Chapter 23 - Sorry

655 27 2
                                    

SANA'S POV :

Nakakalungkot na makitang matamlay si Dahyun . Kakikilala palang namin pero pakiramdam ko close na agad kami . Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya . I want to see her bright smile .

Kinabahan talaga ako nang umiyak si Dahyun sa Park . As in , Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya !

Nagkaaway pa sila ni Momo at Chaeyoung . Sinabi niyang gusto niyang bumalik sa kaharian nila para bawiin ang trono . Gusto niyang ipaghiganti ang kanyang mga magulang na pinatay daw . Grabe , Kung totoo 'yun --- Baka kaya nagkakaganyan siya . Baka na-trauma siya kaya naging weird siya .

Kahit naman ganun si Dahyun , Alam ko namang mabait talaga siya . Naiintindihan ko siya .

Sinubukan namin siyang pakainin ngayong umaga kaso mukhang wala talaga siya sa mood . Siguro miss na miss na nga niya ang parents niya .

Kasi naman , Sila Chaeyoung at Momo --- Nakaalitan pa ni Dahyun . Akala kasi nung dalawa nagloloko si Dahyun . Kahit kami , Medyo naguguluhan pero parang totoo talagang may pinagdadaanan siya .

Ang gulo kasi eh . What if totoo yung mga sinasabi niyang nagmula siya sa ibang mundo ? Ay ! Sana , Wag ka ngang mag-isip ng ganyan ! Ikaw ang nagiging weird eh !

Bumalik na lang ulit si Dahyun sa kwarto nila ni Momo . Nalaman namin na nagsorry na daw si Momo samantalang si Chaeyoung ay hirap na hirap pa ding makuha ang kaayusan kay Dahyun .

Nakita ko yung mga ipinamili namin kahapon ni Dahyun . Hindi pala niya napasok sa kwarto nila . Kinuha ko ang mga ito at dinala sa kwarto nila . Kinatok ko ang pintuan ng kwarto.

"Pasok" Sambit ni Dahyun mula sa loob . Agad na kong pumasok sa loob ng kwarto at nakita siyang nakaupo sa higaan niya at nakasandal sa pader habang mukhang malalim ang iniisip niya .

"Dahyun , Ito yung mga bago mong gamit . Hindi mo nailagay sa loob ng kwarto niyo" Sambit ko sabay lapag ng mga gamit .

"Salamat Sana" Seryoso niyang sagot . Napakamot-ulo na lang ako . Umupo na ko sa tabi niya .

"Dahyun , Kapag kailangan mo ko --- Nandito lang ako" Sagot ko.

"Salamat Sana" Sagot ulit niya nang paseryoso.

"Dahyun , About dun sa mga magulang mo --- Talaga bang pinatay sila ?" Tanong ko.

She looked at me seriously .

"Oo , Pinatay sila ng pakakasalan kong Prinsipe sa mundo namin" Sagot niya.

Kitang-kita ko sa mata niya ang pagkakaroon ng galit .

"Talaga ? Pakakasalan mong Prinsipe ?" Tanong ko . Nakikisakay na lang ako sa mga sinasabi niya . Malay natin meron palang ganun .

"Oo , Si Prinsipe Eunwoo mula sa malayong palasyo . Hindi ko siya mahal . Ipinagkasundo lang kami ng Hari at Reyna na siyang mga magulang ko . Gusto nilang magtino na daw ako dahil ako ang Prinsesa" Sagot niya.

"Bakit ? Ano bang nangyari ?" Tanong ko.

"Mahabang kwento , Sana . Ayoko nang pag-usapan . Basta ang alam ko --- KASALANAN KO 'YUN DAHIL IRESPONSABLE AKONG PRINSESA" Sambit niya sakin .

Our Crazy Cute Princess Dahyunحيث تعيش القصص. اكتشف الآن