Chapter 69 - 2Yeon

373 18 5
                                    


JIHYO'S POV :

Maagang nagsikilos ang lahat dahil may kanya-kanyang trabaho na naman . Napansin kong magkasamang umalis sila Nayeon at Jungyeon . Saan kaya pupunta ang dalawang 'yun ?

Alam ko na ! Agad kong hinila si Chaeyoung na wala namang gagawing importante ngayong araw . Katatapos niya lang kumain ng agahan .

"Saan ka pupunta ?" Tanong ni Dahyun sakin.

"May importante lang na aayusin , Bye" Sagot ko .

Agad na kong lumabas ng dorm kasama si Chaeyoung .

"Yah ! Jihyo , Saan mo ba ko dadalhin ?" Tanong ni Chaeyoung sakin.

"Basta , Samahan mo ko . Wala ka namang gagawin ngayon" Sagot ko .

"Saan ba ?!" Tanong niya.

"Tara !" Sabi ko sa kanya . Sumakay na kami ng Taxi . Pinasundan ko ang taxi na sinakyan nila Jungyeon at Nayeon .

Napatingin nang masama si Chaeyoung sakin .

"Omg ! Stalker ka nila Nayeon at Jungyeon !" Sabi niya sakin.

"Tsk ! Hindi sa ganun , May kailangan lang akong malaman . Para kasing may sikreto sila" Sabi ko.

"Ganun ? Bakit ? Lahat naman may sikreto eh . Tsk ! Stalk pa more" Sabi niya.

"Trust me , Manahimik ka na lang at sumama sakin" Sabi ko sa kanya .

Nanahimik na lang si Chaeyoung sa tabi ko . Makalipas ang ilang minuto . Huminto ang taxi at lumabas na sina Nayeon at Jungyeon .

Dito sa Park ? Omg , Feel ko talaga may initatago sila eh .

Hinila ko na si Chaeyoung at nag-spy na kami dun sa dalawa .

Nanlaki ang mata ko dahil magka-holding hands silang dalawa .

"Look ! Magka-holding hands sila" Sabi ko kay Chaeyoung. 

"Jihyo , Praning ka na noh" Sagot niya sakin.

"Aish ! Basta !" Sagot ko.

Umupo yung dalawa sa bench kaya nagtago kami ni Chaeyoung sa halamanan . Minanmanan namin sila . Masayang nagkukwentuhan yung dalawa nang magkahawak kamay pa din .

"Mukha na tayong tanga dito , Jihyo" Sabi ni Chaeyoung .

"Aish ! Hayaan mo na" Sagot ko.

"Anong hayaan na ? Di kaya pwede 'to ! Dinadamay mo ko sa kalokohan mo" Sagot niya .

Napakamot-ulo na lang ako . Nagpatuloy kami ni Chaeyoung sa pagmanman dun sa dalawa .

Nang bigla na lang ------

"Anong ginagawa niyong dalawa dito ?" Nagulat kami ni Chaeyoung sabay lingon sa likod namin .

Hala ! Si Momo at Dahyun . Bakit nandito silang dalawa ?!

"Ba---Bakit nandito kayo ? Diba nasa dorm kayo kanina" Sabi ko.

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now