Chapter 30 - The Truth

691 23 2
                                    


TZUYU'S POV :

Totoo yung mga sinabi ko kay Dahyun . Alam ko kung ano 'yung totoo . Alam kong masamang magsinungaling . Naisip ko lang naman na itago yung nalalaman ko dahil gusto ko siyang mas makilala . Yun bang siya mismo ang magi-introduce ng sarili niya .

Natigilan siya sa mga inamin ko sa kanya .

"Tzuyu , Tulad ng sinabi ko --- Kailangan kong bumalik sa mundo namin at bawiin ang palasyo . Yun ang rason kung bakit hinahanap ko ang dimensyon kung saan ako dumaan" Sagot niya sakin .

"Paano ka ba nakapunta sa mundong 'to ? Gawin mo din 'yun para masubukan mong mahanap yung dimensyon na sinasabi mo" Sambit ko sa kanya .

"Tama ka , Dapat nga sigurong subukan ko na" Sambit niya sakin .

Ngayon ko lang napansin yung kwintas na suot niya . Kakaibang kwintas 'yun . Tunay talaga .

"Anong gagawin mo ?" Tanong ko sa kanya .

"Babalik na sa mundo ko" Sagot niya . Napaisip ako . Paano kung mahanap na niya yung dimensyon na sinasabi niya ? Paano kung hindi na siya bumalik dito sakaling makabalik siya sa mundo niya ? Paano kung hindi ko na siya makita ? Paano kung iwanan na niya kami ?

Tumingin siya sakin nang paseryoso . Hindi ko alam kung anong gagawin ko . Hawak-hawak niya ang kanyang kwintas . Pumikit siya . Wala namang gaanong tao sa paligid dahil hapon na .

Nagulat ako nang biglang humangin nang malakas . Nanlaki ang mata ko nang umilaw bigla yung kwintas ni Dahyun habang nakapikit siya .

"Dahyun !" Pagtawag ko sa pangalan niya .

"Tzuyu !" Pagtawag din niya sakin nang biglang sumulpot ang isang portal na umiilaw . Yun yung nakita ko noong nakita si Dahyun na biglang sumulpot sa mundong 'to .

Nahanap na ni Dahyun yung dimensyon na hinihintay niya .

"Sa wakas ! Yung kwintas lang pala yung susi eh !" Sabi niya sakin nang masaya .

"Paano na , Dahyun ?" Malungkot kong tanong sa kanya .

"Kailangan ko nang bumalik sa palasyo . Kailangan ko nang harapin yung tadhana ko . Kailangan ko nang bawiin ang trono" Sagot niya sakin nang paseryoso.

"Diba't sabi mo --- Pinatay ng Prinsipe na pakakasalan mo yung mga magulang mo . Delikado , Dahyun" Sambit ko sa kanya . Nag-aalala ko dahil baka hindi na siya makabalik samin .

"Tama ka , Pero --- Kailangan kong gawin 'to . Kailangan kong tuparin ang pangako ko sa mga magulang ko . Kailangang pagbayarin ko si Eunwoo" Sambit niya sakin .

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit .

"Dahyun , Dito ka na lang" Malungkot kong sabi habang yakap siya .

"Tzuyu , Hindi pwede --- Kailangan kong pagbayarin si Eunwoo . Kailangan ko ring malaman kung saan nakalibing ang mga magulang ko . Kailangan ako ng mga mamamayan nh Enchanted Palace" Sagot niya sakin .

"Ngayon ka na ba aalis ?" Tanong ko sa kanya.

"Oo , Ngayon na" Sagot niya.

"Bumalik ka , Please" Sabi ko sa kanya.

"Pangako , Babalik ako" Sagot niya sakin sabay smile.

"Paano ko sasabihin sa iba ?" Tanong ko.

"Kaya mo na 'yan , Salamat sa inyong lahat . Babalik ako . Pangako 'yan" Sambit niya .

Bumitaw na siya sakin at lumakad na papunta sa Portal . I looked at her . Gustong - gusto ko siyang pigilan kaso alam kong wala akong karapatang pigilan siya sa gusto niyang gawin .

Dumaan na siya sa portal at nang tuluyan na siyang mawala --- Nawala na din ang portal .

