Strings 41: Peace and Chaos

Start from the beginning
                                        

"Anything new is scary. It doesn't mean it's wrong." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at ang kamay niyang naka-akbay ay gumapang sa leeg ko. Hinayaan kong bumagsak ang ulo ko sa balikat niya habang ramdam ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. "And I'm not sure this kind of thing between us gets to be planned."

Tumango ako at naramdaman ang mga kamay niya na humahaplos sa leeg ko. It's comforting. "Yeah."

We're both passing cyclones colliding and refusing to let each other go.

Ngayon ko lang napansin na naka sweater si TJ. Palagi siyang naka sando o nakahubad kaya sigurado ako na sinuot niya 'to para hindi makita ng mga kapatid ang kanyang mga sugat at pasa.

Bumuntong hininga ako at hinigpitan ang hawak sa kanya. Damn that tradition.

Pumasok si Tinang para mag serve ng bowl na puno ng chips. 

Nagulat siya nang makitang nakaupo rin ako sa sala at nakasandal sa gwapong lalaki na 'to, pero kalaunan ay napangisi at kumindat siya sa'kin habang minamata kami.

Parang pinapahiwatig ng kanyang mga mata ang, shet you go girl!

Napailing ako sa kanya at natawa na rin habang napaupo ng tuwid para matulungan ko siyang ilatag ang ibang pinggan sa lamesa.

Bumalik ang tingin ko kay TJ na nakangisi sa akin—parang alam niya na ang nangyayari sa isip ko.

"You're swimming with sharks?" Tumaas ang boses ni Kuya Jupiter kaya naagaw niya ang aming pansin.

I didn't even notice I tuned them out while James and I eyed each other.

"Who?" Tanong niya habang kumukuha ng chips.

"Us." Ngiti ni Gabriel at inakbayan si Jamie.

Sinabi sa akin ni Jamie na may claustrophobia o nagkaroon siya ng claustrophobia dahil sa insidente ilang taon na ang nakakaraan. She hid inside a cabinet, was discovered, and was sexually assaulted by one of the six men (who James killed when they were only eight years old), resulting in her phobia.

So her swimming in deep water, with sharks might I add, is a big deal.

"For our anniversary." Mukhang excited si Jamie.

Takot din siyang bumalik sa dati nilang bahay, dahil mabilis siyang ma-trigger. Pero sinabi niya sa'kin kaninang umaga, na kasama na sa ruta ng pag jogging ang pagbisita sa puntod ng kanyang mommy.

I haven't witnessed her suffering due to her phobia, but I bet it was tough to overcome. And I'm happy for her.

"J—" Sabay lumingon ang magkakapatid sa'kin bago ko pa makumpleto ang pangalan ni Jamie. Nakakatawa pa rin silang tingnan kahit ilang beses ko nang nakikita na sumasabay silang lumingon pag tinatawag.

Tumawa si Gabriel bago nagsalita, "Your mother had a weird obsession with making each of your names start with J."

"Actually, si Dad ang may kasalanan." Nagkangitian ang magkakapatid bilang pag agree sa panganay na babae. "He initially wanted to name Kuya Sky a male version of mom's name, Janette."

"Janot?" Di ko mapigilang input. Ang baho ng pangalan. Ang jantot.

Nagtawanan sila at napangiwi si Kuya Jupiter sa posibilidad.

"I don't even know, but thank God mom strongly disagreed."

"The next good thing is naming you with a letter that starts with J, kuya." Humagikhik si Jane. "That's how the tradition started."

Nagpatuloy ang kwentuhan ng lahat pero napatigil ang usapan nang may agent na pumasok at nagmamadaling lumapit kay Kuya Jupiter.

"Sir?" Lumapit siya sa likod ng panganay na Del Valle para bumulong. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Kuya Jupiter pero mabilis siyang lumingon kay James at Hera. Sa simpleng tingin niyang 'yun ay tumayo ang dalawa.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now