Chapter 54 - Love Story 💞

471 17 8
                                    

DAHYUN'S POV :

Kinabukasan , Maaga akong kumilos para mas madami akong oras para makahanap ng trabaho . Naligo na agad ako at nag-ayos ng sarili ko .

"Goodluck sayo , Dahyun !" Sabi nila sakin.

"Fighting !" Sagot ko sa kanila sabay smile .

I'm Ready ! Naisip ko kasi kahapon na kailangan ko na din namang kumita ng pera dahil hindi pwedeng umasa na lang ako sa kanila palagi .

Alam ko namang hindi basta-basta nakukuha ang pera dahil pinaghihirapan 'yan . Madami na talaga akong natutunan simula nang una akong dumating dito sa mundo nila .

Napagisip-isip ko na baka kaya dito ako pinapunta ng ama ko . Gusto niyang matuto akong magpahalaga sa bagay-bagay .

Ni hindi ko na nga inaalala na prinsesa ako dahil nasanay at nagustuhan ko na ang buhay na 'to . Yung buhay na malaya akong magdesisyon para sa sarili ko .

Hindi na ako yung Dahyun na walang ibang hinangad kundi pansariling kasiyahan tulad ng pagsasaya sa labas ng palasyo nang walang paalam . Ako na yung Dahyun na maraming gustong patunayan at ipaglaban .

Napangiti na lang ako habang naglalakad sa kalsada . Maglalakad na lang ako dahil sayang ang pamasahe . Sayang ang natitirang pera na naipon ko sa mga naging trabaho ko kila Tzuyu at Sana .

Maglalakad na lang ako total baka may madaanan akong mapagtatrabahuhan sa paligid . Naglakad-lakad pa ko pero parang wala naman akong mahanap .

Hanggang sa --- mapagod ako sa kakahanap . Wala padin eh . Aish ! Hindi ako dapat sumuko .

Kaya ko 'to ! Ako pa 💪😎 Madami pa kong oras para maghanap . Nagpahinga muna ako sa isang tabi .

Tapos nagpatuloy ulit ako , May nakita akong isang store na naghahanap ng bagong tindera kaso hindi nila ko pinayagan dahil may mga hinahanap silang mga dokumento . Wala naman akong mapakita. 

Naghanap na lang ulit ako . Lahat ng puntahan kong store hindi ako tanggap . Dahil ba kulang ako sa dokumento o dahil sa wala akong kwenta ?

Hindi pala talaga ganun kadali . Mahirap talaga pero kailangan kong magpatuloy .

Hanggang sa mapagod na talaga ako at makaramdam ng gutom .

Agad na ulit akong nagpahinga sa isang tabi hanggang sa maisipang kong bumili ng tinapay . May nakita akong batang babae na mukhang pagala gala na lang sa kalsada . Halatang gutom na din siya .

"Heto oh , Para sayo" Sabi ko sabay abot sa bata ng tinapay na binili ko.

"Salamat po" Sagot ng bata sakin .

"Walang anuman" Sagot ko sabay lakad na ulit .

Ibinigay ko na lang sa bata yung tinapay kahit na maunti na ang pera ko . Bumili na lang ulit ako . Nakakapagod pero kakayanin ko .

Maya-maya , May biglang lumapit saking mukhang nasa 30 years old na .

"Iha , Gusto mo bang magkapera at magkatrabaho ?" Tanong niya sakin.

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now