Chapter 66 - I Like Her

430 19 1
                                    

CHAEYOUNG'S POV :

Pagpasok ko ng kwarto , Nandun si Tzuyu sa kama niya kasama yung aso na ibinigay ni Dahyun sa kanya . I smiled at her sabay upo na muna sa kama ko .

Napansin ko na sobrang saya ni Tzuyu . Sino ba namang hindi sasaya kapag binigyan ka ng taong importante sayo ng bagay ba gusto mo ? Sobrang swerte ni Tzuyu .

"Tzu , Do you like her ?" Tanong ko . Napalingon naman sakin si Tzuyu sabay lapag ng aso niya sa isang tabi. 

"What do you mean ?" Tanong niya.

"May gusto ka ba talaga kay Dahyun ?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit mo natanong 'yan ?" Tanong niya sakin.

"Dahil gusto ko siya" Sagot ko.

Natigilan siya at agad na napabuntong-hininga.

"Oo , Gusto ko siya . Gustong-gusto" Sagot niya sakin kaya napatango na lang ako sa kanya.

"Kung ganun , Anong gagawin mo ?" Tanong ko.

"I won't give up" Sagot niya sakin.

"Tzu , Alam naman nating hindi tayo yung gusto niya" Sagot ko.

Oo , Alam ko na hindi ako 'yung gusto ni Dahyun . Hindi ako yung mas nakakapagpasaya sa kanya .

"Chaeng , Bakit sinasabi mo sakin 'yan ?" Tanong niya.

"Dahil yun ang katotohanan" Sagot ko.

"Chaeng , Kahit pa ayawan niya --- Hindi ako susuko . Hindi ako titigil sa paghihintay hangga't wala pa siyang sinasabi" Sagot niya.

"Tzu , Alam naman nating aalis siya" Sagot ko.

"Pero magbabalik siya" Sagot niya.

"Fine , Pero sinasabi ko lang na posibleng hindi talaga tayo yung gusto niya" Sagot ko.

"Tulad ng sinabi ko , Hindi ako susuko. Hindi talaga" Sagot niya sakin .

Napatahimik na lang ako at napahiga sa higaan ko .

Ano ba 'tong pinagsasabi ko kay Tzuyu ?! Para kong baliw eh . Kung ano-ano na naiisip ko . Siguro naiinggit lang ako dahil kahit papaano ay nag-effort si Dahyun para sa kanya .

Mukhang talagang hanggang dito na lang talaga ang limitasyon ko . Hanggang kaibigan lang ni Dahyun at never nang lalagpas dun dahil iba yung nakakapagpasaya sa kanya nang sobra .

Pakiramdam ko , It's her roommate . It's Momo . Ramdam ko yung closeness nila ngayon.  Yung mga tinginan nila at yung ngiti at saya nila kapag kasama ang isa't-isa. 

Hindi ko kayang pangitiin si Dahyun nang gaya ng pagpapangiti ni Momo sa kanya .

Pero sa ngayon , Bakit ako susuko kung wala pa namang confirmation na gusto na talaga ni Dahyun si Momo ? Tama si Tzuyu , Hindi pa dapat sumuko hanggang may pag-asa .

Inipikit ko na lang ang mata ko . Ganito pala yung feeling na magmahal pero yung mahal mo mukhang iba ang mahal .

Yung feeling na mahal ko siya pero may mahal siyang iba . Nage-effort ako para sa kanya pero siya nage-effort para sa iba .

Yung feeling na kapag nasa tabi ko siya , Iba parin ang hinahanap niya 😭💔

Ang pinakamasakit ---- Hindi niya magagawang ibalik yung pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya dahil sa iba niya yun ibinibigay . Pagmamahal na kahit kailan hindi magiging sakin . Ito ang masaklap na katotohanang kailangan kong tanggapin sa ngayon .

Kailangan ko siyang bitawan . Kailangan ko siyang pakawalan . Kailangan ko siyang kalimutan kapag dumating ang panahong sinabi na niya kung sino ang mahal niya.

Kaya ngayon palang kailangan ko nang maghanda para sa pagdating ng oras na 'yun , Bawas na yung sakit na mararamdaman ko.

Alam kong kahit na magpakalayo-layo pa siya o magtago pa siya , Hindi ko siya madaling makakalimutan .

Tuwing nakikita ko siya , Parang gusto kong maluha . Bakit nga ba ? . Iniisip ko na sana isang araw sabihin niya saking ako naman yung gusto niyang makita .

Siya lang kasi yung mahal ko . Hindi ko na nga alam kung bakit pa kami pinagtagpo . Siya yung palagi kong hinahanap-hanap eh .

Hanggang ngayon , Gusto ko parin siyang makapiling . Gustong-gusto parin 💔😭

💔To Be Continued💔

Kamusta na ang mga DubChaeng Shippers ? Hahahaha ✌😂 Nakakahinga pa ? Lol !

Our Crazy Cute Princess DahyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon