MOMO'S POV :
Nang pumasok si Dahyun sa kwarto namin , Sinundan ko na agad siya . Ayokong nakikita siyang malungkot . Grabe na talaga 'tong mga nangyayari samin .
Naabutan ko siya na nakahiga sa higaan niya .
"Da--Dahyun" Mahina kong sabi . Hindi siya sumasagot . Umiiyak siya . Alam kong nasaktan talaga siya sa sinabi ni Mina .
Alam kong mahirap 'yung pinagdaraanan ni Mina at alam kong lasing na lasing siya kaya niya nasabi 'yun pero maling sabihin niya 'yun kay Dahyun .
Lumapit na ko kay Dahyun . Naupo ako sa gilid ng higaan niya . Napayuko na lang ako habang hinahayaan niyang iiyak ang lungkot at sakit na naramdaman niya .
"Da--Dahyun , Nandito lang ako sa tabi mo . Kung kailangan mo ng kausap , Nandito ko" Sambit ko .
Nagulat na lang ako nang bigla siyang bumangon sa higaan niya at bigla akong niyakap nang mahigpit . Napatapik na lang ako sa likod niya . Umiiyak talaga siya .
"Sige , Iiyak mo lang . Mawawala rin 'yan . Basta , Nandito lang ako" Sabi ko .
"Bakit ganun ? Hindi naman 'yun ang gusto kong mangyari eh . Hindi ako nagpunta sa mundong 'to para pagdaanan ang mga 'to" Umiiyak niyang sabi .
"Pasensya ka na , Dahyun . Lasing na lasing si Mina kaya niya nasabi 'yun . Sana maintindihan mo . Iiyak mo lang 'yan" Sabi ko.
"Ano bang meron ako ?! Bakit nagkakagusto sila sakin ?" Tanong niya nang umiiyak .
"Hindi lang sila ang nagkakagusto sayo , Kasama ko dun . Pasensya ka na samin ah , Sobrang saya mo kasi kasama . Sino bang hindi mapapamahal sa isang katulad mo na kahit may problema ay nakangiti parin ? Kahit ang weird mo , Napapasaya mo parin kami" Sabi ko sa kanya.
"Gusto ko lang naman na maging maayos ang buhay ko at maging maayos tayong lahat" Sagot niya .
Inayos ko ang buhok niya at pinunasan ang luha niya . Hinawakan ko siya sa pisnge niya at iniharap ang mukha niya sakin .
"May nagawa ba kong masama ?!" Umiiyak niyang tanong .
"Dahyun , Makinig ka sakin. Wala kang kasalanan . Kami ang problema , Masyado ka naming pinapahirapan . Masyado kaming nagiging makasarili . Hindi na namin naaalala na may pakiramdam ka rin . Sorry Dahyun" Sabi ko sa kanya .
"Ang sakit sakit na ganun 'yung tingin sakin eh" Sabi niya.
"Lasing lang siya , Dahyun . Wag kang mag-alala , Bukas magso-sorry siya sayo dahil mari-realized niyang mali yung nagawa niya . Basta , Tandaan mo lang na palagi akong nandito para sayo . Sa oras na umiiyak ka , Darating ako" Sabi ko sa kanya .
Umiyak lang siya nang umiyak kaya naman hinayaan ko na lang siyang ibuhos ang nararamdaman niya ngayon . Nakayakap parin siya sakin . Napaisip ako . Talaga palang si Dahyun ang pinaka-nahihirapan eh .
Kami ang may mali . Masyado siyang nasaktan . Nasasaktan na namin siya 💔😭
😍😍😍😍😍😍😍😍😍
JIHYO'S POV :
Nakakaloka ang mga nangyayari ngayon ! May umamin at may naglasing nang sobra .
YOU ARE READING
Our Crazy Cute Princess Dahyun
FanfictionHalina't sumama sa adventure ni Dahyun sa mundo ng mga normal na tao . Magawa nga kaya niyang gawin ang kanyang natatanging misyon o magsilbi itong way para magkaroon siya ng panibagong buhay kasama ng mga bago niyang kaibigan ? Let's smile and be...