Chapter 81 - The Throne

463 18 0
                                    

DAHYUN'S POV :

Pinagpahinga ko muna sila Momo bago ko sabihin sa kanila na kailangan pa naming magensayo dito dahil ngayon totoong mga armas na ang hawak nila . Kailangan naming lumaban .

Nang makapagpahinga na sila , Agad na kong lumapit sa kanila.

"Magsikilos na kayo , Kailangan nating magensayo" Sabi ko sa kanila.

"Sige , Saan ba tayo mageensayo ?" Tanong ni Chaeyoung.

"May tagong lugar kaming pinageensayuhan para hindi kami matunton ni Eunwoo" Sabi ni Somi .

"Saan ?" Tanong namin.

"Sumama kayo sakin . Dalhin niyo ang mga espada niyo" Sagot ni Somi kaya sumama na kami sa kanya .

Nakikita ko kay Somi ang isang magiting na pinuno . Pwedeng-pwede siyang mamuno . Alam kong magiging magaling siyang pinuno balang araw .

Natigilan ako nang marating namin ang pinageensayuhan ni Somi . Napatingin agad ako kay Somi . Ba---Bakit may mga ibang tao ?

Nagulat ang mga tao na kasalukuyang nageensayo nang makita ako .

"Ma--Mahal na Prinsesa ?!" Gulat nilang tanong sabay bigay pugay sakin .

"Tama , Ako nga . Nagbalik ako para tapusin na ang gulong ginawa ni Eunwoo" Sagot ko .

"Akala namin hindi ka na babalik , Kamahalan" Sabi nila na nag-aalala pa.

"Hindi ko kayo pababayaan sa laban , Kasama niyo ko . Kasama rin natin sila . Tutulungan sila sa paglaban . Mga kaibigan ko sila mula sa malayong lugar" Sabi ko sabay turo kila Momo.

Agad namang bumati sila Momo sa mga tao .

"Mahal na Prinsesa , Bakit kakaiba ang kasuotan niyo ? Saan po ba kayo nanuluyan noong mga panahong nagtatago kayo ?" Tanong nila.

"Ahhhh----Dahil ganito sa lugar nila . Sa bayan nila ko nanuluyan at nagpalakas . Mga kakampi sila . Nabalitaan ko ang mga nangyari . Salamat sa pagkakaisa" Sabi ko.

"Walang anuman , Prinsesa ! Lalaban tayo hanggang huli" Sabi nila.

Kaya naman napangiti ako . Natutuwa ako dahil may pagkakaisa ang lahat .

"Simula na ng laban , Hindi tayo basta-basta susugod kay Eunwoo . Mageensayo tayo hanggang sa maging handa na tayo" Sabi ko sa kanila.

"Mabuhay ang mahal na prinsesa !" Sigaw ni Somi sabay taas ng kanang kamay ko.

"Mabuhay !" Sigawan ng mga tao kaya naman sobrang saya ko.

Kakayanin namin 'to nang sama-sama .

"Ngayon , Nais kong magkaisa ang lahat at magensayo . Nais kong tulungan niyo ang mga kaibigan ko sa pageensayo . Siguraduhin niyong masasanay sila sa mga espadang hawak nila" Sabi ko kaya tumango ang mga tao.

Nilapitan ko na sila Momo .

"Okay lang 'yan , Magkakampi tayo dito . Tutulungan nila kayong masanay sa espada" Sabi ko kaya napatango na lang sila at nagsimula na ring maki-ensayo sa ibang mamamayan ng palasyo.

Agad na kong lumapit kay Somi kaya napahinto siya sa pageensayo .

"Somi , May gusto akong sabihin sayo" Sambit ko .

Naupo kami sa isang tabi kung saaa maayos kaming makakapag-usap.

"Ano po ang nais niyong sabihin , Prinsesa ?" Tanong niya.

"Nakikita kong magiging mahusay kang pinuno balang araw" Sagot ko sabay ngiti sa kanya.

