Chapter 27 - Missing You

700 24 3
                                    


MINA'S POV :

Umaga palang umalis na si Dahyun kasama ni Sana . Mukhang busy na si Dahyun ah . Mukhang close na sila ni Sana .

Ang weird ng dorm ngayong wala dito si Dahyun . Boring na naman . Nandito ko sa dorm dahil hindi muna ko nagbukas ng "Minari's Stuffs" . Wala lang , Akala ko kasi maagang uuwi sina Dahyun at Sana . Balak ko sanang isama sa Mall si Dahyun kaso tanghali na di pa sila bumabalik .

Samantala , Si Momo --- Napansin kong abala sa pagluluto ng mga pagkain sa kusina . Nakangiti pa siya nang todo . Ano kayang nagpasaya kay Momo ngayon ? Alam namin , Hindi palangiti si Momo eh .

"Momo , Ang dami naman ata niyang niluluto mo" Sambit ko sa kanya.

"Dadalhin ko kasi 'to kay Dahyun" Sagot niya nang masaya .

"Kay Dahyun?" Gulat kong tanong . Close na din talaga sila ? Parang kailan lang di sila magkasundo .

"Oo , Nangako kasi ako sa kanya na dadalhan siya ng luto kong pagkain kaya pupunta ko sa shop ni Sana ngayon" Sagot niya habang inaayos ang mga pagkain sa lalagyanan .

"Talaga ? Close na pala kayo ni Dahyun" Sabi ko.

"Hindi naman sa close na close pero bati na kami . Hindi naman pala siya ganun kasama kapag nakilala mo siya" Sagot niya sakin.

"Ta--Tama ka" Sagot ko.

"Sasama ka ba ?" Tanong niya.

"Hindi na" Sagot ko.

"Sure ? Close kayo ni Dahyun eh , Ikaw pa nga nagpumilit na magstay siya dito . Kaya --- Baka gusto mo siyang puntayan " Tanong niya.

"Hindi na , Momo . Ayos lang ako dito" Sagot ko

Tumango siya at lumakad na dala ang mga pagkain . Napaisip ako .

Mukhang mas close pa nga sila ni Dahyun eh . Ni hindi pa nga kami nagkukuwentuhan ni Dahyun about sa mga bagay-bagay about sa isa't-isa .

So Close Yet So Far 😭💔

Pakiramdam ko nga , Napag-iwanan ako sa ere . Hindi ako masyadong napapansin ni Dahyun . Namimiss ko na siyang kasama at kausap . Kaya nga , Nag-dayoff ako ngayon . Nagbabakasali na makakalabas kaming dalawa nang magkasama kaso --- Hindi naman mangyayari 'yun dahil nandun siya kasama ni Sana at Momo .

Napaupo na lang ako sa isang tabi .

"Ayos ka lang , Mina ?" Tanong ni Jihyo sakin.

"Oo , Ayos lang ako" Sagot ko.

"Sure ?" Tanong niya sakin.

"Sure , Bored lang ako . Wala kasi si Dahyun" Sagot ko.

"Tama ka , Nakakaboring nga talaga . Ni wala akong makausap . Si Nayeon at Tzuyu , May pinuntahang trabaho . Si Chaeyoung busy na naman sa drawing dahil ibebenta niya daw . May pinag-iipunan daw siya ngayon . Si Sana at Dahyun nagtatrabaho din . Si Jeongyeon , Abala sa pagtatrabaho sa restaurant . Lahat sila busy sa trabaho . Si Momo sumunod kila Dahyun . Eh , Ikaw ? Wala ka bang trabaho ngayon ?" Tanong niya.

Our Crazy Cute Princess DahyunKde žijí příběhy. Začni objevovat