Strings 3: Revenge Is the Sweetest

Start from the beginning
                                        

Napahinto ako para tingnan siya.

Si Talia!

Ang liit ng mundo at nakita ko pa silang dalawa dito, wow.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi niya ako nakikita, naalala ko parin ang pagsampal na ginawa niya kay Lorraine kaya isa siyang bitchesa sa isipan ko.

Napaisip ako bigla, alam niya bang di sila talo ni James?

Nung nakita ko silang magkasama, it looked like a one sided crush with the way she stared and followed him that time. Pero chos, baka gumagawa lang ng kwento ang utak ko.

Halos walang tao sa loob pagdating ko sa milk tea shop kung nasaan ang mga kaibigan ko kaya mabilis kong nakita ang apat na babaeng kanina pa ako hinihintay sa pwesto nila malapit sa salamin.

Kumaway si Ellena galing sa isang pahabang mesa. "Red!"

"Mga bruhaaa!" Tumakbo ako sa kanila. Nagyakapan kami habang tumatalon na parang hindi kami nagusap ng ilang taon, samantalang nagkita kaming lahat nung isang araw.

Dala ang aking milktea pagkatapos ko umorder, umupo ako sa tabi ni Rian at sumali sa usapan. Naabutan ko siyang nagsasalita about sa pag surprise niya sa jowa niyang kasalukuyang nasa Baguio para sa isang business meeting, "I think I want to see kung anong ginagawa niya doon."

Tumango tango ako sa sinabi niya at napabaling ang tingin kay Lorraine na nakahalukipkip at umiiling sa harap ko, katabi niya si Ellena, at si Rossana ang nasa pang isahang upuan. "You know, I smell something fishy about Danny."

"Baka naman nagbebenta na siya ng isda as his side job." Napangiwi ako kay Rossana.

"Corny mo, puta." Bulong ko sa kanya pagkatapos kong uminom at masaya niyang inilahad ang kanyang gitnang daliri.

Nagpatuloy lang sa pag uusap ang iba at hindi na pinansin ang nonsense na lumalabas sa bunganga ni Rossana. "Ako lang ba ang nag iisip na... he's cheating?"

Napabuntong hininga si Marianne, "I don't want to think that way Lorrs. Baka naman may problemang nangyari. That's why I want to go, I want to make sure if he's fine."

"I know you're not that dense. Alam kong nararamdaman mo rin. Niloko ka na niya once diba? At hindi malayong mangyari 'yon." Kumunot ang noo ni Lorraine, biglang napayuko si Rossana, at nagkatinginan kaming dalawa ni Ellena na hindi makasalita nang maramdaman ang tensyon.

"Sabi niya hindi na siya ganon." Rian spoke softly.

"What? Sabi niya? Naniwala ka naman? Rian wake up! Bakit ba nagiging tanga ka pag si Danny ang pinag uusapan?" Kumunot na ang noo ko sa pinagsasabi ni Lorraine.

"Dude." I spoke in disbelief—Sobra na 'yun eh. "Walang tanga rito."

"Lorry..." Napasaway din si Ellena.

"Ayaw ko lang pangunahan ang mga bagay bagay." Marianne sighed at natahimik kaming lahat.

Biglang naging awkward.

Alam kong naiinis lang si Lorraine dahil ayaw niyang maloko nanaman si Rian, ganito rin kasi ang nangyari noon. Nakita niya—nakita namin, kung anong nangyari nung niloko siya ng boyfriend niya. Sa pagkaalala ko ilang buwan palang sila non. Nag sorry naman yung lalake at sinabing hindi na uulit, pero ano bang alam ko? Yun naman ang palaging linya ng mga manloloko.

Tumingin ako kay Rossana na nakayuko parin, kaya bumaling ang tingin ko kay Ellena. Pinanlakihan ko siya ng mata at gumalaw ang bibig niya para i-form ang 'ano?'.

Gumagalaw galaw ang mata ko pabalikbalik kay Lorraine, na nakatingin sa malayo habang nakahalukipkip at kay Marianne, na nakatitig sa pinaglalaruan niyang straw. Nakuha naman ni El ang gusto kong ipahatid at agad siyang nagsalita para basagin ang yelo, "Anong nangyari sa work mo Scar? Kumusta?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now