"Ano pong ibig niyong sabihin ?" Tanong niya.

"Kung sakaling mamatay ako sa laban na 'to , Gusto kong ikaw ang mamuno sa palasyo" Sagot ko.

"Po ? Hi--Hindi po maaari . Hindi ko po kayo hahayaang masaktan" Sagot niya.

"Somi , Nagtitiwala ako sayo . Alam kong sa kabutihan mo --- Magiging maayos ang palasyo . Ayos lang sakin na mapunta sayo ang trono ng palasyo , Kaya mo 'yan ! Maniwala ka sa sarili mo" Sabi ko.

Alam ko namang mapapabuti ang palasyo kay Somi eh . Alam kong ayos lang din 'yun sa mga magulang ko . Ang nais nila ay mabawi kay Eunwoo na hindi karapat-dapat ang trono . Kailangang karapat-dapat tulad ni Somi ang maupo sa trono . Ako ? Hindi ko pa alam kung aabot akong buhay eh . Alam kong delikado ang magiging laban namin ni Eunwoo pero hindi ako susuko . Mabuhay man o mamatay , Lalaban ako.

"Hindi po kayo mamamatay dahil ipagtatanggol ko kayo" Sagot niya kaya naman napatango na lang ako.

Bumalik na kami sa pageensayo . Kitang-kita ko na masaya ang lahat sa pageensayo . Nagagawa pang ngumiti ng lahat . Pinapalakas nilang lahat ang loob ko.

Hanggang sa maalala ko si Ina at Ama , Namimiss ko na talaga sila. Alam ko na !

Agad na kong lumakad dala ang espada ko nang bigla akong tawagin ni Momo.

"Dahyun !" Tawag niya sakin kaya napahinto ako sabay tingin sa kanya . Lumapit sila sakin.

"Prinsesa , Saan kayo pupunta ?" Tanong ni Somi.

"Gusto kong bisitahin ang puntod ng mga magulang ko" Sagot ko.

"Delikado po" Sabi ni Somi sakin.

"Wala akong pakialam kahit delikado . Kailangan ko silang mabisita . Ayos lang ako , Kaya ko nang mag-isa . Magensayo na lang kayo diyan" Sagot ko.

"Hindi po , Prinsesa . Sasamahan kita" Sagot ni Somi.

"Sasama din ako !" Sagot ni Momo.

"Kami din !" Sabi naman ni Jihyo.

Napakamot-ulo na lang ako.

"Kailangan namin kayong samahan para masigurado ang inyong kaligtasan , Mahal na Prinsesa" Sabi ng mga tao kaya wala na kong nagawa.

Sumama sila sakin sa pagpunta ko sa puntod ng mga magulang ko. Sa tagong daan kami dumaan para hindi kami mahuli ng mga kalaban.

Sa paglalakad namin , Bigla akong hinawakan ni Momo sa kamay kaya napatingin ako sa kanya.

"Nandito lang ako para sayo" Sambit niya sakin kaya napangiti na lang ako.

👑To be Continued👑

Guys, Malapit nang matapos 'to . Mamimiss kong i-UD 'to . Don't Worry, May upcoming stories akong ihinanda para sa inyo . Namimili pa ko ngayon ng uunahin ko sa Steal Her Heart , Kim Dahyun and the J-Trinity , Kim Dahyun's Love Potion . Saka ko na pala iko-continue yung "Book3" ng WOKDH .

By the way , Wag kayong mag-alala or ma-atat kung di man yung gustong ship niyo kay Dahyun sa Twice ang bida dito dahil may mga PLANO ko . Lahat sila gagawin ko . Sana maintindihan niyo . May reasons ako kung bakit ganito ang ginagawa ko. Please , Sana maintindihan niyo . Salamat ~ Fighting !

Our Crazy Cute Princess DahyunDove le storie prendono vita. Scoprilo ora