Chapter 47 - My Dubu 💞

532 15 0
                                    


TZUYU'S POV :

Sobrang gaan ng mga pakiramdam namin kagabi dahil mas naging close kaming lahat sa isa't-isa . Ngayon , Talagang pamilya na ang turingan namin .

Masaya ang gising ko ngayong araw . Agad na muna kong lumabas para magpahangin sa tabing dagat . Tulog pa kasi yung iba eh .

Bigla na lang akong nakakita ng aso na cute . Iginagala ng amo niya sa tabing dagat . Ang cute 😍😍😍

Agad akong lumapit at nilaro yung aso . Ang cute kasi eh 😍😘🙌

Sa totoo kasi , Talagang mahilig ako sa mga aso . Love na love ko ang mga aso . Pangarap ko ngang magkaroon ng pet shop balang araw eh .

"Anong pangalan ng aso mo ???" Tanong ko .

"ChewChew" Sagot ng Amo ng aso.

"Oh , Ang cute mo naman" Sabi ko sabay hawak sa ulo ng asong si chewchew .

Umalis na rin naman yung aso kasama ng Amo niya . Napangiti na lang ako .

Ang cute cute talaga nung aso . Di ako maka-move on 💞😍😘

Maya-maya , Biglang sumulpot si Dahyun . Kalalabas lang niya at bagong gising lang .

"Dahyun , Nandito ko !" Tawag ko sa kanya kaya naman lumapit siya sakin.

"Ang aga mo namang nagising" Sagot niya sakin .

"May nakita akong cute na aso kani-kanina . Gusto ko talaga ng mga aso" Sagot ko sa kanya.

"Hayaan mo , Balang araw bibigyan kita ng aso" Sagot niya kaya natawa ako.

"Paano naman ?" Tanong ko .

"Basta , Gagawa ako nang paraan" Sagot niya sabay smile sakin .

"Alam mo ang saya-saya ko kapag nandiyan ka" Sagot ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Ano bang ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Gusto kitang alagaan . Gusto din kitang pasayahin , protektahan , patawanin at gusto rin kitang makasama" Sabi ko.

"Hayaan mo , Dito lang ako" Sagot niya sakin.

Agad ko siyang niyakap . Ewan ko kung bakit basta gusto ko lang siyang mayakap nang mahigpit .

"Tzu---Tzuyu" Sabi niya sakin habang yakap ko.

"Dahyun , Please dito ka lang sa tabi ko" Bulong ko sa kanya.

"Pangako" Sagot niya sakin kaya naman natuwa ako.

I smiled at her . Kinurot ko ang pisnge niya .

"Simula ngayon , Ikaw na ang Dubu ko" Sabi ko sa kanya . Wala lang , Naisip ko lang na bigyan siya ng nickname dahil para siyang tokwa . Maputi at maganda ang kutis . Dubu/Tofu ganern 😍😍😍

"Aba , Dubu ???" Tanong niya.

Napatawa ako sa kanya.

"Oo , You're my Dubu" Sagot ko sa kanya.

"Sige na nga" Sagot niya sakin sabay kamot sa ulo.

Ginulo ko ang buhok niya kaya naman hinabol niya ko.

"Yah ! Tzuyu !" Sigaw niya sabay habol sakin.

"Hahaha ! My Dubu" Sagot ko habang tumatawa.

Nakakatuwa lang isipin na ---- TALAGANG GUSTO KO SIYANG MAKASAMA . Gusto kong sa tabi ko lang siya . Lol , Parang ginawa kong aso si Dahyun eh . Binigyan ko ng pangalan .

✌😂✌😂✌😂 HAHAHAHA ! Nagtawanan na lang kaming dalawa . 😍😘💞💗💖💕 KIM DAHYUN , MAHAL KITA ~

Makita ko lang siyang masaya at nakangiti --- MASAYA NA DIN AKO .

💖To Be Continued💖

Our Crazy Cute Princess DahyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon