Chapter 35 - One Step Closer

735 20 4
                                    


CHAEYOUNG'S POV :

Gusto ko sanang magstay sa hospital para mabantayan ko si Dahyun kaso hindi na ko nakapalag kila Nayeon . Ano pa nga bang magagawa ko ? Nasa tabi na ni Dahyun sina Momo , Mina , Sana at Tzuyu . Kakailanganin pa ba ko dun ??? Kakailangan pa ba ko ni Dahyun ngayong kasama na niya yung mga mas close sa kanya .

"Let's Go" Sambit ni Nayeon samin .

"Ingat kayo pauwi , Guys" Sagot nila Momo samin.

I looked at Dahyun . Gusto kong makita niya ko kapag nagising ulit siya . Gusto ko talagang magstay kaso kailangan ko nang umuwi. 

"Babalik na lang kami bukas para maiuwi na natin si Dahyun" Sagot ni Jihyo.

"Tama , Babalik kami bukas" Sagot ko.

"Magdadala na kami ng pamalit ni Dahyun" Sagot naman ni Jungyeon .

"Sige na , Umuwi na kayo sa dorm . Gumagabi na" Sagot ni Sana samin.

"Kami nang bahala kay Dahyun" Sagot naman ni Mina.

"Tama sila . See you tomorrow , Guys" Sagot naman ni Tzuyu .

Kaya naman umalis na kami at bumiyahe na pauwi . Nang dumating kami sa dorm , Naglinis na si Jihyo at nagluto muna ng gabihan namin dahil naudlot nga ang pagluluto niya kanina .

Si Jungyeon naman nagpahinga na . Si Nayeon naman nag-ayos ng dadalhing damit na pamalit ni Dahyun . Mabuti na lang at may mga naiwang isinuot na damit si Dahyun . Yung bigay sa kanya nila Sana .

Naupo na lang ako sa sofa at nagpahinga . Hanggang sa naalala ko 'yung cellphone na dala-dala ni Dahyun kung saan man siya nagpunta. 

Kinuha ko yung cellphone sa cabinet at binuksan . Mabuti naman at di pa lowbat . Binuksan ko na yung phone at binuksan na lang ang Gallery . Napansin kong may mga nadagdag na pictures sa gallery .

Ano 'to ??? Bakit may ganitong picture si Dahyun sa phone ??? Saang lugar 'to ???

Nakakagulat kasi may picture siya sa phone niya kung saan may kasama siyang isang babae na nakabihis panglalaki na parang yung suot niya din nang bumalik siya . Sino 'yung kasama niya ? Teka , Saang lugar naman 'to ? Parang ibang klase 'tong lugar dahil kakaiba talaga . Ang daming mga puno at parang paraiso kung titingnan . Tapos 'yung mga tao nakasuot din ng parang pangtraditional .

Ito ba yung mundong sinasabi niya ? Imposible talaga eh . Nakakagulat at nakakapagtaka . Para talagang totoo yung mga sinasabi niya pero laging napasok sa utak ko na kabaliwan lang ang lahat nang 'yun .

Tsk , Nagawa pa talaga niyang magselfie sa pinuntahan niya . Ano nga kayang ginawa niya dun ? Ginawa na niya yung misyon na sinasabi niya ?

Naalala ko , May dala nga pala siyang espada nang bumalik siya . Agad akong tumayo at ini-charge muna ang cellphone ni Dahyun . Kinuha ko yung espada na nakalagay pa sa lalagyan at hinugot ito .

Wow 😱😱😱 Totoong Espada nga 'to . Isang daplis pa lang siguro nito sa balat ko , Mapapatay agad ako .

Bakit may ganito si Dahyun ? Nakakatakot !

Bakit may bahid pa ng dugo 'to ? Kaninong dugo 'to ? 😱😱😱 Dugo niya ? OH MY GOD !

Nakipagespadahan talaga siya sa pinuntahan niya ? Baka naman ---- Dugo ng kasama niya sa picture 'tong nandito sa espada ? Baka naman nakapatay si Dahyun ? HALA ! OHMYGOD !

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now