Chapter 9 - Food is Life

669 24 2
                                    


DAHYUN'S POV :

Gusto ko nang turuan ng leksyon ang matakaw na taong 'to eh pero ako ang Prinsesa .

Kaikangan kong panatilihin ang kaayusan kaya't hindi ko siya maturuan ng leksyon .

"Hirai Momo , Ang takaw mo !" Sagot ko sa kanya.

"Pulubi ka naman , Alis !" Sagot niya sakin.

"Matakaw ka padin ! Mabulunan ka sana !" Sigaw ko sa kanya.

"Alis na nga !" Sigaw niya sakin .

"Tatandaan kita , Hirai Momo ! Ang sama mo !" Sigaw ko sabay alis na .

Nakakainis ! Isa na namang walang respeto sakin ang nakilala ko . Lahat ata sila walang respeto eh ! Ang sasama nila .

Gusto ko lang namang makakain 😭😭😭

GANITO PALA ANG NARARAMDAMAN NG MGA HINDI MAKAKAIN SAMANTALA AKO KAPAG DINADALHAN NG PAGKAIN SA KWARTO KO , TODO TANGGI PA KO  💔💔💔

Unti-unti ko nang natutuklasan ang mga bagay - bagay . Bakit ganun ? Malaya na ko ! Nakakapamasyal na ko pero hindi ako masaya .

Masaya kapag kasama ko ang mga magulang ko na ginagawa 'to ngayon . Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Ama sakin . Ito na lang ang naiwan nilang ala-ala sakin .

Ano na kayang nangyayari sa kaharian ngayon ? Nalulungkot ako para sa mga tao sa labas ng palasyo . Alam kong sa mga oras na 'to , Nagtataka sila kung ano nang nangyari sa Hari , Reyna at sa Prinsesa 😭😭😭

Kailangan ko talagang bumalik sa tamang panahon . Kailangan kong iligtas ang taong bayan ng aming palasyo.

Tama talaga si Ama , Iresponsable akong Prinsesa 💔😭 Ngayon ko lang napagtanto na totoo ang mga sinasabi niya .

Hindi ako naging mabuting Prinsesa sa kanila . Naging makasarili ako 💔💔💔💔💔

Lumingon ako sa paligid at ibang-iba talaga ang mundong 'to . Hindi ko magawang makisalamuha sa mga tao dito dahil ang sasama nila .

Ito ba ang parusa sa mga nagawa ko ?

Gutom na talaga ko ! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong gutom . Ngayon ko lang naranasang hindi asikasuhin at hindi pagsilbihan .

Hirai Momo , Yun pala ang pangalan niya ah . Ang sama talaga niya . Ni isang kagat , hindi ako binigyan . Kaiyak 😭💔

~ TO BE CONTINUED ~

Pasensya na , Maiiksi kada chapter . Pagbigyan ! Medyo naging busy eh . Haha

Our Crazy Cute Princess DahyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon