Chapter 32 - Until The End

674 25 0
                                    

DAHYUN'S POV :

"Somi , Maari na ba tayong pumunta sa libingan ng mga magulang ko ?" Tanong ko kay Somi na nagaayos ng kanyang espada .

"Opo , Mahal na Prinsesa" Sagot niya sakin . Tumango naman ako sa kanya .

Bigla siyang huminto at lumingon sakin .

"Mahal na Prinsesa , Kung sakaling magkaaberya --- Ililigtas kita . Huwag kang mag-alala . Ako ang bahala sayo" Sagot niya sakin .

"Walang anuman , Somi . Kaya ko namang lumaban eh" Sagot ko sa kanya . Tumango na lang siya at lumakad na .

Sumunod ako sa kanya . Pasimple kaming naglalakad sa kalsada habang papunta sa libingan ng mga magulang ko.

Nakikiramdam ako sa mga tao sa paligid . Parang masama ang kutob ko dito pero kailangan kong puntahan ang mga magulang ko.

Nang dumating kami sa libingan nila , Agad akong naupo sa isang tabi . Hindi ko napigilan yung luha ko na agad ring bumagsak .

Miss na miss ko na kasi ang mga magulang ko . Sana buhay pa sila ngayon . Sana makabawi man lang ako sa pagkukulang ko bilang Anak nila at bilang Prinsesa .

"Ayos lang 'yan , Prinsesa" Sabi ni Somi.

"Sino ang nagpalibing sa kanila dito ?" Umiiyak kong tanong .

"Ang mga mamamayan . Noong araw na nawala ka at namatay sila , Inilabas ng mga sundalo ang bangkay nila at nagdesisyon ang mga mamamayan na bigyan sila ng maayos na libing" Sagot ni Somi.

"Salamat sa inyong lahat , Salamat sa mamamayan ng palasyong 'to" Umiiyak kong sagot .

"Hanggang huli , Ipaglalaban namin kayo" Sagot niya sakin .

"Hanggang huli , Gagawin ko rin ang lahat para mabawi ang trono at maibalik ang dating saya dito" Sagot ko . Tumango naman siya sakin .

Napayuko na lang ako . Mas napaluha pa ko lalo .

"Ama --- Ina , Patawad sa lahat ng nagawa ko . Alam kong ang dami-dami kong pagkukulang . Alam kong matigas ang ulo ko . Alam kong iresponsable akong prinsesa . Pero , Pinapangako kong gagawin ko ang lahat mabawi lamang ang palasyo . Pagbabayaran ni Eunwoo lahat ng ginawa niya ! Pangako 'yan . Mahal na mahal ko kayo . Miss na miss ko kayo" Sambit ko habang lumuluha .

"Prinsesa !" Biglang sabi ni Somi .

Nagulat ako kay Somi na agad naglabas ng espada niya . Napatayo ako at napalingon sa paligid . Hindi !

May mga sundalong may mga espada . Palapit na sila samin at mukhang alam na nila na ako ang Prinsesa .

"Mahal na Prinsesa ! Sumuko ka na ! Sa wakas , Nagpakita ka na rin" Sambit ng mga Sundalo.

"Mga baliw ba kayo ?! Bakit ako susuko sa inyo ?! Mga traydor kayo sa Palasyo !" Seryosong sagot ko.

"Ini-utos samin ni Haring Eunwoo na patayin ka sa oras na mahanap ka namin !" Sagot nila.

"Dadaan muna kayo sakin !" Sagot ni Somi nang matapang .

"Somi ! Di mo kailangang gawin 'to" Sambit ko.

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now