Chapter 78 - Squad Goals

423 10 0
                                    

MOMO'S POV :

Magkakasama kaming naglakad papunta sa Park . Hindi na namin inalala kung pagtawanan man o pagtinginan kami ng mga tao . Bakit ? Dahil hindi mahalaga ang iniisip ng iba , Ang mahalaga ay yung alam kong ginagawa mo kung anong isinisigaw ng puso mo.

Ang inisisigaw ng puso ko , Protektahan si Dahyun . Protektahan ang taong mahal ko .

Hindi ako makakasiguradong ligtas siya kung hindi ako sasama sa laban niya . Wala akong pakialam kahit malagay sa panganib ang buhay ko . Basta , Kasama ko siya masaya na ko .

Hindi ako aalis sa tabi niya , Palagi lang akong nandito para sa kanya .

Ito ang sinisigaw ng puso ko na sa kanya lang nagmamahal nang ganito .

Hindi naman talaga ako yung tao na hinahayaan ang sarili na tawanan ng iba pero nang dumating si Dahyun ---- Hindi ko na inalala 'yun . Ayos lang na pagtawanan ako ng mga tao , At least kasama ko siya . Pareho kaming lumalaban . Kasama pa namin ang mga kaibigan namin .

Habang naglalakad kami , Pinagtatawanan kami ng mga tao pero meron din namang mga namamangha samin . I looked at Dahyun . Halata sa mukha niya na kinakabahan siya pero di niya sinasabi . Hinawakan ko siya sa kamay kaya naman napatingin siya sakin. 

Tumango na lang ako sa kanya . Lumakad na kaming siyam at pumunta na sa Park . Nang dumating kami sa Park , Agad naming sinigurado na walang sinoman ang nakakita samin sa pwesto namin ngayon.

Heto na ! Lalaban na kami . Sana magtagumpay kami . Kaya namin 'to !

"Dahyun , Handa na kami" Sambit ko.

"Guys , Sigurado ba kayo dito ?" Tanong ni Dahyun. 

Agad naman kaming tumango sa kanya . Napabuntong-hininga siya .

"Wag kang mag-alala , Hindi kami mapapaano" Sabi naman ni Tzuyu.

"Tama ! Lalaban talaga tayo" Sabi naman ni Chaeyoung .

"Protektahan na lang natin ang isa't-isa" Sambit ni Mina.

"Buksan mo na ang portal , Dahyun" Sagot naman ni Nayeon.

"Wala nang atrasan 'to" Sabi naman ni Jungyeon.

"Pangako , Sisiguraduhin kong ligtas kayo" Sabi ni Dahyun samin.

"Sisiguraduhin rin namin na ligtas ka" Sabi ni Sana kay Dahyun .

Agad na kaming naghanda . Hinawakan na ni Dahyun ang necklace niya . Ipinikit niya ang mata niya na tila ba nagpo-focus .

Nanlaki ang mata namin nang biglang kuminang at lumiwanag ang kwintas na suot ni Dahyun . To---Totoo nga talaga 😱😱😱

Nagulat kami nang magbukas ang isang portal na may liwanag .

"OMG ! Totoo nga" Sabi ni Nayeon.

"Guys , Simulan na natin ang laban" Sabi ni Jungyeon.

"Halina kayo papunta sa mundo ko" Sambit ni Dahyun samin nang paseryoso.

"Kapit-kamay , Guys ! Walang bibitaw !" Sabi ni Jihyo kaya nagkapit-kamay kami.

Humawak na ko sa kamay ni Dahyun . I looked at her . Seryoso na talaga siya sa ginagawa niya. 

Gagawin na talaga namin 'to . Hindi kami susuko . Walang bibitaw ! Walang maiiwan at walang mawawala . Ito ang aming Squad Goals .

💞To Be Continued💞

Abangan niyo , Cuties 😂😂😂 Fighting ! Sarreh , Maunti 'tong chapter na 'to pang-bitin lang 'to . HAHAHA

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now