Chapter 15 - Who's That Girl ?

707 27 2
                                    


MINA'S POV :

Grabe yung mga pasabog na nangyari samin ngayon dito sa dorm . Akalain mo , Nakilala na pala nila si Dahyun .

Ang liit nga naman ng mundo . Medyo naguluhan ako sa mga nangyayari kasi parang nag-aaway sila na nagpapasalamatan .

Nakatayo lang kami nila Jihyo at Jungyeon sa gilid habang silang lahat di malaman kung anong gagawin .

Hanggang sa nagsimula na silang magusap-usap . Parang magkaaway si Dahyun at Momo ah . Parang di rin kasundo ni Chaeyoung si Dahyun . Ano kayang nangyari ?

Nagpasalamat naman si Sana at Nayeon kay Dahyun . Iniligtas daw sila ni Dahyun sa magnanakaw . Wow , Mapagkakatiwalaan talaga si Dahyun . Saka , Magaling siyang makipaglaban ?

Tas , Tuwang-tuwa naman si Dahyun nang makita si Tzuyu . Close kaya sila ? Baka close talaga sila ! Pareho sila ng jacket eh , Teka ! Di suot ni Tzu yung jacket niya --- Pinahiram kaya niya kay Dahyun ?

Para matigilan na ang gumugulong usapan nila , Sinabi ko nang si Dahyun ang bagong dormmate namin kaso hindi rin pala alam ni Dahyun ang Dorm at Dormmates .

Saan kaya talaga siya nagmula ? Baka naman nagka-amnesia siya tas hindi niya maalala lahat ? Ang weird lang pero cute naman siya .

"Hindi pwede !" Sagot agad ni Momo.

"Tama , Hindi pwede !" Sagot ni Chaeyoung.

"Bakit naman ?" Tanong ko.

"Dahil sira-ulo 'yan !" Sagot nila.

"Grabe naman kayo kay Dahyun" Sagot ko.

"Ako ang Prinsesa ng Enchanted Palace" Sambit agad ni Dahyun .

"Aish ! Tumigil ka na nga !" Sabi nila Momo at Chaeyoung kay Dahyun . Humarang na ko sa harapan ni Dahyun .

"Sa ayaw niyo at sa gusto , Dito muna titira si Dahyun . May atraso ako sa kanya , Muntik ko na siyang mabangga kaninang pauwi ako kaya naman gusto kong makabawi sa kanya" Sagot ko.

"Bakit hindi mo pa tinuluyan ?" Tanong ni Momo.

"Grabe ka naman , Momo" Sagot ko.

"Tama ! Baka nga na-damage na ang utak niyan dahil 'dun !" Sagot naman ni Chaeyoung .

"Listen to me , Totoo ang sinasabi ni Mina" Sambit naman ni Jihyo .

"Ano ?!" Gulat nilang tanong .

"Oo , Ako ang magbabayad para sa kanya" Sagot ko.

"Bakit , Mina ?" Tanong nila Momo.

"Dahil gusto ko siyang maging kaibigan" Sagot ko .

"Talaga ?" Masayang Tanong ni Dahyun .

"O---Oo" Sagot ko . Bigla naman akong niyakap ni Dahyun . Baka ganito lang talaga si Dahyun kapag masaya . Nangyayakap 😂

"Ayos lang sakin na dumito siya" Sambit ni Sana.

"Ayos lang din sakin" Sagot naman ni Nayeon.

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now