Chapter 68 - Heartbeat

403 18 48
                                    


DAHYUN'S POV :

Bakit ganito ? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya ?

Ano 'tong nararamdaman ko para kay Momo ? Hindi pwede 'to pero ito ang nararamdaman ko . Sa tuwing pagmamasdan ko siya , Bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko .

Anong meron sayo , Momo ? Bakit nagkakaganito ang isang prinsesang katulad ko ? May lason ba yung jokbal ? Bakit ganun ?

Nang banggitin kasi niya yung tungkol sa kiss , Parang nawala ako sa focus . Naalala ko rin kasi yun . Mas bumilis pa tuloy lalo ang heartbeat ko .

Napayuko ako at napatahimik na lang habang kumakain kasama siya .

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ko sa kamay kaya naman napaiwas ako sa kanya . Natigilan siya . Napatingin ako sa mukha niya . May kakaiba sa kanya na paulit-ulit na nagpaparamdam sakin ng ganito ?!

Agad na muna kong tumayo kaya nagulat siya .

"Saan ka pupunta ?" Tanong niya sakin.

"Bibili lang ng maiinom natin" Sagot ko sa kanya .

Tumango naman siya sakin kaya lumakad na ko . May nadaanan akong lola na nagbebenta ng mga bracelet kasama ng mga anak niya na umaalalay sa kanya .

"Iha , Nais mong bumili ng pulseras ? Maaari kang bumili ng may ka-terno para sa inyo ng kasintahan mo" Sambit ng lola kaya natigilan ako .

Napalapit ako sa tindahan niya .

"Talaga po ? Meron rin po bang sa pangmagkaibigan ?" Tanong ko.

Tumango ang lola . Ipinakita naman sakin ng mga anak niya na katulong niya sa pagtitinda ang mga bracelet na maaari kong pagpilian .

Ang gaganda ng mga bracelet 😍💞😘 . Agad na kong bumili . Binanggit ng lola na patungkol daw sa walang katapusang pagmamahalan ang disenyo ng pulseras na pangmagkasintahan na naroon .

Napaisip ako , Anong bibilihin ko ? Yung pangmagkasintahan o yung pangmagkaibigan ? Gusto ko sanang meron din si Momo para pareho kami . Wala lang .

Ang ganda ng mensahe ng bracelet na pangmagkasintahan . Sa bagay , Pwede ko namang ituring 'to na pangwalanghangganang pagkakaibigan .

Mas pinili kong bilhin ang pulseras na pangmagkasintahan . Napangiti na lang ako at agad nang binayaran ito .

Aalis na sana ko nang magsalita ang lola. 

"Kamukha mo 'yung dalagang bumili sakin ng bracelet na may problema sa pag-ibig" Sabi niya .

"Talaga po ?" Tanong ko.

"Oo , Iha . Sa ngayon , Palagay ko ay masaya na siya sa pag-ibig na meron siya" Sabi niya.

"Ganun po ba ? Salamat po" Sagot ko.

"Welcome , Iha . Sana ay maging maayos rin at masaya ang buhay mo" Sambit niya kaya tumango na ko .

Sana nga , Sana maging maayos na ang lahat .

Agad ko nang initago muna sa bulsa ko ang bracelet para samin ni Momo.  Bumili na ko ng maiinom naming tubig .

Agad rin naman akong bumalik kay Momo na naghihintay na pala sakin . I smiled at her sabay lapag ng tubig . Uminom na muna kami. 

"Ang tagal mo naman" Sabi niya.

"Dahil dito" Sagot ko sabay lapag ng bracelet sa table . Natigilan siya. 

"Para saan 'yan ? Para kanino ?" Tanong niya.

"Para sakin at para sayo" Sagot ko.

Napatingin siya sakin . Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay na sa kamay niya ang bracelet .

"Tanda yan ng magandang pagkakaibigan nating dalawa" Sagot ko.

"Pero para sa magkasintahan ang ganyang klase ng bracelet" Sagot niya.

"Kahit na , Ituring natin 'tong pangmagkaibigan na nagmamahalan" Sagot ko sa kanya . Napangiti naman siya sakin .

Inisuot niya rin sakin ang bracelet . Heto na naman , Yung puso ko .

"Momo , Kamukha ko daw yung isang bumili noon ng bracelet sa lola na pinagbilhan ko" Sabi ko.

"Talaga ? Di bale mas cute ka dun sigurado 'yan !" Sabi niya sabay smile sakin.

Yung puso ko talaga 😱😱😱

"Momo , Anong ibig sabihin kapag ang bilis-bilis ng tibok ng puso mo kahit na pinagmamasdan mo lang ang isang tao ? Yun bang tipong makita mo lang ang ngiti niya , Parang di ka na makahinga" Sabi ko sabay isip.

"Love ang tawag dun , Pagmamahal" Sagot niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Love ?" Tanong ko.

"Oo , Gaya ng nararamdaman ko para sayo . Pagmamahal" Sagot niya nang paseryoso.

Pagmamahal ? So , Mahal ko si Momo ? Ganun ?! Aba !

"Pagmamahal ?!" Tanong ko.

"Bakit ? Mahal mo na rin ba ko ?" Tanong niya sakin .

Napaisip ako . Pagmamahal 'to ?! Hindi pwede eh ! Hindi !

Baka naman pagod lang ako 😱

"Yung tipong kapag masaya siya , Sumasaya ka na rin" Sabi niya sakin.

"Momo" Mahina kong sabi.

"Bakit ?" Tanong niya.

"Baka naman pagod lang ako" Sagot ko.

"Kapag nagmamahal ka , Kahit pagod ka --- Masaya ka parin basta kasama siya" Sagot niya.

Masaya ko na makasama si Momo ngayon . Kapag nakangiti siya masaya na rin ako . Makita ko lang siyang masaya parang nawawala ang pagod ko .

Omg ! In Love na ko kay Momo ?!

💞To Be Continued💞

Abangan ang mga susunod na chapters .

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now