Chapter 80 - Jelly

493 15 2
                                    

DAHYUN'S POV :

Nagpatuloy ang paglalakad ko kasama sila Momo . Nagpapasalamat ako dahil suportado ko ng mamamayan ng palasyo.  Nakakaawa sila . Dahil sakin kaya naman nagdududa sila kay Eunwoo. 

"Dahyun , Sigurado ka bang walang susugod satin ngayon ?" Tanong ni Sana sakin.

"Kung meron man , Ako nang bahala dun" Sagot ko.

"Guys , Ang ganda dito . Para kong nasa paraiso" Sambit ni Nayeon .

"Mabuti pa , Isuot mo 'to para di ka masyadong makilala agad" Sabi ni Jungyeon sakin sabay biglang suot ng sumbrero sakin .

Jusko , Sa pananamit palang namin halata nang kahina-hinala kami .

Tumango na lang ako . Napatingin ako kay Mina na tahimik lang . Tumango lang siya sakin .

"Ipagpatuloy na natin ang paglakad" Sambit ko.

"Mauuna na kong maglakad . Poprotektahan kita , Dahyun" Sabi ni Momo sabay una na sa paglakad .

Napangiti na lang ako sa kanya . Naglakad na ulit kami  kaso bigla akong nakaramdam ng kakaiba . Parang may nagmamasid samin .

Napahinto ako kaya natigilan din sila Chaeyoung .

"Anong problema ?" Tanong nila sakin.

"Hindi tayo nag-iisa dito ngayon" Sambit ko kaya kinabahan sila .

"Wala 'yan ! Ako nang bahala sayo" Sambit ni Momo sabay lakad na mag-isa sa unahan .

Nanlaki naman ang mata ko nang biglang lumitaw ang isang tao na naka-maskara . Agad niyang nilapitan si Momo .

"Waaaahh !" Sigaw ni Momo kaya naman agad na kong kumilos para protektahan siya.

Walang pwedeng manakit kay Momo . Wala !

Nakipaglaban ako ng espadahan sa taong nakamaskara . Magaling siyang makipaglaban pero hindi ako papatalo .

"Dahyun !" Sigaw nila Momo kaya biglang napatigil yung kalaban ko.

Agad naman akong nagka-chance para atakihin siya kaso nakailag agad siya .

"Sandali !" Sigaw niya kaya napahinto ako sa pag atake sa kanya .

"Sino ka ?!" Tanong ko sa kanya. 

"Mahal na Prinsesa ? Ikaw ba 'yan ?" Tanong niya sakin kaya nagulat ako . Tinanggal ko ang sumbrero ko .

Agad naman niyang tinanggal ang maskara niya . Nagulat ako nang malaman kung sino siya .

"Somi ?" Gulat kong sabi.

"Naku po ! Mahal na Prinsesa , Pasensya na kayo . Hi---Hindi ko alam na kayo 'yan . Kasi , Hindi ko namna nakita ang itsura niyo" Sambit niya sabay luhod sa harapan ko.

"Tsk ! Ano ka ba naman , Somi ? Tumayo ka diyan. Ayos lang basta mag-iingat ka na sa susunod" Sabi ko sabay tulong sa kanya na makatayo.

"Mahal na Prinsesa , Mabuti at nagbalik na kayo . Ang daming nangyari . Akala ko napaano na kayo . Nag-alala ako sa inyo . Nag-alala ang lahat sa inyo" Sabi niya .

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now