Chapter 64 - First Love

429 19 2
                                    


DAHYUN'S POV :

Nang gumabi na sa dorm at panahon na para matulog ang lahat ,  Napadaan ako sa room nila Chaeyoung at Tzuyu na nakabukas ang pintuan .

Narinig ko silang nag-uusap about sa isang bagay .

"Gustong-gusto ko talagang magkaroon ng ganun" Sabi ni Tzuyu kay Chaeyoung.

"Malay mo may magbigay sayo" Sagot ni Chaeyoung.

"Sana nga" Sagot ni Tzuyu kay Chaeyoung .

Napaisip ako . Alam ko namang gusto talaga ni Tzuyu na makuha ang bagay na 'yun . Siguro ito na ang pagkakataon para makabawi ako sa kanya . Naging mabait at matulungin siya sakin eh . Siya yung unang tao sa mundong 'to na hindi nagsungit sakin . Siya yung nagpa-realize sakin na huwag mawalan ng pag-asa noong walang-wala ako sa mundong 'to .

Nung panahong umiiyak ako at nilalamig sa Park , Dumating siya at ibinigay ang jacket niya sakin . Mabuti siyang Kaibigan .

Napangiti na lang ako at lumakad na papunta sa kwarto namin ni Momo .

Nahiga ako sa higaan ko at napaisip . Paano ko siya mabibigyan ng ganun ? Kailangan ko ng sapat na pera . Alam ko na --- Hihingi na lang ako ng tulong kay Mina bukas 😊😊😊😊😊

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang nagsalita si Momo .

"Dahyun , Maipapangako mo bang babalik ka sa oras na umalis ka na ?" Tanong niya sakin .

Lumingon ako sa kanya na nakahiga na rin sa kama niya . Naghihintay siya sa sagot ko.

Hindi ako sigurado kung magagawa kong bumalik sa kanila sa oras na umalis na ko pero susubukan ko namang gumawa ng paraan . Sa tingin ko naman ay kakayanin ko dahil gusto ko rin namang bumalik dito .

"Oo naman , Babalik ako . Pangako 'yan" Sagot ko sa kanya . Ngumiti naman siya sakin kaya naman ngumiti na rin ako sa kanya .

"Salamat naman ! Pangako mo 'yan ah . Kapag hindi ka bumalik , Hindi ako titigil sa kakahintay sayo" Sagot niya sakin.

"Hindi rin ako titigil hanggang sa makabalik sa inyo at siyempre sayo" Sagot ko sa kanya.

"Mahal kita" Sabi niya sakin kaya natigilan ako.

Tumingin ako sa kanya . Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko .

"Salamat" Sagot ko sa kanya . She smiled at me .

Ipinikit ko na lang ang mata ko at natulog na .

Kinabukasan , Maaga akong kumilos at nag-ayos ng sarili ko .

Agad ko rin namang nilapitan si Mina .

"Pwede bang magtrabaho ako sayo kahit isang araw lang ?" Tanong ko kay Mina.

"Huh ? Ba--Bakit naman ?" Tanong niya.

"Kailangan ko lang kasi talaga ng dagdag sa pera ko eh may kailangan akong bilihin" Sagot ko sa kanya.

"Ano naman 'yun ?" Tanong niya sakin.

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now