Chapter 10 - Bad People

654 24 0
                                    


CHAEYOUNG'S POV :

Nakakainis yung babaeng weirdo kanina sa Park ! Para siyang baliw na takas mula sa mental . Kakaiba pa ang suot niya .

Basta , Nakakainis ! Ang sama pa ng ugali .

Umalis na lang ako para tigilan niya ko . Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao eh . By the way , My name is Son Chaeyoung . 18 years old . Sa All Girls Dorm ako nakatira ngayon dahil nag-aaral pa ko at mahirap kung malayuan pa ang biyahe so I decide na tumuloy na lang sa All Girls Dorm .

Wala akong pasok ngayon dahil Sabado kaya nagdecide akong tumambay muna sa Park at doon na muna magdrawing para makapag-focus ako . Pinagkakakitaan ko kasi ang pagdo-drawing at pagpipinta dahil naibebenta ko ang mga 'to para may pandagdag ako sa panggastos ko .

Ayoko na kasing magulang ko pa na nasa probinsya ang nagtutustos sakin ngayon dahil alam kong kaya ko na namang kumita ng pera .

Kaso , May buwisit na sumira ng mood ko sa Park . Sino pa ?! Eh di yung weird na babae na miyamong galing sa mental . Mala-traditional pa ang suot niya kaya ang weird niya .

Umalis na lang ako at hinanap ang kaibigan kong si MOMO . Isinama ko siya dito sa Park eh . Kakain daw kasi siya . Ang takaw ng kaibigan kong 'yun .

Nagsosolo lagi sa Park at kumakain ng paborito niyang Jokbal .

Hinanap ko na muna siya at natagpuan ko siyang naglalakad na malapit sakin .

"Oh Momo , Tapos ka na kumain ?" Tanong ko.

"Hindi !" Nakasimangot niyang sagot.

"Bakit naman ?" Tanong ko.

"May buwisit na babaeng gumambala sa pagkain ko ! Ang weird niya ! Para siyang ewan na prinsesa daw siya ! Nabadtrip ako kaya pinalayas ko siya at umalis na din ako baka bumalik pa eh" Sagot niya.

"Talaga ? Alam mo ba may na-meet din ako kanina ! Parang baliw galing mental ! Prinsesa din daw siya !" Sagot ko.

Natigilan kami pareho . Nagkatinginan kami .

"Anong suot niya ?!" Tanong ko.

"Parang traditional" Sagot ni Momo.

"Aish ! Siya din yung na-meet ko eh ! Baka nga galing sa mental . Baka nakatakas !" Sagot ko.

"Kaya nga eh ! Kainis ! Tapos ka na ba sa drawing mo ?" Tanong niya.

"Hindi nga eh ! Nawala ako sa mood dahil dun sa baliw na babae !" Sagot ko.

"Pulubi yata 'yun , Tara na nga umuwi sa dorm !" Sagot ni Momo.

Tumango na lang ako at sumama kay Momo . Isa si Momo sa mga kasama kong natuloy sa dorm eh .

💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟💟

DAHYUN'S POV :

Gutom na gutom na talaga ko ! Pare-pareho lang naman sila eh ! Parang si Eunwoo din ang mga tao dito . Masasama silang lahat !

Ang sakit na ng tiyan ko 😭😭😭😭 Baka ito na ang ikamatay ko eh . Kaiyak !

Lagot talaga sakin ang Eunwoo na 'yun ! Dahil sa kanya kaya ganito ang buhay ko . Pagbabayarin ko talaga siya sa oras na makabalik na ko sa palasyo .

Mukhang wala naman akong mapapala dito kung uupo lang ako kaya naman tumayo na ko at naglakad-lakad .

Napadaan ako sa isang masikip na lugar kung saan may narinig akong sigaw ng dalawang tao . Agad akong nagtatakbo . Nakita ko ang dalawang babae na sumisigaw dahil inaagaw ng magnanakaw ang kanilang gamit .

Ayoko na sanang tumulong dahil masama naman silang lahat pero sinasabi ng puso kong tulungan sila kaya naman agad na kong lumapit .

"Hoy ! Bitawan mo sila !" Sigaw ko sa lalaking magnanakaw .

Natigilan sila sabay tingin sakin .

"Oh , Sino ka naman ?! Gusto mong masaktan ?! Hahaha ! Isusunod kita pagkatapos nila !" Sagot niya sabay kuha ng maliit na kutsilyo .

"Pasensya na ! Sumakto ka , Mainit ang ulo ko ! Sayo ko ibabaling 'to !" Sagot ko sabay sugod sa lalaki .

Akala ba niya ?! Minamalas siya dahil naiinis ako at gutom na gutom na ! Ang dali lang naman pala niyang patumbahin .

Agad ko siyang napatumba .

"Hindi na po" Mangiyak-ngiyak niyang sabi .

Tumingin ako sa dalawang babae . Akma naman silang lalapit sakin pero umalis na lang agad ako . Nagtatakbo ako dahil baka masama din sila. Baka masamain pa nila ang pagtulong ko .

Sa totoo kasi , Nagsanay ako simula pa nung bata ako . Sinanay akong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko ipinapakitang kaya ko .

Ngayon , Nagagawa ko nang ilabas ang mga napag-aralan ko .

~ TO BE CONTINUED ~

Our Crazy Cute Princess DahyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon