Strings 3: Revenge Is the Sweetest

Comenzar desde el principio
                                        

"Ellena, ang mahal din kaya ng sabong panlaba, isama mo na rin ang pagod ko sa pagkuskos ng putik at ang dignidad na sinagasaan ng driver niyan." I met her stare and she rolled her eyes at me.

"Di ka talaga mag papatalo no?" Tumatawa akong tumango. "Bahala nga kayo, iiwan ko na kayo dito."

Nakatingin lang ako kay Ellena na lumakad palayo habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga, para naman kaming magpapasabog ng bomba kung makatakip siya.

Pinagtutulakan na ako ni Rossana para lumapit sa sasakyan at napatingin ako sa loob ng restaurant, mukhang walang nakakapansin na may apat na babaeng nakapaikot sa kawawang kotse.

Napatingin ako sa sa sasakyan, sayang ang ganda ganda mo pa naman. Sorry gorgeous audi nadamay ka pa sa galit ko sa amo mo (na hindi ko rin alam kung bakit may galit sakin).

"Biliiiis at baka makita tayo." Pagtutulak sa'kin ni Rossana, ito talaga ang demonyo sa balikat ko eh.

Naglalakad ako ng mabilis habang ginagasgasan ang kotse gamit ng tinidor. Tuloy tuloy parin ang pagsira ko sa exterior nang naramdaman ko ang paghila ni Lorraine.

I was laughing while she's dragging me, so I really wasn't helping myself get away. "The guard saw us!" Nang sinigaw niya 'yun ay tumakbo na ako ng mabilis.

"Hoy!" Hindi ko mapigilang mapahalakhak.

Si Lorry ang sa unahan habang sumusunod kaming tatlo sa likod. Hindi na ako nagulat nang makita si Ellena na naglalakad pabalik sa'min nang 'di kalayuan, hindi niya parin talaga kami matiis.

"Anong nangyari?" Tanong niya habang nanlalaki ang mata at imbis na sagutin ang tanong, hinila ni Lorry ang kaliwa niyang kamay para masama siya sa'min. Tumatakbo pa rin kami kahit alam naming wala nang sumusunod sa amin.

Tumatawa lang kaming apat habang tumatakbo kaya mas lalong nakakabaliw.

I'm laughing, but my conscience is eating me, and I must not sway! Revenge is the sweetest. But karma is a biatch so babalikan talaga ako ng ginawa ko.

Nang napalayo ay hingal kaming napahinto and Marianne exclaimed, "I can't believe we actually did that!"

Tumatawa kaming apat pero ang sama ng timpla ng mukha ni Ellena. "Sabi ko pa nga mangyayari yung ganito." Sabi niya habang hinahabol ang hininga.

"But that was fun!" Sigaw ni Rian, natuwa ang loka.

Tumaas ang kilay ni El, "Fun? Pano kung nahuli tayo sa cctv? Gusto niyo bang makulong?!"

"Yeah, that's not good." Segunda ni Lorraine nang marealize ang pwedeng mangyari pagkatapos ng ginawa namin.

Bigla din akong kinabahan. Jusko sa huli nalang talaga pagsisisi no?

"Come on guys. We're not rule breakers, but sometimes we need to break some rules to live our lives. Rossana Saludaga, twenty twent— " Tinampal agad ni Ellena ang ulo ni Rossana bago pa niya matapos ang sinasabing 'quote'.

Rian laughed, "Okay lang 'yun. Mas okay ang ginawa ni Scar compared sa iba diyan na bumabasag ng windshield."

Napatingin agad ako kay Rossana, "Kailan?!"

"Grabe, ako agad?" She held her chest and looked offended by my words. Sino pa ba haharapin ko? Siya naman most likely ang gagawa sa'min ng ganon.

"Don't deny it, Rose. Naglalakad tayo nung tinuro mo ang kotse ng boyfriend mo and then you suddenly threw a large rock." Rian smirked while our mother hen looked at her sister with horror.

"Rossana!" Napatago agad si Rose sa likod ko sa takot na may gagawin sa kanya ang ate niya.

Napahawak si Lorraine sa bibig, hindi alam kung tatawa o matatakot sa ginawa ng baliw naming kaibigan, "Oh my God."

Napailing ako habang nanlalaki ang mata, "Gago ang red flag mo!"

"He cheated!" She shouted at us to justify her actions at napatango ako.

Valid point. Actions justified. Yes yes.

"Please promise na hindi na kayo maninira ng kotse... o kahit anong gamit." Tiningnan kami ni Ellena ng mariin, lalo na ang kapatid niya at napatango ako ng mabilis.

"Yes po Nay." Tinapik ni Marianne ang ulo ni Rossana sa sinabi habang tumatawa.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kunot noo ko itong tiningnan. Ang nag ssend lang naman sa'kin ng message except sa apat na 'to ay ang pamilya ko at ang mga tao sa Mr. and Mrs. Couture.


Thea: Uy hinahanap ka ni Madam nasan ka? Bakit ka nawawala?

Thea: Bilisan mong bumalik at nagagalit na siya!


Kinabahan ako sa chat niya. Putik, anong nangyari? Natataranta kong binalik 'yun sa bulsa at nag paalam na, habang kumakaway sa kanila ay pumara ako ng taxi at nagmamadali nang umalis.








(๑•﹏•)

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora