Chapter 20 - Have Fun

671 25 1
                                    

SANA'S POV :

Alam kong parang may pagka-weird si Dahyun pero di naman mahalaga sakin 'yun eh . Feeling ko naman maayos naman siya . Siguro kailangan lang niya ng tulong para maging sanay sa mga bagay-bagay .

Hindi ko alam kung saang lupalop pa siya ng mundo nagmula . Hindi na mahalaga 'yun . Napag-isip isip ko na wala namang masama kung magiging magkaibigan kami kaya naman sinuyo ko agad siya ngayong umaga .

Inaya ko siyang lumabas . Mabuti naman at pumayag siya . Gusto ko lang bumawi sa pagtulong niya samin ni Nayeon .

Gusto ko siyang ipag-shopping para may sarili na siyang mga gamit . Ibinigay ko na sa kanya yung isang bistida ko . Tama ako , Bagay nga sa kanya . Inayusan ko na din siya ng buhok . Siyempre , Nilagyan ko siya ng make-up . Saka , Ipinasuot ko sa kanya yung isang doll shoes ko . Bagay naman sa kanya . Oh diba , hindi halatang may pagka-weird siya kapag ganyan ang ayos niya .

I smiled at her . Ako nang bahala kay Dahyun . Total , Boring din naman dito sa dorm dahil wala yung iba kanya-kanya na naman kasi sila ng gawain .

Si Momo tulog padin sa kwarto nila ni Dahyun . Baka hindi makatulog dahil kay Dahyun 😂 Kawawang Momo ! Hahaha .

Si Chaeyoung naman abala na naman sa pagdo-drawing . Mukha na siyang drawing eh . Lol !

Nag-ayos na din ako ng sarili ko at lumabas na kami ng dorm . Parang bata si Dahyun na manghang-mangha sa mga nakikita niyang malalaking building .

"Ang lalaking palasyo naman ng mga 'yan" Sambit niya.

"Ahhh----Building 'yan , Dahyun" Sagot ko.

"Ganun ? Ang gagandang building . May mga Hari at Reyna ba diyan ?" Tanong niya.

"Wala , Dahyun . Mga nagtatrabaho meron diyan" Sagot ko . Seriously ! Saan ba talaga siya nagmula ?

"Sasakay ba tayo sa mabibilis na sasakyan ?" Tanong niya.

Napatango na lang ako .

"O---Oo , Sasakay tayo sa Taxi" Sambit ko sa kanya sabay smile.

Hinawakan ko na siya sa kamay at sumakay na kami sa Taxi .

Nakasilip siya sa bintana ng taxi . Halos mapanganga siya sa mga nakikita niya .

"Walang ganyan samin" Sambit niya.

Tumango na lang ako sa kanya . Hindi ko talaga alam kung may sapak ba siya o sadyang inosente lang siya .

Hinayaan ko na lang siya . Tulad ng sabi ko , Hindi 'yun mahalaga sakin .

Nang dumating na kami sa Mall , Ngiting-ngiti na naman siya .

"Eh , Dito ? May mga Hari at Reyna ?" Tanong niya sabay turo sa Mall.

"Wala , Mall 'yan eh . Diyan tayo bibili ng mga gamit mo" Sagot ko.

"Ahhh ~ Mall pala 'to" Sambit niya . Ngumiti na lang ako sa kanya at lumakad na kami .

Napapatingin yung mga tao sa aming dalawa ni Dahyun .

"Bakit kaya sila tumitingin ?" Tanong ni Dahyun.

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now