Chapter 59 - Her Sword

467 20 3
                                    


JIHYO'S POV :

Kinabukasan , Maagang nagsikilos ang lahat . Nagluto na agad kami nila Momo , Jungyeon at Nayeon ng mga pagkain para naman may makain si Grandma sa pagdating niya maya-maya .

Sila Chaeyoung , Tzuyu , Mina at Sana naman ay patuloy lang ng pagpapaliwanag kay Dahyun ng mga gagawin niya .

"Kapag dumating ang lola ni Jihyo , Smile lang . Tapos , Bumati ka ng Good Morning" Sabi ni Chaeyoung .

"Try nga , Gawin mo . Dahyun , Kunwari ako ang lola ni Jihyo" Sabi ni Sana . Tumango naman si Dahyun .

"Good Morning" Sabi ni Sana .

"Good Morning" Sagot ni Dahyun sabay smile .

"Yah ! Wag ganyang smile . Para namang may masama kang pinaplano sa lola ni Jihyo kapag ganyan ang smile mo" Sabi ni Mina.

Kasi naman , Grin yung ginagawa ni Dahyun hindi smile 😂😂😂😂😂

"Ulit !" Sagot naman ni Tzuyu.

"Ulit ? Sige" Sabi ni Dahyun .

Paulit-ulit silang nagpractice at mabuti naman nagawa rin ni Dahyun . Masaya ko sa teamwork na ginagawa ng lahat para maging maayos ang kalabasan mamaya .

Tapos , Iba naman ang tinuturo nila kay Dahyun.

"Kapag naguusap usap na , Wag ka makulit" Sabi ni Mina kay Dahyun. 

"Wag kayong mag-alala , Hindi ako magsasalita kahit pa tanungin ako" Sagot ni Dahyun sabay smile.

"Hindi ! Kapag tinatanong ka , Sumagot ka" Sagot ni Chaeyoung.

"Akala ko ba dapat hindi ako makigulo" Sabi ni Dahyun.

"Oo nga pero kapag tinatanong ka niya , Sumagot ka" Sagot ni Sana.

"Sasagot-sagutin ko si Lola ? Diba parang masama naman yun ?" Tanong ni Dahyun.

"Yah ! Hindi mo siya sasagot-sagutin nang pasarkastiko kundi kapag tinatanong ka lang niya ng mga bagay-bagay" Sabi naman ni Tzuyu.

"Ahhhh ~ Ganun ? Sige!" Sagot ni Dahyun sabay smile.

Napangiti na lang ako . Ang cute tingnan ng mga kasama ko na nagtutulungan . Pakiramdam ko magiging maayos mamaya kaya naman dapat hindi ako magpanic o kabahan .

Kaya ko 'to ! Proud naman sakin si Lola eh . Keri lang ! 💪😎 FIGHTING !

Makalipas ang ilang oras ay dumating na din si Lola . Kinakabahan ako 😭😭😭

Agad ko na siyang inalalayan sa pagpasok sa loob . Agad siyang binati nila Momo .

Natigilan si Lola sa harapan ni Dahyun na ngiting-ngiti na agad . OMG ! Anong ginagawa niya ?

"Good Morning" Sambit ni Dahyun sa lola ko.

"Good Morning" Sagot naman ni Lola.

"Upo po kayo" Sabi naman ni Tzuyu kaya naupo na si Lola sa living room .

"Kain po kayo" Sabi naman ni Chaeyoung at Mina sabay lapag ng mga pagkain at inumin sa table .

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now