Chapter 14 - The Dorm

739 27 4
                                    


MINA'S POV :

"Dahyun , Maupo ka muna diyan sa upuan" Sambit ko kay Dahyun .

Bigla naman akong hinila nila Jungyeon at Jihyo sa kusina.

"Yah , Myoui Mina ! Sino siya ?" Tanong ni Jungyeon.

"She's my new friend" Sagot ko.

"Galing bang costume party 'yun ?" Tanong naman ni Jihyo.

"I don't know . Kanina lang kami nagkakilala eh . Nang pauwi ako kanina , Muntikan ko na siyang masagasaan kaya naman dinala ko pa siya sa hospital . Buti na lang at wala siyang bali or whatsoever" Sagot ko.

"Ano ?! Makakapatay ka pa ?! Mina talaga ! Teka , Kanina lang kayo nagkakilala ? Eh , Bakit isinama mo pa dito ?! Baka mamaya niyan miyembro pala siya ng Budol-Budol Gang" Sagot ni Jihyo.

Napakamot ulo na lang ako . Si Dahyun ? Myembro ng Budol-Budol ? Hahaha ! Parang hindi naman .

Bigla akong napangiti nang lumingon ako sa kanya dahil para na naman siyang bata na pinagmamasdan ang mga gamit sa living room.

"Hoy Mina ! Anong nginingiti -ngiti mo diyan ?" Tanong nila.

"Look at her , 'Yan ba ang miyembro ng Budol-Budol gang ?" Natatawa kong tanong.

"Ay ! Alam ko na , Hindi 'yan kasama sa Budol-Budol . Adik 'yan !" Sambit ni Jungyeon.

"Grabe naman kayo kay Dahyun . Basta , I want to help her . Kailangan kong bumawi sa kanya . Muntik ko na siyang mapatay . Dito muna siya tutuloy sa dorm" Sambit ko.

"Ano ?! Hindi pwede , Mina ! Gusto mong malagot ako sa Lola ko ?!" Tanong ni Jihyo.

"Kailangan niya ng matutuluyan eh" Sambit ko.

"Naku ! Sinasabi ko sayo , Mina . Baka mapahamak tayo diyan . Para ngang sobrang adik na oh . Parang ngayon lang nakakita ng TV" Sambit ni Jungyeon .

"Guys , Relax ! Hindi ba't solo lang ni Momo 'yung kwarto niya ---- kaya pwede si Dahyun 'dun" Sagot ko.

"Mina , Kailangang magbayad ng babaeng 'yan sa renta . Ako ang pagagalitan ni Lola eh" Sagot ni Jihyo.

"No Problem ! Ako na ang sasagot sa renta niya at ano pa mang gastusin dito sa dorm" Sagot ko.

Natigilan si Jungyeon at Jihyo .

"Sigurado ka ba , Mina ? Bakit parang ang bait-bait mo naman kay Dahyun ? Pwede bang ikaw na din magbayad ng renta ko ?" Tanong ni Jungyeon.

"Lol . Ikaw ang magbayad ng sayo , Jungyeon ! Hahaha . Sadyang gusto ko lang talagang makabawi kay Dahyun !" Sabi ko.

"Palibhasa Rich Kid ka eh" Sabi ni Jihyo.

"Gusto ko lang talagang makatulong kay Dahyun hanggang sa makahanap na siya ng tutuluyan" Sagot ko.

Napatingin naman ako kay Dahyun . Bigla siyang kumaway sakin nang nakangiti kaya naman kumaway na din ako sa kanya.

Ngayon ko lang napansin 'yung suot-suot niyang jacket . Parang pamilyar eh .

"Guys , Parang ganyan din yung jacket na suot kaninang umaga ni Tzuyu noh" Sabi ko.

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now