Chapter 13 - Crazy But Cutie

730 26 2
                                    

MINA'S POV :

My name is Myoui Mina . 21 Years Old . Pagba- ballet ang pinagkakaabalahan ko sa buhay . Nasa ibang bansa ang magulang ko dahil sa family business namin .

Laki man ako sa mayamang pamilya pero nagdesisyon akong tumuloy sa isang All Girls Dorm dahil gusto kong maranasan ang ganung buhay . Gusto kong matutong tumayo sa sarili kong paa .

Bukod sa pagba-ballet , May-ari rin ako ng isang Store kung saan ibinebenta ko ang mga cute stuffs like Penguin . I 💟 Penguin kasi eh .

Nag-eenjoy kasi akong gawin 'yun . Mabenta naman ang mga tinda ko . May sariling ipon na nga ko eh .

Pauwi na sana ko ng dorm namin sakay ng kotse ko dahil madilim na nang muntikan ko nang mabangga ang isang babae na mukhang galing sa isang Costume Party kasi naman naka-traditional dress siya na parang pang-Prinsesa .

Akala ko nga nung una nabangga ko na talaga siya at napatay 'yun naman pala nawalan lang nang malay .

Dinala ko agad siya sa hospital . Nakahinga naman ako nang maluwag nang malamang ayos lang siya at wala namang masamang nangyari sa kanya .

Hinintay ko siyang magising . Nang magising siya , Nagpapanic siya kaya naman sinubukan ko siyang pakalmahin .

Nung kumalma siya , Naging weird naman siya . Galing daw siya sa ibang mundo kaya naisip ko baka dala lang ng nangyari 'yun . Kaso mas malala pa pala , Hindi niya alam kung ano ang Hospital at Kotse . Siya daw si Prinsesa Dahyun . Lol

Ang weird niya . Para siyang inosenteng bata na walang alam sa mundo .

Nakisakay na lang ako sa trip niya . Napansin ko namang namumutla siya . Naawa tuloy ako sa kanya . Gusto ko siyang tulungan .

Nagulat naman ako sa hiniling niya sakin . Gusto niyang kumain . Ang cute lang eh .

Nagugutom daw siya . Kaya siguro nahimatay siya sa kalsada . Dahil siguro sa pagod at gutom . Saan ba kasi siya talaga nagmula ? Kapag tinatanong ko , Sa ibang mundo daw siya galing kaya hinayaan ko na lang siya .

Ang cute-cute niyang tingnan kahit na ang weird niya . Ngayon lang ako nakakita ng ganung ka-inosente tulad niya . Hahaha .

Nagulat naman ako nang yakapin niya ko . Siguro masaya lang talaga siya .

Para naman bumalik na ang lakas niya , Dinala ko siya sa Jollibee . Pinagtitinginan siya ng mga tao .

"Wag mo na lang silang pansinin" Sambit ko sabay ngiti sa kanya.

"Bakit ba sila tumatawa at tumitingin sa isang Prinsesang tulad ko ?" Tanong niya habang kumakain .

Medyo natawa ako . Prinsesa talaga ang trato niya sa sarili niya eh 😂 Ang cute niya .

"Wala naman , Wag mo silang intindihin . Basta kumain ka na muna" Sagot ko sa kanya.

Pinagmasdan ko lang siyang kumain kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao . Ayos lang sakin . Wala namang masama eh . Wala namang masama kung trip niyang magsuot ng ganyan . Baka pangarap talaga niyang maging Prinsesa . HAHAHA . Saka , Mukha naman talaga siyang Prinsesa .

Ay ! Teka , Myoui Mina ~ Ano bang sinasabi mo ?! Nababaliw na ba ko ?! Ang cute kasi niya eh ! Ngayon lang ako nakakilala ng tulad niya . Mas malala pa siya sa mga kaibigan ko sa dorm namin .

"Saan ka nakatira , Dahyun ? Ihahatid na kita sa inyo" Tanong ko sa kanya.

"Wala ! Sa ibang mundo ko nakatira.  Pagala-gala lang ako sa daan" Sagot niya sabay ngiti sakin at patuloy sa pagkain.

Wala siyang bahay ? Seriously ! Delikado kaya sa labas ! Lalo pa't para siyang inosenteng bata . Yan na naman siya sa kaka-Ibang Mundo niya .

"May tutuluyan ka na ba ngayon ?" Tanong ko.

"Wala" Sagot niya sakin .

"Gusto mo ? Dun ka muna sa tinutuluyan ko ? Para naman makabawi ako sayo" Sambit ko.

"Talaga ? Hahayaan mo kong sumama sayo ?" Tanong niya na para na namang batang sobrang saya .

Nakakadala yung ngiti ng babaeng 'to .

"O--Oo naman , Delikado kasi sa labas ang tulad mo . Kaya dun ka muna sa tinutuluyan ko" Sagot ko.

"Salamat , Mina ! Ang bait-bait mo talaga !" Sambit niya sakin .

Tumango ako sa kanya at hinintay na matapos siyang kumain .

Nang matapos ang pagkain niya , Umalis na kami . Tuwang-tuwa siya nang sumakay sa kotse ko . Napapatawa na lang din ako kasi ang cute niya tingnan .

She's Crazy but she's also a cutie at the same time 💞💞💞💞💞💞

Nang dumating kami sa dorm , Manghang-mangha na naman siya .

"Ang ganda naman sa tirahan mo ! Mas gusto ko 'to kaysa sa palasyo namin !" Sabi niya . Tumango na lang ako sa kanya .

Sa tingin ko naman , Mapagkakatiwalaan siya . Mukhang mabait naman siya . Inosente nga eh . Hahahaha !

Dinala ko na siya sa loob ng dorm . Sobrang saya niyang pumasok sa loob .

"Ang ganda dito" Sambit ni Dahyun sakin .

"What is the meaning of this ?!" Rinig kong tanong ng apo ng may-ari ng dorm na 'to .

Walang iba kundi si Jihyo 👏👏👏👏👏

Si Jihyo , Lola niya ang may-ari ng dorm na 'to . Siya din ang tagapamahala kapag busy ang kanyang lola sa ibang business .

Dito rin 'yan nakatira kaso solo room siya .

"Hello Guys , Nandito na ko" Sambit ko.

"Si---Sino 'tong kasama mo ?" Tanong naman ni Jeongyeon .

Isa rin siya sa dormmates ko .

"Kumusta kayo , Ako si Prinsesa Dahyun" Bati ni Dahyun kay Jihyo at Jengyeon .

"She's Dahyun . I mean --- Princess Dahyun" Sagot ko sa kanila.

"Princess?" Tanong ni Dahyun .

"Oo , Prinsesa" Sagot ko sabay smile kay Dahyun .

Natuwa naman si Dahyun .

"Ikaw lang 'yung tumawag sakin ng ganyan" Sagot niya sakin sabay smile. I smiled at her .

Natigilan sila Jeongyeon and Jihyo .

~ TO BE CONTINUED ~

Our Crazy Cute Princess DahyunWhere stories live. Discover now