Napayuko ako . Wala na talaga siya . Nakabalik na siya sa mundo niya 💔💔💔

Anong sasabihin ko sa iba naming kasama ? Baka talagang hindi sila maniwala sakin .

Bumalik ako sa dorm nang mag-isa at malungkot .

"Tzuyu , Bakit ngayon ja lang ? Nasaan si Dahyun ?" Tanong nila sakin .

"Wala na" Malungkot kong sagot sabay lakad .

"Wait ! Anong wala na ?" Tanong ni Momo sakin.

"Wala na , Nakabalik na sa mundo niya" Sagot ko.

Hinawakan ako ni Mina sa magkabilang balikat sabay harap sakin .

"Tell me the truth , Where's Dahyun ?" Tanong ni Mina sakin.

"Bumalik na siya sa mundo niya , Nabuksan na niya yung portal pabalik sa mundo niya" Sagot ko.

"Ano bang sinasabi mo , Tzu ? Portal ? Seryoso kasi" Sambit ni Chaeyoung .

"Totoo yung sinasabi ko . Totoo yung sinasabi ni Dahyun . Nagmula siya sa ibang mundo" Sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin ?" Tanong ni Sana sakin.

"Siya si Prinsesa Dahyun mula sa Enchanted Palace . Nakatira sa ibang mundo . Ginamit niya yung kwintas niya para mabuksan yung portal . I tried my best para pigilan siya kaso --- Desidido talaga siyang bawiin yung sinasabi niyang trono" Sagot ko.

Natigilan sila sa mga sinabi ko . Napatingin silang lahat sakin .

"May lagnat ka ba , Tzu ?" Tanong ni Jungyeon sabay hipo sa noo ko .

"Wala akong lagnat , Totoo yung sinasabi ko . Pasensya na , Nagsinungaling ako . Nung una palang , Alam ko nang totoo yung mga sinasabi niya . Na-curious lang naman ako . Nasa park ako nang mga oras na 'yun tapos biglang may kuminang sa lublob na part ng Park then biglang sumulpot ang isang portal kung saan dumaan si Dahyun papunta dito" Sagot ko sa kanila.

"Tzu , Iba na 'yan . Gu--Gutom lang 'yan" Sagot ni Nayeon .

"Maniwala kayo o hindi , Alam ko sa sarili ko yung totoo" Sagot ko sa kanila.

"So , Nasaan na si Dahyun ?" Malungkot na tanong ni Momo.

"Bumalik na nga sa mundo niya" Sagot ko.

"Magpahinga ka na kaya muna , Tzuyu" Sambit ni Jihyo sakin .

"Fine , Pero --- Nangako siyang babalik siya . Maghihintay ako sa panahong 'yan . Naniniwala ako sa kanya" Sagot ko sa kanila.

"Si---Sige" Sagot nila sakin .

Pumasok na ko sa kwarto at naupo sa higaan ko . Napayuko na lang ako . Nag-aalala ako para kay Dahyun . Gusto ko siyang tulungan .

"Tzu , Totoo ba yung mga sinasabi mo ?" Tanong ni Chaeyoung na pumasok din sa kwarto.

"Chaeng , Totoo 'yun . Nag-aalala ako sa kanya" Sambit ko.

Tinapik niya ang balikat ko .

"Kung totoo nga 'yun --- Kailangan niya tayo" Sagot ni Chaeyoung sakin .

"Tama ka , Kailangan niya tayo pero hindi natin siya matutulungan dahil hindi tayo makakapunta sa mundo niya" Sagot ko .

"Hintayin na lang natin ang pagbabalik niya , Sabi mo --- Babalik naman siya" Sambit niya.

"Tama ka , Babalik siya . Nangako siya . Nakakamiss na agad siya eh" Sagot ko.

"Tama ka , Nakakamiss nga bigla ang isang 'yun" Sagot niya sakin .

Napabuntong-hininga na lang ako . Miss ko na agad si Dahyun . Ano na kayang nangyayari sa kanya ngayon ? Sana ligtas siya .

~ TO BE CONTINUED ~

Ano na nga kayang nangyari sa Enchanted Palace sa pagbabalik ni Dahyun ? Abangan !

Our Crazy Cute Princess DahyunWo Geschichten leben. Entdecke jetzt