Chapter 46 - One Team , One Family

515 19 0
                                    


MINA'S POV :

Sobrang saya namin nang maglaro kami kanina sa dagat . Lahat kami nakangiti . Ang saya pala talaga ng ganito noh . Yung masaya ang lahat . Yung lahat nagkakasundo at nagkakaisa .

Nang dumilim na , Nagdesisyon muna kaming magpahinga sa kanya-kanyang kwarto .

Nakita kong nakatulala si Tzuyu habang nakaupo sa higaan niya .

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo" Sabi ko sa kanya . She looked at me .

"Tama ka , Sobrang lalim" Sagot niya sakin.

"Ano bang iniisip mo ?" Tanong ko.

"Iniisip ko kung tuloy tuloy na ba 'tong friendship nating siyam" Sagot niya sakin.

"Siyempre naman , Tuloy-tuloy na 'to" Sagot ko.

"Wala nang iwanan" Sagot naman ni Chaeyoung na nagdo-drawing sa higaan niya .

"Walang iwanan ? Pero , Diba aalis si Dahyun kapag kaya na niya ?" Patanong na sabi ni Tzuyu.

Natigilan kami ni Chaeyoung . Tama , Aalis si Dahyun kapag kaya na niya . Balang araw , Bigla na lang siyang mawawala sa tabi namin at magbabalik na sa mundo niya.

"Guys naman , Kahit naman bumalik siya sa mundo niya --- Babalik siya . Kailangan niyang bumalik" Sagot ni Chaeyoung.

"Ta---Tama ! Babalik siya satin" Sagot ko .

"Sana nga . Btw , Ano ba yang dino-drawing mo ?" Tanong ni Tzuyu kay Chaeyoung .

"Tayong siyam" Sagot ni Chaeyoung sabay pakita samin ng drawing . Ang galing talaga niya .

Nagdrawing siya nang siyam na magkakaibigan na masayang magkakasama .

Bigla namang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin .

"Pasok !" Sagot ko kaya agad namang pumasok sina Nayeon , Jihyo at Jungyeon.

"Tara sa labas , Guys !" Yakag ni Jihyo.

"Why ???" Tanong namin.

"Gabi na oh" Sagot ko.

"Basta , Magba-bonding tayo at magkukwentuhan" Sagot ni Nayeon.

Sumama na lang kaming tatlo sa kanila . Paglabas namin , Nakaupo na silang lahat habang nakapalibot sa apoy sa gitna .

Para lang kaming magka-camping eh 😂

Naupo na rin kami sa tabi nila . Naglapag na ng mga pagkain si Jihyo .

"Mina , Bakit nagtatrabaho ka pa at nagbi-business kahit na madami namang pera ang pamilya mo ?" Tanong ni Jihyo sakin.

"Dahil gusto kong manggaling mismo sakin ang mga ginagastos ko . Kaya ko na naman ang sarili ko . Gusto kong makatulong sa iba" Sagot ko sa kanya.

"Ganern ? Sa bagay" Sagot ni Jihyo.

"Pwede na ba nating tanungin kay Dahyun kung anong nangyari nung bumalik siya sa mundo niya ?" Tanong ni Chaeyoung.

Our Crazy Cute Princess DahyunTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang