Chapter 33 - Her Presence

678 25 0
                                    


TZUYU'S POV :

Simula nang umalis si Dahyun , Parang nawalan na naman ng buhay ang dorm . Kahapon lang pala siya umalis pero parang ang tagal-tagal na .

Hindi muna ko nagtrabaho sa photoshoot ngayong araw dahil wala ako sa mood . Dapat kasi pinigilan ko si Dahyun .

Miss na miss ko na siya . Alam kong miss na rin siya ng iba . Halata namang namimiss na siya nang lahat .

Naupo na lang ako sa Living Room kung saan nakita ko si Chaeyoung na tahimik lang sa pagdo-drawing . Napalingon ako sa inido-drawing niya .

"Si Dahyun ba 'yan ?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya sakin at nagpatuloy lang sa pagdo-drawing . Mukhang miss na rin siya ni Chaeyoung .

"Miss na kasi siya ng lahat kaya naman ini-drawing ko na lang siya para kapag namimiss natin siya --- Titingnan lang natin 'to" Sambit niya sakin .

"Babalik siya , Chaeyoung" Sagot ko .

"Babalik ba talaga siya?" Rinig naming tanong ni Momo na nakatayo sa likuran namin.

"Oo , Nangako siyang babalik siya" Sagot ko kay Momo .

Napayuko na lang si Momo at naupo sa tabi namin .

"Miss ko na ang pulubing 'yun ! Nakakamiss din naman pala siya . Hinahanap-hanap ko na yung kakulitan niya kapag matutulog ako" Sambit ni Momo .

"Daya ni Dahyun , Hindi pa tapos yung trabaho niya sa Shy Shy Shy shop ko eh" Sambit ni Sana.

"Hindi man lang siya nag-Goodbye" Biglang sambit ni Jungyeon na sumulpot din kasama ni Jihyo at Nayeon .

"Namimiss ko na si Dahyun" Sambit naman ni Nayeon .

"Ang tahimik tuloy ngayon dito" Sagot naman ni Jihyo .

"Guys , Nangako siyang babalik siya kaya naniniwala akong magbabalik siya" Sagot ko.

Malungkot ang lahat sa pag-alis ni Dahyun. 

"Talaga bang nagpunta siya sa kabilang mundo ?" Tanong ni Sana .

"Oo , Totoo 'yun . Maniwala man kayo o hindi --- Yun ang totoo" Sagot ko sa kanila.

"Posible ba 'yun ?" Tanong nila sakin.

"Alam kong mahirap paniwalaan pero yun talaga ang katotohanan . Kailangan tayo ni Dahyun . Kailangan niya ng pagtitiwala natin sa oras na magbalik siya" Sambit ko sa kanila.

Napalingon kami sa pintuan nang biglang dumating si Mina .

"Oh Mina , Nandito ka na pala . Kumusta ang trabaho mo ? Mabenta ba ang mga binebenta mong stuffs ?" Tanong namin sa kanya .

"Maayos naman" Malungkot niyang sagot.

"Mina , May problema ba ?" Tanong ni Jihyo sa kanya.

"Wala parin ba siya ?" Tanong ni Mina.

"Sino ?" Tanong ni Nayeon.

"Si Dahyun" Sagot ni Mina.

"Wala parin siya eh" Sagot ni Sana kay Mina .

"Oo nga naman , Wala parin siya . Nag-iisip nga ko kung babalik pa siya eh" Sambit ni Mina sabay iling na lang.

"Babalik siya , Mina . Maniwala lang tayo at maghintay" Sagot ko .

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now