Strings 41: Peace and Chaos

Start from the beginning
                                        

Narinig namin ang pares ng paa na naglalakad papunta dito at nagkatitigan kaming tatlo. Pero ang tingin nila sa akin ay hindi dahil malapit na kaming mahuli, nakatingin sila sa akin na para akong alien. Hindi nila alam kung saan ako nanggaling.

Napahinto ako sa pwesto kahit alam kong kailangan na naming gumalaw. They know my real identity now, what my father did. Despite TJ and I talking about it, I was still ashamed of something I didn't do.

"Ace, Cici." Napaharap ako kay Kuya Jupiter na sumulpot sa gilid namin. Di niya binanggit ang pangalan ko, para siguro hindi malaman ng mga taong nakikinig na andito ako. Whatever the reason, I'm thankful. "Leave. Go."

Mahina niyang tinulak papalayo ang bunso at di napigilan ni Jane umangal. "This is unfair. You're hiding something. We have to know what's happening, kuya!"

Narinig ko ang lakad ng grupo papasok sa meeting room at sumilip ako. Ang naiwan ay si Jamie na nakikipag diskusyon sa kambal sa harap ng pinto.

"Stop being a dramatic kid. Nothing is happening. Ace, take our sister away." He turns away from us, following the party.

Nahuli ni TJ ang mata ko bago niya sinarado ang pintuan nang makapasok ang panganay na kapatid.

Jane was breathing heavily beside me, mirroring her sister who stomped her way towards us, but her face was calm as she opened her phone.

"I hate this. Ate, napalabas ka rin?" Bulong ni Jane habang papalapit sa amin si Jamie.

Inobserbahan niya ang mga kapatid, ang bunso na nagpipigil umiyak sa sinabi ng kuya at si Jaceon na tahimik. Then, she eyes me, her eyes telling me she's sorry about her lola's words. "Don't listen to her Scar. She means well—"

"Okay lang, Jamie. Gets ko." Naiintindihan ko naman ang perspective ng Lola niya eh. I can hear her words and respect her opinion, while still not letting it affect how I perceive myself... at least I'm trying to.

Tumango siya at minata ang pintuan bago itinuloy ang paglalakad. "Let's go."

"Saan?"

"They reopened the investigation. It's all over the news."

Pinasa niya sa'kin ang cellphone na hawak at agad kong binasa ang article na pinapakita niya.

"Kaso ng Kamatayan ng Aktibistang si Ceara Janette Del Valle, Muling Binuksan"

Sinilip ni Jaceon at Cici ang article kaya pinasa ko sa kanila ang cellphone kahit hindi ko pa nababasa ang kabuoan ng artikulo. They deserve to know what the article says first.

Bumibilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad kami sa corridor ng mansyon, papalayo sa meeting room.

What happened that prompted the police to reopen the case? 

Binigay na ba agad ni TJ ang ledger?

"Wait, ate why is she with us? No offense ha." Lumingon si Jane sa'kin.

"She deserves to know everything too."

Jamie and I eyed each other. A moment of understanding passed between us.

"I trust you don't tell anyone about this?"

Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko nang narinig ko si Jamie. I observe our surroundings while Cici and Jaceon nod.

Nasa isang kwarto kami, more specifically office 'to ng panganay na Del Valle. 

Identical sa office ni Sir Archie, merong malaking bookshelves sa gilid na puno ng mga librong hindi ko alam kung nabasa na ba nila ang lahat, mahogany table sa gitna, at dalawang upuan na naka pwesto sa gilid nito para sa mga usapan. May mga vase sa gilid na parang mas mahal pa sa lahat ng internal organs ko. It's all eye catchingly rich.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now