Strings 41: Peace and Chaos

Start from the beginning
                                        

Dahil sa pagtatrabaho ko rito, alam kong hindi niya 'to masyadong ginagamit.

Hinarap ko si Jamie. Hindi ko gets ang ibig niyang sabihin. Tell anyone about? "Ang ano?" The next thing she does answers my question.

May hinila siya sa bookshelf at narinig namin ang mahinang 'click'.

Napasinghap ako. May sikretong kwarto sa likod ng mga malalaking bookshelves na puno ng mga libro.

"What the heck?" Bulalas ni Jane at agad siyang pinatahimik ni Jaceon.

"Kahit sa sarili nating bahay andaming sikreto." Huminga ng malalim si Jamie at itinulak palayo ang shelf. Tumulong ako sa paghila hanggang sa nakita namin ang bakal na pintuan na may square tablet sa gitna.

Mukhang tablet sa  mga spy movies kung saan hinahack nila ang system para ma-access nila ito gamit ang kanilang impormasyon.

Jamie places her eye on the camera, it immediately pings access granted. Napasinghap ako.

Bahagyang bumukas ang bakal na pinto, at hinila ito ni Jaceon para sa amin.

Awtomatikong bumukas ang mga ilaw at sinalubong ng aming mga mata ang lamig ng kwarto.

Tahimik kaming apat habang tinitingnan ang paligid namin. May bukana sa kabilang side at mukhang daan papunta sa ibang kwarto.

The room we're in looks... normal, despite being hidden with complicated technology. Parang lounge area kung wala ang mga naka-mount na monitor sa dingding. Hindi man naka-on pero naiimagine ko ang daan-daang camera sa Casa Del Valle na pinapakita rito.

"What the fuck?" Unang beses kong narinig na nagsalita si Jaceon buong minutong magkakasama kami rito sa loob.

"Pumasok kayo rito!" Rinig kong tawag ni Jamie.

Sinundan namin ang boses niya sa loob ng isa pang kwarto at nahulog ang panga ko sa nakita.

May mahabang pahalang na salamin sa gitna ng dingding na nagpapakita ng mga tao sa kabilang kwarto, ang mga tao sa loob ng meeting room.

Nililinis ko ang salamin na to mula sa meeting room at ngayon ko malalaman na one way mirror to?

Jamie rushed to click something on the other side with panels, and the room was quickly enveloped with voices.

Apat kaming nakatayo habang nakatitig lang sa mga taong nakaupo sa mahabang lamesa.

Si Sir Archie ang nasa puno ng lamesa, kaliwa ang kanilang Lola Divina at nasa kanan si Kuya Jupiter. Nasa tabi niya ang kanyang kapatid, si James na naka dekwatro, nakataas ang manggas ng sweater na suot, at poker face ang tingin sa lahat. By his side is a man tattoed all over his neck and hands. He looked quite scary. Nakikita ko siya minsan sa mansyon, siya ang bestfriend ni Kuya Jupiter.

Sila lang ang pamilyar sa mahabang lamesa.

"Rules are rules." Sir Archie nods sa kung ano man ang pinaguusapan nila.

"Speaking of rules. How are you?" May isang matandang lalake na ngumiti kay TJ. "Hope you liked the agents I sent."

So he's in charge of James' punishment.

"Weak. They needed more training." He smiles. As always, hindi magpapatalo si TJ sa labanan ng ego.

Malakas na kumatok si Kuya Jupiter sa mesa para matigil ang labanan ng kanilang mga salita. "Stop this nonsense. Itasaki will retaliate and we have to plan a course of action."

Bumuntong hininga si TJ at sarcastic na nagsalita, "You just had to disclose the information to the public, Dad."

"I am Sir to you Team Leader Del Valle." Matalim niyang tiningnan ang anak, "And he volunteered."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now