"Hindi ko pa natapos ang cake ko!" Narinig ko ang malakas na pag urong nila ng mga upuan kaya alam kong sumusunod sila.
Napalingon ako at nakita ko si Rossana na hinihila si El patayo, "Halika na!"
Paglabas, nakita kong huminto ang kotse at lumabas doon ang isang lalake na hindi ko mamukaan sa layo.
Alam kong ito ang sasakyan dahil may specific stripes sa gilid kaya mas tumakbo ako ng mabilis. Ito na! Ito na ang nakatakdang araw! I laughed maniacally.
Maya maya lang ay naramdaman ko na silang apat na tumatakbo sa likod ko and I grinned looking back at them.
Pagdating namin, napansin ko agad na naka park ito sa harap ng isang kilalang restaurant. Hinihingal na tinanong ako ni Rian kung anong ginagawa namin dito pero hindi ko siya pinansin at tiningnan muna ang plate number ng sasakyan.
Ito nga! Witwew.
TJDV 752
"Naalaa niyo pa ba 'yung araw na natalsikan ako ng putik dahil sa humaharurot na kotse sa tabi ko?" Nakangiti akong bumaling sa kanila. Naikwento ko naman na 'to dahil pag uwi ko ay hinihintay nila akong lahat, inaabangan kung anong nangyari sa unang araw ko sa trabaho.
Except pala kay Rossana, she was really weird that day... Nevermind, she's always weird.
Naalala ko tuloy ang araw na 'yon, namakyu pa yung driver! Wala naman akong ginawa, ang gago!
Sabay sabay silang tumango at ngumiti pa ako nang mas malapad. "Ito 'yung kotse."
"Wait. You memorized the plate number?" Rian asked in amazement, and I evilly laughed while nodding at her. "Your selective memorization skills are weirdly amazing, babe."
"Hindi ko gusto ang ngiting mong 'yan Scarlet." Nakakunot ang noo ni El sa akin habang tinitingnan ako ng maigi.
"Anong ngiti?" I told her with a full smile on my face.
"Ngiting may masamang binabalak." Natawa nalang ako at mas humalakhak nang makita ang dala dala ni Rossana.
Napatingin ako sa kotse. Ito ang uri ng sports car na nakikita mo sa mga karera sa pelikula. Ang linis ng kotse at ang kintab, mahihiya kang dumihan o kaya gasgasan.
Napangiti ako. Sabi nga ni Ellena, ngiting may masamang balak. Humarap ako kay Rossana at nilahad ang aking kamay, "Pahiram ako ng tinidor mo."
"Rose, why do you have that?" Natatawang tanong ni Lorry. Ang random naman kasi, may bitbit lang siyang tinidor.
"Biglang tumakbo si Scar eh! Nakalimutan kong iwan." Pangangatwiran ni Rossana at nagtatakang inabot ang tinidor niyang hawak. "Para san?"
Hindi pinansin ni Ellena si Rossana kundi ay humarap siya sa'kin "Scar, 'wag mong sasabihing gagasgasan mo yan."
Nakangiti naman akong tumango at tumawa si Riri sa sagot ko. "Anong kalokohan 'yan!"
"Ay go sis! I support you! Ipapasa ko na sayo ang korona." Rossana kept smirking at nilagay na sa kamay ko ang tinidor. "Putanginang gago ang may ari ng kotseng yan, masyadong bastos."
"Scarlet, this is not right." Hinawakan ni El ang kamay kong may hawak ng tinidor. Sa chaotic energy ng mga kaibigan ko, minsan talaga nagtataka ako kung bakit namin kasama ang pinakamabait na Mother hen.
Siya ang super ego naming lahat, and I wouldn't deny that we always need an Ellena Xiel Saludaga in our lives. "El, naniniwala ako na 'an eye for an eye, a tooth for a tooth.'"
Sinamaan niya ako ng tingin. "A tooth for a tooth? Parang a tooth for a teeth naman to eh. Red, sigurado akong ang mahal mahal ng kotseng to bago gagasgasan mo pa. Hindi ka ba mayayari?"
BINABASA MO ANG
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 3: Revenge Is the Sweetest
Magsimula sa umpisa
