pwede na kayong humarap sa kanila" Sagot niya kaya pumayag na ko.
Sa wakas , Tapos na ang paghihirap ng lahat . Tapos na ang kasamaan . Nabawi ko na ang palasyo . I'm sure proud sakin sila Ama at Ina .
Nagawa ko na ! Akala ko hindi ko kakayanin pero nagawa ko padin . Salamat na lang at nandiyan silang lahat sakin . Hindi ko magagawa 'to nang wala sila.
YOU ARE READING
Our Crazy Cute Princess Dahyun
FanfictionHalina't sumama sa adventure ni Dahyun sa mundo ng mga normal na tao . Magawa nga kaya niyang gawin ang kanyang natatanging misyon o magsilbi itong way para magkaroon siya ng panibagong buhay kasama ng mga bago niyang kaibigan ? Let's smile and be...