Chapter 70 - Love Me The Same

426 13 0
                                    

MINA'S POV :

Nandito ko ngayon sa store ko ng mga penguin stuffs. 

"Miss , Pabili . Miss ! Miss ! Miss !" Nagulat ako nang may bumibili na pala pero nakatulala parin ako .

Nainis na yung customer ko sakin at umalis na . Napakamot-ulo na lang ako .

Agad ko namang inabutan ng item yung kasunod na customer kaso bigla siyang nagalit sakin .

"Ano ba naman 'yan ?! Hindi 'to ang sinasabi ko ! Kanina pa ko salita nang salita dito tas pamali-mali ang item na ibibigay mo" Galit na sabi ng customer sabay alis na din .

Ano ba naman 'to ?! Napahawak na lang ako sa ulo ko nang magsialisan din ang ibang customers ko .

Hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko ngayon . Hindi talaga . Wala sa kondisyon ang utak ko ngayon . Bakit ? Dahil iniisip ko kung anong ginagawa niya ngayon . Si Dahyun ang tinutukoy ko. 

Hanggang ngayon , Hindi parin mawala sa isip ko na sobra yung effort niya pagdating kila Tzuyu . Bakit ganun ? Mas mahalaga ba sila ? Wala ba kong halaga sa kanya ? Bakit parang nawawalan na siya ng interes makasama ko ?

Miss na miss ko na yung mga panahong sakin pa siya kumakapit . Noong muntikan ko na siyang masagasaan , Para sakin kakaiba at special na siya . Bakit ? Dahil siya palang 'yung nakapagpasaya sakin nang sobra kahit sa weird na paraan .

Yung mga panahong ako pa ang kasangga niya sa mga bagay-bagay . Yung panahong ako pa ang inaasahan niyang makasama . Hindi tulad ngayon na sa kanila na siya sumasaya nang sobra .

Ako yung gumawa ng paraan para matulungan siya pero sa huli , Ako yung napagiwanan niya . Masakit isipin 'yun . Ako 'yung taong nagpoprotekta sa kanya noon pero mukhang hindi na niya ko kailangan ngayon .

Siguro tingin niya lang sakin ay kung sino na laging nandiyan para sa kanya kahit na masaktan ako . Oo , Kahit na masakit ginagawa ko parin ang makakaya ko para mapasaya siya . Samantala , Siya nagpapasaya ng iba .

Napalingon ako sa isang sulok ng store ko kung saan nakapwesto noon si Dahyun nung nagtrabaho siya sakin ng 1 day para mabigyan ng aso si Tzuyu.

Hanggang ngayon , Naiimagine ko parin siya na nakapwesto dun at masayang ginagawa ang trabaho niya. 

Tapos , Natauhan ako . Wala nga pala siya dito kundi kasama ni Momo 😭💔

Namuo na lang bigla ang luha ko . Bakit ba nagkakaganito ko ?! Masakit eh ! Sobrang sakit . Alam niyo kung ano yung pinakamasakit ? Yun yung nagseselos ako pero wala naman akong karapatan dahil walang kami . Yun yung totoo eh .

Kailan kaya niya ko mamahalin ? Sana ibalik na niya yung pagmamahalan na ibinibigay ko sa kanya . Ang hirap kasing bigay lang ako nang bigay wala naman nabalik sakin kaya ang sakit eh 💔💔💔

Bago pa magkanda-letche letche ang lagay ng store ko , Nagdesisyon na muna kong magsarado total hapon na naman eh . Padilim na rin . Sinaraduhan ko na ang store ko at napatingin sa kotse ko .

Uuwi na ba agad ako sa dorm ? Hindi ko kaya ! Hindi ko kaya na makita siyang masaya sa iba 💔😭 Nagdesisyon akong umalis sakay ng kotse ko . Hindi muna ko dumeretsyo sa dorm . Dumaan muna ko sa isang bar kung saan pwede kong mapag-isa .

Our Crazy Cute Princess DahyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon