Chapter 52 - Training

458 16 0
                                    


NAYEON'S POV :

Nang bumalik kami sa dorm , Kanya-kanyang pahingahan na sa kwarto ang lahat . Maliban sa isa .

Sino ? Si Dahyun . Talagang tinotoo niya yung sinabi niyang magte-training na siya .

Nakita ko siyang nakaupo lang sa sofa sa living room habang naka-indian seat at nakapikit ang mata .

Tulog na ba siya ??? Ganyan ba siya matulog ???

"Ahhh---Dahyun" Sabi ko.

"Ayos lang ako , Kinaklaro ko lang ang isip ko" Sagot niya nang nakapikit parin.

"Ok---Okay" Sagot ko sa kanya .

Naupo na lang ako sa isang tabi dahil hindi naman ako masyadong inaantok eh . Pinagmasdan ko na lang si Dahyun .

Teka nga lang , Narealized ko na --- parang naniniwala na kami sa kanya . Parang hindi na namin inaalala kung talaga bang totoo yung mga sinasabi niya . Ang mahalaga na lang samin ngayon ay makatulong sa kung ano mang makakapagpasaya sa kanya .

Maya-maya pa , Bigla na siyang tumayo . Habol tingin ako sa kanya kasi baka kung ano namang gawin niya .

Bigla niyang kinuha yung espada niya na nakalagay sa isang tabi . Sa mga oras na 'to , Seryosong Dahyun ang nakikita ko . Dahyun na desididong gawin ang sinasabi niyang misyon .

"Dahyun , Saan ka pupunta ?" Tanong ko kasi dala-dala niya yung sword niya .

"Sa Park , Magte-training ng espada ko . Mahirap na dito baka matamaan ko kayo" Sagot niya .

"Dahyun , May malawak na bakanteng lote sa likod ng dorm" Sagot ko sa kanya.

"Talaga ???" Tanong niya.

"Oo , Doon --- Pwede kang magtraining . Mag-iingat ka dun" Sagot ko.

"Salamat" Sagot niya sabay lakad na .

Hinayaan ko na lang siya na lumabas dahil baka yun ang makakatulong sa kanya . I'm sure naman na di siya gagawa ng gulo eh .

Maya-maya , Nagsilabasan na yung iba .

"Nasaan si Dahyun ?" Tanong ni Mina.

"Umalis" Sagot ko.

"Saan nagpunta ?" Tanong naman ni Sana.

Patay na ! Sasabihin ko bang hinayaan ko na umalis dala-dala ang espada ?

"Nagte-training" Sagot ko.

"Huh ? Saan nga ?" Tanong naman ni Momo.

"Sa bakanteng lote sa likod ng dorm" Sagot ko.

"Bakit dun ?! Pwede namang dito" Sabi ni Jihyo.

"Tama , Pwede naman dito eh" Sagot ni Jungyeon .

"Ano ba kasing pina-practice niya ?" Tanong ni Tzuyu.

"Yung ano ---- Kasi di siya komportable sa space dito" Sagot ko.

"Ano nga kasing pina-practice niya ?" Tanong ulir nila.

"Fine , Yung espada . Dala niya yung espada . Yun yung pina-practice niya" Sagot ko sabay smile sa kanila.

"Ano ?!" Gulat nilang tanong.

"Bakit hinayaan mo ?!" Tanong ni Jihyo.

"Kasi di naman siguro siya gagawa ng gulo" Sagot ko.

"Aish , Tara ! Bantayan si Dahyun dun . I'm sure kailangan niya din naman ng suporta . Kailangan niya ko" Sagot ni Momo kaya napatingin kami sa kanya .

Ano daw ? Baliw ! Hahaha .

Agad-agad na kaming nagsipuntahan sa bakanteng lote sa likod ng dorm . Natagpuan namin siyang patuloy na nagpa-practice mag-isa .

OMG ! Ang astig ng mga ginagawa niya . Para siyang yung mga nasa action movies . Ang galing niyang mag-espada .

"Wow ! Ang astig ng galaw niya ah" Sabi ni Chaeyoung .

"Go Dahyun ! Go Dahyun !" Sigaw bigla ni Momo.

Napatingin si Dahyun samin . Pero , Nagpatuloy ulit siya . Talagang mahahalata mo sa mata niya ang pagkaseryoso at pagkagusto na magtagumpay .

Lahat ng tamaan ng sword niya ay nasisira 😱😱😱 Kaya medyo nakakatakot din . HAHAHA !

Mabuti na lang at walang ibang tao ngayon dito 😂 Malayang makakapag-train si Dahyun .

Ang galing nga niya magespada . Medyo scary kaya kapag seryoso si Dahyun . HAHAHAHA !

Nang huminto si Dahyun , Nagtatakbo si Tzuyu sa kanya para pahiran ang pawis niya . Nagtatakbo din si Momo sabay abot ng tubig kay Dahyun .

Hindi naman nagpahuli sina Mina , Chaeyoung at Sana . Kinamusta nila at kinausap si Dahyun . Ngumiti lang si Dahyun sa kanila at nagpatuloy na ulit .

Nagulat naman ako kasi bigla akong inakbayan ni Jungyeon .

"May kakaibang nangyayari" Sabi ni Jungyeon sabay turo kila Momo.

Napatango na lang ako kay Jungyeon at napangiti .

"Guys , Nagiging weird na sila" Sabi ni Jihyo samin sabay turo kila Momo

"Tama ka , Talagang may kakaiba" Sagot ko.

Oo nga noh . Talagang parang may something fishy na nangyayari . Nagiging weird yung iba . Sa tingin ko , May mga nangyayaring ka-alien-an . 👏😂👏😂👏😂 HAHAHAHA !

😍To Be Continued😍

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now