Chapter 84 - The Final Battle

390 14 0
                                    

EUNWOO'S POV :

Agad na naghatid ng balita sakin ang aking mga tauhang sundalo .

"Ano nang balita sa Prinsesa ?! Nahuli niyo ba siya ?!" Tanong ko.

"Patawad po , Hindi namin siya nagawang hulihin dahil kasama niya ang mga mamamayan ng palasyo . May mga kasama rin siyang mga babae na kakaiba ang mga kasuotan" Sagot ng isang sundalo.

"Mga walang kwenta ! Anong ibig mong sabihin ? Madami siyang kasama ?!" Tanong ko

"Opo , Kamahalan . Nagbuwis ng buhay ang karamihan sa aming kasama ngunit nagbuwis rin ng buhay ang ilan sa kalabang mamamayan" Sagot nung isa.

"Nasaan na ang Prinsesa ?!" Tanong ko.

"Tumakas po siya kasama ng mga kakampi niya . Nahuli ng mamamayan ang isa samin" Sagot nung isa pa.

"Wala talaga kayong kwenta ! Dahyun !" Sigaw ko .

Sisiguraduhin kong magbabayad siya ! Ako mismo ang papatay sa kanya . Ako mismo !

Agad na kong tumayo sa aking inuupuang trono at agad na pinaghanda ang aking mga sundalo .

"Ano pong plano niyo ?" Tanong ng mga sundalo.

"Susugod tayo , Hahanapin natin ang Prinsesa !" Sagot ko.

Palabas na sana ko nang palasyo nang biglang pumasok ang isang sundalo na may dalang balita.

"Kamahalan , Nagbalik ang nahuling sundalo ng mga mamamayan . Hinang-hina na ang sundalong 'yun . May dala po siyang balita para sa inyo mula sa Prinsesa" Sagot ng sundalo sakin.

"Papasukin siya !" Sagot ko kaya agad nang ipinasok ng mga sundalo ang sundalo ng nahuli ng mga kalaban .

Lumapit ako sa sundalong bugbog sarado na ng mga mamamayan .

"Kamahalan , Patawarin niyo po ako . Nahuli nila ako . Pi---Pinakawalan ako ng Prinsesa upang maghatid ng balita sa inyo" Sagot ng sundalo sakin.

"Anong balita ?" Tanong ko sa kanya.

"Ang prinsesa ay darating dito sa palasyo upang makipaglaban sa inyo . Nais niyang tapusin ang inyong laban" Sagot ng sundalo.

"Kung ganun , Dapat tayong maghanda !" Sagot ko.

Agad ko nang kinuha ang espada ko sabay kitil sa buhay ng sundalong nahuli .

Ihinagis ko ang espada sa isang tabi . Dapat akong maghanda para sa pagdating ng Prinsesa . Para sa araw ng kamatayan niya.

Wala na rin namang halaga ang buhay ng sundalong 'yun kaya pinatay ko na siya.

"Ano pong nais niyong ipagawa samin , Kamahalan ? Nais niyo po bang sugurin na namin ang pinagtataguan ng Prinsesa ?" Tanong ng mga sundalo.

"Tahimik ! Walang susugod para patayin ang Prinsesa . Dahil siya na mismo ang pupunta dito para sa kamatayan niya" Sagot ko nang paseryoso.

Naupo na ulit ako sa aking trono at matamang na naghintay sa Prinsesa .

Hindi na kailangan pang sumugod .

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now