Chapter 58 - Grandma 😱

437 20 3
                                    

MOMO'S POV :

Nang dumating kami sa dorm ng iba pang pumasok sa trabaho , Bigla na lang kaming sinalubong ni Dahyun at agad na dinala sa kusina .

"Guys ! Kailangan niyong matikman 'tong niluto ko . Unang beses ko pa lang 'yan pero masarap na agad" Sabi ni Dahyun sabay pakita samin ng niluto niya .

"Marunong ka magluto ?" Tanong ni Sana kay Dahyun. 

"Tinuruan ako ni Jungyeon kanina" Sagot niya.

"Ano yan ? Kim----Kimchi ba yan ?" Tanong ni Nayeon .

"Yes ! Tikman niyo" Sagot ni Dahyun nang masaya .

Ngiting-ngiti siya samin . Napatingin kami kay Jungyeon na tumango lang samin .

"I'm sure masarap talaga 'to ! Si Dahyun nagluto eh" Sabi ni Tzuyu .

"Salamat" Masayang sagot ni Dahyun.

"In case na kailangan niyo ng tubig . Mukhang kailangan niyo talaga . Ayan !" Sabi ni Chaeyoung sabay lapag ng inumin sa table .

Nagkatinginan kami nila Sana , Tzuyu at Nayeon . Agad na naming tinikman yung luto ni Dahyun .

Natigilan ako . Bakit ganun ? Ang alat naman ata sobra nito .

"Musta ? Masarap ?" Natutuwang tanong ni Dahyun .

"Omg !" React ni Nayeon nang matikman na niya sabay inom agad ng tubig .

"Hehehe , Sarap diba" Sabi ni Jungyeon kay Nayeon . Napahawak sa ulo niya si Nayeon .

"Masarap ?" Tanong ni Dahyun samin.

"O--Oo , Sarap ! Masarap talaga . Sa sobrang sarap busog na agad ako kaya ayoko na" Sagot ni Nayeon sabay thumbs up lang kay Dahyun.

"Salamat naman , Nagustuhan mo Nayeon ! Eh , Kayo ?" Sabi ni Dahyun sabay tingin samin.

Kumuha agad ng tubig si Sana .

"A--Ayos , Dahyun ! Masarap . Kakaiba yung lasa" Sabi ni Sana sabay kamot sa ulo niya .

"Dahyun , Ma--Masarap . Good Job ! Ang galing mo na" Sagot ni Tzuyu sabay smile kay Dahyun .

Tsk ! Smile pa more , Tzuyu ! Alam ko namang naaalatan din siya . Naka-smile siya pero totoo suko na talaga siya .

Napatingin naman sakin si Dahyun nang naka-smile .

"Momo , Ano sa tingin mo ?" Tanong ni Dahyun.

Ano bang sasabihin ko ? Sasabihin ko ba ?

"Ahhh---Masarap ! Gusto ko 'to" Sagot ko sa kanya sabay smile na lang kunwari.

"Then , Ikaw na kumain ng lahat ng 'yan" Sabi ni Dahyun .

😱😱😱😱😱 ANO DAW ?! AKO ?! LAHAT 'TO ?!

"Ako ?!" Gulat kong tanong .

"Oo , Ikaw ! Hehehe , Masasayang kasi kung walang kakain" Sagot niya sakin .

Anong gagawin ko ?! Maalat masyado eh !

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now