Chapter 75 - Falling For Someone Else

459 15 5
                                    

SANA'S POV :

Ang daming nangyari samin ngayon . Nagkaroon ng problema , Mabuti at naayos din nila Mina at Dahyun . Grabehan na talaga yung mga nangyayari . Si Dahyun rin naman ang pinakanaaapektuhan . Siya yung pinakanahihirapan dahil nape-pressure namin siya . Tama si Jihyo , Nakakaawa na si Dahyun .

Ang dami na nga niyang pinoproblema eh . Dadagdagan pa namin .

Sa ngayon , Masayang nageensayo si Dahyun kasama si Momo . Si Momo , Siya yung kaisa-isang tao na nakita kong nakakapagpasaya kay Dahyun nang ganun kadali .

Trying hard nga si Chaeyoung kanina kaso di niya nagawang mapasaya si Dahyun tapos nung si Momo na , Kita ko agad sa mukha niya yung ngiti niya . Kitang-kita sa mata niya na talagang masaya siya na makasama si Momo .

Mabuti na rin 'to . At least kahit problemado siya , May taong nasa tabi niya na napapangiti siya . Alam ko namang hindi ko siya mapapangiti nang kagaya ng pagpapangiti ni Momo sa kanya eh .

Hanggang ngayon , Hindi ko parin naaamin sa kanya 'tong nararamdaman ko .

Malapit na siyang umalis . Gusto na niyang umalis para tapusin ang misyon niya . Nag-aalala ko sa kanya . Hindi biro ang gagawin niya .

Hanggang sa hindi ko na nakayanan , Agad na kong tumayo at lumapit sa kanilang dalawa .

"Gusto ko ring magensayo" Sambit ko.

"Si--Sige" Sagot ni Dahyun . I smiled at Momo . Tumango lang naman sakin si Momo . Nagpahinga na muna si Momo kasama sila Jihyo .

"Paano ba 'to ?" Tanong ko sabay hawak sa espada.

"Dahan-dahan ka lang , Sana . Ganito kasi 'yan" Sabi ni Dahyun sabay alalay sakin . Inalalayan niya ko para hindi ako madisgrasya sa paggamit ng espada .

Kabado ko pero sinubukan ko padin . Alam niyo kung bakit ginagawa ko 'to ? Dahil ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya .

"Ahhh---Dahyun , May gusto kong sabihin sayo bago ka tuluyang makaalis eh" Sabi ko kaya napatingin siya sakin .

"Ano 'yun ?" Tanong niya.

"Kasi --- Gusto kita . Matagal na" Sagot ko.

Natigilan siya sa mga sinabi ko.

"Sana , Ba--Bakit ?" Tanong niya.

"Mahal kita , Hindi ko napigilan yung sarili ko na mahalin ka eh . Sorry" Sambit ko.

Bigla siyang lumapit sa kanya .

"Sana , Saka na lang muna tayo magensayo . Pupuntahan ko lang si Momo" Sabi niya sakin sabay lakad na .

"Siya na ba talaga ?" Tanong ko sa kanya.

I looked at her pero hindi siya sumagot at lumakad na lang papunta kay Momo .

Napayuko na lang ako . Ngayon , Parang alam ko na 'yung sagot sa mga tanong ko . Mukhang huli na talaga eh . Huling-huli na talaga .

Mukhang may iba na siyang mahal . Hindi ako 'yun , Never na magiging ako 'yun 💔💔💔

Masakit , Sobrang sakit ! Iniwanan niya ko sa pwesto ko at pumunta siya kay Momo . Nakita ko siyang nakangiti habang kausap si Momo . Mukhang hindi na niya kailangang sagutin yung mga tanong ko . Nakikita na ng mata ko na she's falling for someone else 😭😭😭.

Ang dami kong sinayang na chance . Dapat pala noon ko pa sinabi sa kanya . She's driving me crazy . Ano pa bang magagawa ko ?

Dapat kong tanggapin kung ano man ang desisyon niya . Pinigilan ko na lang ang luha ko kasi masakit talaga. 

Kahit hindi ako 'yung mahal niya , Gusto kong sabihin sa kanya na ngumiti lang siya palagi dahil ayos lang ako . Ngingiti na lang din ako kasi hindi ko makakalimutan yung moments namin kahit ano na lang ang makaalala . Nagpapasalamat parin ako dahil nagkakilala kami . Itatago at sasarilihin ko na lang 'tong nararamdaman ko .

Only with my heart , I'll steal her . Only with my heart , I'll hug her . Ayos na sakin 'yun at least hindi ko siya nasasaktan .

If we run into each other by fate , Sana lagpasan na lang niya ko na para bang hindi niya ko nakita . Kahit pa masaktan 'tong puso ko na para bang hinahati sa dalawa , Kahit papaano makikita ko siya kahit na sandaling segundo lang habang nilalagpasan niya ko 💔

Don't be sorry , This is my life . Kahit na mahal niya ko o hindi , Ganito parin 'yung mararamdaman ko sa kanya 😭 Mahal ko parin siya .

💔To be Continued💔

Pakihanap po yung pira-pirasong puso ni Sana . Please ✌😂 Hahaha . Summerness ! 👏😎 . Best Actress si Sana . Lol

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now