Strings 3: Revenge Is the Sweetest

Start from the beginning
                                        

"Ahh, okay lang naman." Jusmiyo sorry ang awkward ko! Nanlaki ang mata ko nang maalalang may chismis ako para sa mga babaeng 'to. "Ay! Si Talia pala nakita ko kanina sa lobby."

Biglang bumaling ng tingin sa'kin si Lorry. Nakakunot noo at nakahalukipkip parin, "Why?"

"I think she's a model?" Kibit balikat ko. "If she's a designer working there, then it's worse. Ayaw ko siya makita araw araw noh."

"Sandali lang nga. Rossana anong nangyari?" Nagtaka ako nang sumingit si Ellena at hinarap ang kapatid niya na nakayuko.

Nagulat pa siya sa tanong dahil medyo napatalon pa siya sa upuan, "Ha? A-ako? Umm..." Napaiwas siya ng tingin at mukha siyang natataranta na ewan.

Kumunot ang noo ko at naguguluhang tiningnan si Ellena, "Anong meron?"

Mukha siyang nahihiya? Eh hindi mo maipagtabi ang salitang hiya sa pangalang Rosssana.

"Wala ah!" Ang defensive naman ng tono nito masyado, nahahalata tuloy.

Napahalukipkip si Lorraine at tumawa, "Ba't ka namumula?"

"Mainit kasi. Mainit. Hindi ba kayo naiinitan?" Pinanlakihan niya kami ng mata at pinaypayan pa ang sarili gamit ang kanyang kamay.

Kaloka, hindi talaga marunong magsinungaling si Rossana.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa siya tahimik. Habang nag uusap kami ay nasa gilid lang siya, tahimik na nakayuko at pinaglalaruan ang kanyang cake gamit ang tinidor. Kailan pa naging tahimik ang isang Rossana Saludaga?

"Is it about that guy?" Sabi ni Lorry habang nakahalukipkip, sinusuri ng maigi ang kaibigan namin.

Ako naman, napakunot nalang ang noo sa lito. Sinong guy?!

Natawa ako nang namula lalo si Rossana, "Hindi nga!"

"Wait. Sinong guy? May bago ka ba or ex mo 'to?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Gaga, tingin mo ba may bago ako agad?" Aahh that guy.

"Seryoso, anong nangyari Rose?" Tanong ni Ellena kaya hindi ko mapigilang mapailing sa tuwa dahil sa nangyayari at napatingin nalang sa labas, hindi niya kasi kayang magsinungaling sa Ate niya.

"Tangina, 'di niyo talaga ako titigilan no." She glared. Ano kayang nangyari sa babaeng to? Obviously meron, hindi naman siya magiging ganito kung wala.

"Because you've never been quiet, so this is unusual!" I exclaimed.

Umirap siya sa'min at pinaglaruan ulit ang cake niya. "Nung huling mga linggo kasi palagi akong kinukulit ni Evan..."

"Buti nga sa'yo kinukulit ka. Ang sa'kin, tinataguan ako." Rian pouted at hindi ko napigilan ang tawa ko.

Oh taena. Why did I chuckle at that? Rethink—shit, kawawa naman ang bestfriend namin huhu.

Nanlaki ang mata ni Rian sa sinabi niya at napahampas sa braso ni Rossana, "Sinabi ko pala ng malakas? My god. Sorry sorry. Sige, go on."

"Grabeng battered na ako, pero gago may problema na 'yang Danny mo." Napailing si Rose habang hinihimas ang braso niya.

Bumaling uli ang tingin ko sa labas habang nagsasalita siya at napakunot ang noo nang dumaan ang humaharurot na itim na kotse. Itim na kotse? Bakit parang pamilyar nanama—Oh my gad!

'Yun 'yon!

Yun ang kotseng nagkasala sa'kin!

Bigla akong napatayo kaya gumawa ng maingay na tunog ang upuan.

Napatingin silang apat sa'kin at kumunot ang noo ni Rian,"Bakit?"

Hindi ko na siya nasagot kasi tumakbo ako palabas at narinig ko ang tawag ni Rossana, "Hoy! hoy! hoy! Bakit tumatakbo 'yan?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now