Chapter 2 - The Prince

906 35 23
                                    


DAHYUN'S POV :

"Mahal na Prinsesa , Kailangan niyo na pong gumising" Rinig kong sambit ng mga katulong sa labas ng aking kwarto .

Iminulat ko ang aking mata . Umaga na pala , Bigla kong naalala na ngayon nga pala dadating ang prinsipeng kailangan kong pakasalan .

"Mahal na Prinsesa , Ipinapatawag na po kayo ng Hari at Reyna" Sabi ng mga katulong .

Kumilos na ako at bumangon .

"Pumasok na kayo" Sambit ko.

Pumasok sa loob ng aking kwarto ang mga katulong . Ibinaba nila sa isang tabi ang aking umagahan .

"Mahal na Prinsesa , Suutin niyo daw po itong magandang damit na ito . Utos ng Hari't Reyna" Sambit nila.

Kinuha ko na lang at pinalabas na sila . Ano pa nga bang magagawa ko ?!

Isinuot ko na ang damit na ipinasusuot sakin . Isang Bistidang Maganda .

Kumain na muna ko bago lumabas ng kwarto . Pinuntahan ko na ang Hari at Reyna kaso may nakabunggo ako sa daanan .

Muntik na kong matumba pero bigla niya kong sinalo . Nagkatinginan kaming dalawa .

"Layuan mo nga ko !" Sagot ko sabay tulak sa kanya .

Ngumiti siya sakin . Sino naman 'tong gwapong lalaki na nakabungguan ko ?

"Ikaw siguro ang Prinsesa , Ako nga pala ang Prinsipeng pakakasalan mo" Sambit niya sakin nang masaya.

"Huh ?! Ikaw ?!" Gulat kong Tanong .

"Oo , Pumunta ko dito para mas maging malapit tayo sa isa't-isa" Sagot niya.

"Alam mo , Umalis ka na lang kasi hindi talaga ko interesado eh . Kalimutan mo nang ikakasal ka sakin" Sagot ko.

"Bakit ko naman gagawin 'yun ? Sinong aayaw sa magandang Prinsesa ?" Tanong niya.

"Basta ! Kalimutan mo na , Bahala ka na lang diyan !" Sagot ko sabay akmang paalis nang makita ko sa di kalayuan ang Hari at Reyna na nakatingin samin .

Nilapitan nila kami .

"Nandito ka na pala , Eunwoo . Mabuti naman at nagkita na kayo ng aming anak" Masayang sabi ng Reyna.

"Tama po kayo , Mahal na Hari at Reyna . Unang kita ko palang sa inyong anak , Mahal ko na siya" Sambit ng Prinsipe sabay ngiti sakin.

"Ano kaya 'yun ?! Ayoko !" Sagot ko sabay lakad paalis.

"Dahyun ! Ikaw talagang bata ka !" Galit na sabi ng Hari sakin .

"Hayaan niyo na po siya , Mahal na Hari at Reyna . Maaari po ba kaming lumabas ng Prinsesa ? Maaari po ba kaming mamasyal sa labas ng Palasyo ?" Tanong ng Prinsipe sa Hari at Reyna kaya natigilan ako.

Lumingon ako sa Prinsipe . Ngumiti siya sakin .

"Sige , Hahayaan kitang lumabas kasama ng Prinsesa. Basta't siguraduhin mong ligtas siya" Sagot ng Hari sa Prinsipe .

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now