Chapter 3 - I Don't Like You

730 34 0
                                    

DAHYUN'S POV :

"Dahyun , Ano bang sinasabi mo ?! Magpapakasal ka kay Eunwoo sa ayaw at sa gusto mo !" Galit na sabi ng Hari .

"Ayoko pong magpakasal dahil hindi ko siya gusto . Hindi ko siya mahal !" Sagot ko.

"Dahyun , Wala ka nang magagawa . Magpapakasal ka sakin" Sagot ni Eunwoo.

"Tingnan natin !" Seryosong sabi ko .

Kahit naman iniligtas ako ng lalaking 'to . Iba parin yung pakiramdam ko sa kanya . Parang hindi siya mapagkakatiwalaan .

"Sa lalong madaling panahon , Ikakasal kayo ! Mga Katulong ! , Ikulong si Dahyun sa kanyang kwarto hanggang sa matuto !" Galit na utos ng Hari .

Hinawakan na ko ng mga katulong at dinala sa kwarto ko . Napaluha na lang ako sa loob ng kwarto . Parang mas pinagkakatiwalaan pa nila si Eunwoo kaysa sakin .

Alam ko naman ang mga ginagawa ko eh . Gusto ko lang talagang maging malaya .

Ang sakit-sakit isipin na parang sa lahat ng bagay wala na kong kalayaan .

Para kong isang laruan na sunud-sunuran sa kanila . Wala akong magawa .

Biglang may kumatok sa kwarto ko .

"Pasok" Umiiyak kong sabi . Nagulat ako nang pumasok ang Mahal na Reyna , Ang aking Ina .

Inilapag ni Ina ang pagkain sa isang tabi .

"Anak" Malungkot na sabi ng aking ina . Niyakap niya ko nang mahigpit .

"Bakit ganun ? Wala na kong kalayaan" Sagot ko nang umiyak.

"Anak , Pasensya ka na. Ito ang dapat na gawin . Para din 'to sa kinabukasan mo sa palasyo" Sagot niya.

"Kung para sakin 'to dapat masaya ako !" Sagot ko.

"Pasensya ka na , Anak . Naiintindihan kita pero wala tayong magagawa . Ito ang desisyon ng iyong ama . Alam mo namang mahal na mahal ka namin" Sambit niya .

"Alam ko pong mahal niyo ko pero nasasakal na ko sa pagmamahal na ibinibigay niyo" Sagot ko .

"Anak , Kailangan mong magpakasal kay Eunwoo" Sagot niya sakin.

"Ayoko po" Sagot ko .

"Anak , Kailangan . Sige , Palagi mong tatandaan na mahal ka namin pero wala tayong magagawa sa sitwasyon mo . Mabait naman si Eunwoo . Alam naming aalagaan ka niya" Sagot niya.

"Ina , Hindi ako nagtitiwala sa kanya ! Pakiramdam ko may masama siyang intensyon" Sagot ko.

"Baka nagkakamali ka lang , Anak . Sige na , Mauna na ko . Kainin mo na 'yang pagkain na iniwanan ko" Sagot niya sabay labas na ng kwarto .

Napaluha pa kong muli dahil mukhang wala na talaga kong magagawa .

KAILANGAN KO NANG MAGPAKASAL SA TAONG HINDI KO NAMAN MAHAL .

Pero , Hindi ako titigil . Alam kong may masamang intensyon ang Eunwoo na 'yan .

Pakiramdam ko kasi talagang hindi siya mapagkakatiwalaan .

~ To Be Continued ~

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now