Chapter 4 - Arranged Marriage

702 28 6
                                    


DAHYUN'S POV :

Lumipas ang ilang araw na nakakulong lang ako sa aking kwarto . Pinadadalhan lamang nila ko ng pagkain sa mga Katulong .

Akala ko hindi na nila bubuksan ang pintuan ng kwarto pero nagulat na lang ako nang biglang magbukas ang pintuan ng kwarto ko .

Biglang pumasok ang Hari at Reyna .

"Dahyun , Mahanda ka na . Bukas na ang inyong kasal ni Eunwoo" Sambit ng Hari.

"Hindi , Hindi pwede !" Sagot ko.

"Para rin 'to sayo . Para tumino ka nang bata ka . Mahal kita pero kailangan kong gawin 'to bilang Hari ng Palasyo at Ama mo" Sagot niya sabay alis.

Napalingon naman ako sa aking Ina . Niyakap niya ko nang mahigpit.

"Nandito lang ako , Anak" Sambit ng Reyna .

"Pakiusap Ina , Gumawa kayo ng paraan" Naiiyak kong sabi .

"Pasensya ka na , Anak . Mahal ka namin . Mahal na mahal . Sa ngayon , Ito lang ang maibibigay ko sayo.  Maaari ka na ulit lumabas ng kwarto mo" Sagot ng aking Ina sabay alis.

Napamukmok na lang ako . Hindi na nila sinaraduhan ang pintuan ng aking kwarto . Maaari na ulit akong makalabas ng kwarto ko.

Naglakad-lakad ako sa labas ng kwarto ko at nakasalubong ko si Eunwoo . Nakita ko siyang kinakausap ang ilan sa mga Sundalo ng Palasgo . Nakita namab niya ko .Ngumiti siya sakin at lumapit .

"Excited na ko bukas , Dahyun" Sambit niya.

"Akala mo ba hindi ko nahahalata ?! May masama kang binabalak !" Sagot ko nang paseryoso .

"Akala mo lang 'yun . Mas paniniwalaan nila ko" Sagot niya sakin sabay alis na .

Napatikom ang kamay ko .

Hindi pwedeng hayaan ko na lang na gawin niya ang masama niyang binabalak . Bumalik na muna ko sa kwarto ko at nagmukmok .

Kailan kaya nila ko pagkakatiwalaan ? Kailan kaya nila malalaman kung anong nararamdaman ko ? Ni wala nga kong kaibigan na dadamay sakin . Kailan kaya ko makakakilala ng mga kaibigan na maniniwala sakin ? Nakakalungkot na eh .

Isa talagang sumpa ang maging Prinsesa sa lugar na 'to . Alam kong mahal na mahal ako ng Hari at Reyna pero hindi man lang nila ko magawang bigyan ng tunay na kalayaan.

Hanggang sa marinig ko ang dalawang sundalo ng palasyo na nag-uusap .

"Kailan ba gagawin ni Prinsipe Eunwoo ang plano ?" Tanong nung isa .

"Mamayang gabi , Matatapos na din ang ating paghihintay . Mapupunta na sa kanya ang trono" Sagot nung isa .

Nanlaki ang mata ko . Ano ? Yung TRONO ang habol ni Eunwoo ? Sinasabi ko na nga ba ! May masama siyang intensyon . Kinukuha niya ang loob ng Hari at Reyna para maagaw ang trono .

Anong Plano ? Mamayang gabi daw ? Napaisip ako . HINDI AKO PWEDENG MAGPADALOS-DALOS DAHIL ALAM KONG HINDI SAKIN MANINIWALA ANG HARI AT REYNA .

Ang dami palang traydor sa palasyo na 'to . Pati ang mga Sundalo ng Palasyo , Traydor !

~ TO BE CONTINUED ~

ANO NGA BANG GAGAWIN NI DAHYUN PARA MAILIGTAS ANG PALASYO ?

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now