Chapter 61 - 2Yeon's Role

419 19 1
                                    


JIHYO'S POV :

Nang umalis si Lola , Agad kong pinuntahan si Dahyun .

"Ayos lang 'yan , Dahyun" Sabi ko sa kanya sabah tapik sa balikat niya .

Hindi ko inaasahan na magiging emosyonal si Dahyun ng mga oras na 'yun . Malamang talagang nalulungkot siya ngayon dahil ni hindi man lang niya nakita , nahawakan , nakausap o nakasama ang grandparents niya .

Maswerte talaga ako dahil hanggang ngayon ay kapiling ko parin ang lola ko . Naaawa ako kay Dahyun . Kahit na ngumingiti siya , Alam kong sa loob-loob niya nasasaktan siya .

Mabuti na lang at sinabi ni lola na simula ngayon apo na din ang turing niya kila Dahyun . Nakita kong sumaya si Dahyun dun . Masaya na rin ako dahil naging maayos ang pagbisita ni Lola dito sa dorm .

Sa kagubatan , Dapat nga kay Dahyun pa ko magpasalamat nang todo dahil naaliw si lola sa kanya . Kaya ngayon , Gusto kong bumawi sa kanya .

Napansin ko siyang tahimik parin at nakatulala lang kaya naman nag-isip na ko ng paraan .

Kailangan kong bumawi sa kanya . Bigla ko namang nakita sina Nayeon at Jungyeon na nagkukwentuhan na naman .

Alam ko na ! Aha ! 👏😂💪😎

"Ahhh---Guys , Pwede niyo ba kong tulungan sa gagawin ko ?" Tanong ko.

"Oh Sige , Ano ba yun ?" Tanong nilang dalawa.

Agad ko naman silang binulungan kung anong gagawin nila . Natigilan sila pareho .

"Seriously ? Ngayon na ?" Tanong ni Jungyeon.

"Yes , Ngayon na" Sagot ko.

"Jihyo naman eh" Sabi naman ni Nayeon.

"Please , Para naman 'to kay Dahyun . Kitang-kita naman natin na malungkot siya ngayon" Sabi ko sa kanila.

"Pumayag na kayo" Sabi ni Momo kahit di niya alam kung anong pinaguusapan namin.

"Fine ! Gagawin na namin" Sagot nila sakin.

"Yes ! Salamat , Guys . Sige , Magready na kayo . Please , Iparamdam niyo lang yung pagmamahal . Kahit 'yun lang" Sagot ko.

"Oo na , Makakaasa ka" Sagot nila.

"Fighting !" Sabi naman nila Sana.

Nang makapag-ayos na sila Nayeon at Jungyeon . Agad ko nang nilapitan si Dahyun at nilagyan siya ng panyo bilang takip sa mata niya .

Nagtataka siya pero wala siyang nagawa . Nang lumabas na sina Nayeon , Tinanggal ko na ang piring ni Dahyun . Gulat na gulat siya sa nakita na .

"Tada !" Sabi ko.

"A--Ano yan ?" Tanong niya sakin.

"Dahyun , Aming Apo" Sabi nila Nayeon at Jungyeon na naka-costume pang Lolo at Lola .

"Ano ? Anong aming apo ? Eh , Kayo si Jungyeon at Nayeon ?" Tanong ni Dahyun .

"Dahil hindi mo naabutan ang lolo at lola mo , Naisipan kong iparamdam sayo ang pagmamahal nila sa pamamagitan nila Nayeon at Jungyeon" Sabi ko.

"Ta--Talaga ?" Tanong ni Dahyun.

"Apo , Nilalamig ka ba ? Hayaan mong yakapin ka ng Lolo" Sabi ni Jungyeon sabay yakap kay Dahyun .

Bigla namang namuo ang luha sa mata ni Dahyun .

"Ang ganda-ganda talaga ng apo ko , Manang-mana sa akin . Pa-kiss nga ang lola" Sabi ni Nayeon sabay kiss sa pisnge ni Dahyun.

Tuluyan nang napaluha si Dahyun . Niyakap niya nang mahigpit sila Nayeon at Jungyeon.

"Lolo at Lola , Mahal na mahal ko kayo" Sabi ni Dahyun .

"Tama na 'yan , Wag ka nang umiyak . Mahal ka namin" Sabi ni Jungyeon sabay punas sa luha ni Dahyun.

Nakikinood naman sila Momo sa ginagawa namin.

"Tama ang lolo mo , Nandito lang kami . Hindi mo kailangang malungkot . Kahit hindi ko kami kasama , Isipin mong nasa tabi mo lang kami" Sabi ni Nayeon sabay ayos ng buhok ni Dahyun.

Napatango na lang si Dahyun habang umiiyak . Hanggang sa matapos ang pag-acting nila Nayeon at Jungyeon bilang lolo at lola ni Dahyun .

Nilapitan ko si Dahyun . Bigla niya kong niyakap nang  mahigpit .

"Salamat , Jihyo . Salamat sa inyong lahat" Sabi niya nang umiiyak.

Pinunasan ko ang luha niya at tinapik siya sa balikat .

"Walang anuman , Dahyun . Alam mo namang ayaw naming nalulungkot ka kaya ngumiti ka na" Sabi ko.

"Tama , Nandito lang kami para sayo" Sabi naman ni Chaeyoung.

"Smile naman diyan" Sabi ni Mina.

Nagsmile naman si Dahyun samin .

"Salamat din kina Nayeon at Jungyeon . Para talagang kayo ang lolo at lola ko" Sabi ni Dahyun.

"Para sayo" Sagot nila Nayeon at Jungyeon.

"So , Anong nararamdaman mo ?" Tanong ni Sana kay Dahyun.

"Masaya na ko . May narealized ako eh . Narealized ko na kahit pala hindi ko sila nakasama . Dapat ko paring malaman na binabantayan nila ako mula sa langit" Sagot ni Dahyun .

"Tama ! Kaya smile ka lang" Sabi ni Tzuyu kay Dahyun .

"Fighting ! Wala nang malulungkot , Smile lang lagi" Sagot ko.

Nag-grouphug kaming siyam . Mas tumatatag ang friendship naming siyam . Masaya ako dahil naging kaibigan ko silang walo . Masayang-masaya .

😍To Be Continued😍

Our Crazy Cute Princess DahyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon