CHAEYOUNG'S POV :
Nang umalis si Dahyun at nang sundan siya ni Mina naging worried ako para sa kanilang dalawa . Siyempre , What if mas lumala yung away nila ? Wala naman kami dun para awatin sila noh .
Ilang oras kaming naghintay hanggang sa bumalik na si Dahyun . Naupo agad siya sa sofa at nanahimik kaya naman sinubukan ko siyang patawanin at libangin kaso wala eh . Ni hindi siya ngumiti sa pag-wacky face ko sa harapan niya .
Ang hirap - hirap naman niyang pangitiin at pasayahin ngayon . Bilib na talaga ako sa taong makakapagpangiti sa kanya kasi ang hirap talaga.
Kinausap na siya ni Jihyo about sa nangyari . Masaya naman ako dahil nagkaayos na siya . Kailangan daw niya ng space ngayon . Naiintindihan ko si Dahyun . Hindi naman kasi talaga 'to ang pakay niya sa mundong 'to tapos biglang nagkaganito kami sa kanya .
Hindi namin siya masisisi kung mapagod na siya at umalis na . Sa totoo , Ayokong umalis siya . Ayokong mawala siya samin .Ayokong malayo na siya at iwanan na kami .
Nasaan na kaya si Mina ? Ayos lang kaya siya ? Nagulat na lang kami nang kunin ni Dahyun 'yung sword niya at agad na lumakad sa pintuan . Magpapractice daw siya sa bakanteng lote sa likod ng dorm .
Aish ! Bakit ngayon pa ?! Omg ! Baka makagawa siya ng gulo kasi may problema siya ngayon . Para sigurado , Nagsisunuran kami sa kanya.
Nang dumating kami sa likod ng dorm sa bakanteng lote , Talagang nagsimula agad siyang magensayo sa paggamit ng espada niya .
Napaupo na lang kami nila Sana sa isang tabi habang binabantayan siyang magpractice . Kitang-kita sa mata niya ang kagustuhang matapos na ang misyon niya .
Alam kong nahihirapan na siya . Hirap na hirap na siya sa mga dumadating na problema sa kanya .
Sana matapos na ang mga problema namin ngayon . Nakakamiss kasi yung walang problema ang lahat at masaya lang na magkakasama .
"Nakakaawa si Dahyun" Sabi ni Jihyo.
"Tama , Kaya dapat wag na nating dagdagan ang problema niya" Sagot naman ni Tzuyu.
"Tama siya eh . Hindi naman 'to ang ipinunta niya sa mundong 'to" Sagot naman ni Sana.
Napatingin ako sa kanila. Teka , Parang sa isang iglap naniniwala na ang lahat na sa ibang mundo nagmula si Dahyun. Kahit ako naman eh , Naniniwala na
"Guys , Naniniwala na kayo kay Dahyun at sa mundo niya ?" Tanong ko.
"Yun nga eh , Kahit hindi pa tayo nakakapunta sa mundo niya --- Naniwala na tayo sa kanya dahil mabuti talaga siyang tao" Sabi ni Momo.
"Saka halata namang seryoso siya sa mga ginagawa niya" Sagot naman ni Nayeon .
"Tama ! Kaya dapat natin siyang tulungan" Sabi naman ni Jungyeon .
Napatingin kami kay Dahyun na mas naging marahas sa pagpa-practice . Mas lumakas yung bawat galaw niya . Nagulat kami nang madaplisan ng sword niya 'yung mga mahahabang damo 😱 Naputol yung mahahabang damo . OMG !
Paano pa kaya 'pag nasa laban na si Dahyun ? Omg ! Mukhang dadaloy talaga ang dugo . Sana huwag umabot sa ganun . Katakot ! Nag-aalala ko para sa kaligtasan niya .
"Dahyun , Magpahinga ka na muna" Sabi ko kaya napatigil si Dahyun .
"Kailangan ko nang husayan ang pageensayo ko . Kailangan ko nang umalis" Sagot niya nang paseryoso.
Aalis na siya ? Hindi pwede ! Agad-agad ?!
"Agad-agad ?!" Tanong ni Sana .
"Yes , Kung kinakailangan ngang ngayon na gagawin ko" Sagot ni Dahyun .
"Pero , Hindi ka pa nagsasanay nang mabuti" Sabi ni Tzuyu.
"Sinabi ko na sa inyo noon na kahit ikamatay ko , Babawiin ko ang palasyo" Sagot ni Dahyun .
"Baka mapatay ka ni Eunwoo" Sabi naman ni Nayeon .
"Bago niya ko mapatay , Uunahan ko na siya . Ako mismo ang papatay sa kanya" Sagot ni Dahyun . Kitang-kita ko sa mata niya ang naglalagablab na kagustuhang manalo.
"Sasama kami sayo !" Sabi naman ni Jungyeon .
"Hindi pwede . Laban ko 'to" Sagot ni Dahyun .
"Laban natin 'to" Sabi naman ni Jihyo kaya napatingin si Dahyun .
"Hindi , Hindi ako papayag na mamatay kayo nang dahil sakin . Wala nang pwedeng mamatay nang dahil sakin . Wala na" Sagot niya sabay balik sa pageensayo .
Nagkatinginan na lang kami nila Jihyo . Hindi namin siya pwedeng hayaan na lumaban nang mag-isa dahil laban namin 'tong lahat kasama siya .
Napatingin naman ako kay Momo na agad ring tumayo nang may hawak na patpat . Anong gagawin niya ? Bigla siyang lumapit kay Dahyun . Napatigil naman si Dahyun sa ginawa ni Momo .
Nageensayo si Momo gamit ang patpat . Anong binabalak niya ?
"Momo ! Ano ba 'yan ?!" Tanong nila Jungyeon kay Momo.
"Kunwari ito ang espada ko . Mageensayo na rin ako" Sagot ni Momo sabay acting na kunwaring espada yung patpat na hawak niya .
Nanlaki naman ang mata ko nang mapatingin ako kay Dahyun . Hindi ako namamalik-mata sa nakita ko . Kinusot ko ang mata ko at tiningan siya ulit . Nakangiti ba si Dahyun kay Momo ?
Tama , Nakangiti nga siya kay Momo . Ngayon , Alam ko nang may taong nakakapagpasaya sa kanya .
"Momo , Di ganyan ! Ganito 'yan" Sambit ni Dahyun kay Momo nang nakangiti .
Ipinahawak niya kay Momo yung espada niya at agad ring tinuruan si Momo . Napayuko na lang ako .
Tama , Bilib na ko kay Momo . Mabuti pa siya , Kaya niyang pangitiin ang seryosong Dahyun . Siya na nga talaga . Ano pang laban ko sa kanya ? Wala ! Dapat kong tanggapin 'yun.
Masayang nag-ensayo 'yung dalawa nang magkasama.
💞To Be Continued💞
Ang mga puso ✌😂✌😂✌😂
YOU ARE READING
Our Crazy Cute Princess Dahyun
FanfictionHalina't sumama sa adventure ni Dahyun sa mundo ng mga normal na tao . Magawa nga kaya niyang gawin ang kanyang natatanging misyon o magsilbi itong way para magkaroon siya ng panibagong buhay kasama ng mga bago niyang kaibigan ? Let's smile and be...