Chapter 87 - Princess Dahyun

457 16 0
                                    

JIHYO'S POV :

Alam kong hindi madaling tanggapin ang nangyari at ang katotohanan . Kahit kami , Nasasaktan padin pero nagpapakatatag kami para kay Dahyun .

Ayaw niyang malungkot kami kaya kailangan ipakita namin na masaya kami sa kanila ng mga nangyari .

Sa ngayon , Umiiyak si Momo dito sa Park . Mabuti na lang at walang nakakakita samin dahil medyo tago ang pwesto ng 'to .

Iyak lang nang iyak si Momo habang pinagmamasdan yung bracelet na terno sila ni Dahyun . Hinayaan muna namin siyang umiyak nang umiyak . Kaysa naman sa dorm pa siya umiyak nang umiyak , Baka bumaha ng luha ni Momo sa dorm .

Sa wakas , Natapos na rin ang misyon ni Dahyun . Masaya kaming naging parte kami ng buhay niya hanggang sa huling sandali ng buhay niya .

Isa siyang tunay na kaibigan , Kaibigan na hindi sumusuko kahit ikamatay niya .

Nang tumigil sa pag-iyak si Momo , Agad na namin siyang niyaya na umuwi .

"Let's Go , Momo . Kailangan na nating bumalik sa dorm" Sambit ko .

Tahimik lang na tumayo si Momo at lumakad na .

"Hayaan muna natin siyang manahimik , Magiging ayos din siya" Sabi naman ni Nayeon.

Lumakad na kami pauwi sa dorm .

Nang dumating kami sa dorm , Agad naming nakita si Grandma . OMG ! Si Grandma 😱 Kasama niya ang aso ni Tzuyu na si Gucci.

"Gra--Grandma , Dito ba kayo natulog sa dorm ?" Tanong ko.

"Oo ! Ang tagal niyo naman ata dun sa Costume Party na pinuntahan niyo" Sambit ni Lola.

Kinuha na ni Tzuyu si Gucci .

"Ahhhh----Malayo kasi yun saka dun na kami natulog" Sagot ko.

"Oh siya , Oo na" Sagot ni Lola.

Pumasok na rin sa loob sila Momo . Napansin ni Lola si Momo.

"Bakit umiiyak si Momo ? Nasaan si Dahyun ?" Tanong ni Lola.

"Kasi --- Wala na siya" Umiiyak na sabi ni Momo sabay deretsyong pasok sa kwarto niya.

Natigilan kaming lahat .

"Ahhhh----Lola , Di kasi kami nanalo sa games kaya umiiyak siya" Sagot ko kay Lola .

Alangan naman sabihin namin yung totoo . Pagkakamalan kami ni Lola na baliw !

"Si Dahyun ?" Tanong ni Lola.

Napatingin ako kila Mina .

"Ahhh---May mahalaga siyang inaasikaso . Bu---Bumalik na muna siya sa mundo este sa lugar niya" Sagot ko.

"Paano ang mga gamit niya dito ?" Tanong ni Lola.

"Sinabi niyang alagaan na muna namin ang gamit niya" Sagot ko kaya napatango na lang si Lola.

"Salamat po sa pag-aalaga kay Gucci" Sambit ni Tzu kay Lola.

Our Crazy Cute Princess DahyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon