Chapter 39 - Confused

572 12 7
                                    

SANA'S POV :

Tinapos ko nang maaga yung trabaho ko sa Shy Shy Shy shop ko dahil balak ko sanang yayain si Dahyun lumabas para naman mas magklaro ko 'tong nararamdaman kong kakaiba para sa kanya pero nang dumating ako sa labas ng dorm --- Hindi ko inaasahan na 'yun ang madadatnan ko .

Nakita kong hinalikan ni Dahyun si Momo 💔😭 Bakit ang sakit-sakit ? Ganito ba yung sinasabi nilang heartbroken ? Masakit pala talaga .

Imbes na istorbohin sila , Pumasok na lang ako sa loob ng dorm .

"Sana , Kumusta ?" Tanong ni Jihyo.

"Ayos lang" Seryosong sagot ko sabay lakad papasok ng kwarto .

"Wait , Hindi ka man lang ba makikipagkwentuhan samin ?" Tanong ni Nayeon.

"Pagod ako sa trabaho . Magpapahinga na muna ko" Sagot ko sabay pasok sa kwarto .

Sinaraduhan ko na ang pintuan at Ibinaba ang bag ko . Nahiga na lang ako sa higaan ko at napatulala sa kisame ng kwarto . Ano ba naman kasing iniisip ko ?

Paulit-ulit lang na napasok sa isip ko yung scene na 'yun . Hinalikan ni Dahyun si Momo . May something special na ba talaga sila ? Ang bilis naman ata ni Momo . Bakit ganun ? Bakit ganito kasakit para sakin ? Bakit naaapektuhan ako ?

Hanggang ngayon , Confused padin ako sa nararamdaman ko kay Dahyun . Pinipilit ko paring klaruhin kung totoong gusto ko na siya o napagkakamalan ko lang 'tong nararamdaman ko na isang pagmamahal .

Gusto ko munang makasigurado kung talagang mahal ko siya dahil alam kong maaaring may mga bagay na magbago kung basta-basta na lang ako kikilos at maniniwala sa puso ko. 

Napahawak na lang ako sa ulo ko at napatango . Minatozaki Sana , Kaya mo 'yan . Malalagpasan mo 'yan . Hindi ka talaga in-love kay Dahyun . Mawawala din 'yang nararamdaman mo . Maghintay ka lang .

Maya-maya , May kumatok sa pintuan .

"Pasok" Sagot ko . Agad namang pumasok si Mina sa loob .

"Sana , Kain ka dun sa living room kasama namin . May dalang jokbal sina Dahyun at Momo" Ayaya ni Mina.

"Kayo na lang . Wala akong ganang kumain ngayon eh . Pagod ako" Sagot ko sa kanya.

"Sure ?" Tanong niya sakin. Tumango na lang ako kaya naman lumabas na si Mina ng kwarto .

Napaisip ako ---- Mahal ko na ba talaga si Dahyun ? Baka naman nagkakamali lang ako . Ayokong magpadalos-dalos . Saka , Mukhang may iba siyang gusto . May iba siyang mahal at hindi ako 'yun .

Nang mas lumalim ang gabi --- Lumabas na muna ko ng kwarto para magpahangin . Nagulat ako dahil nakatambay sa labas si Dahyun samantalang tulog na 'yung iba .

Nagkatinginan kami pero hindi ako umimik sa kanya . Papasok na sana ulit ako sa loob nang biglang ----

"Sana" Pagtawag sakin ni Dahyun . Natigilan ako sa kinatatayuan ko .

"May problema ka ba sakin ?" Tanong niya . Hindi parin ako humahanap sa kanya .

"Wala , Papasok na ulit ako sa loob" Sagot ko sa kanya .

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now